"Nico! Give it back!" sigaw ko sa best friend kong si Nico. Kinuha niya lang naman ang cellphone ko. Nandito kami sa covered court dahil flag ceremony.
"O-Oh...You like...her. S-She's a writer in our publication," sabi niya habang tinititigan ang litrato ni Magenta sa aking cellphone. Inagaw ko iyon pabalik.
"Dude, pakilala mo ako sa kanya. I like her." pabiro kong sambit.
"She's still a sophomore dude."
"And we're juniors. One year ahead lang naman. Sige na. I just find her interesting." totoo naman eh. I stared at her picture in my cellphone. Kinuha ko iyon habang nasa library. She is very pretty. Average lang ang height. Maputi. Matangos ang ilong. Chubby cheeks. Parang natural na kulay naman ang brown niyang buhok.
"Fine, pedo." biro niya. Binatukan ko lang siya.
***
"Dude, she said yes!" sabi ko kay Danico habang umaakbay sa kanya. 3 months after Danico formally introduced me to her, she finally said yes to me.
"Congrats. I'll go ahead, bro." sabi niya. I didn't get a chance to bid my farewell dahil nagmadali siyang umalis.
Pumunta ako sa mini garden sa likod ng school. Doon naming pag-isipang mag-date ni Magenta tuwing lunch break. We prefer our relationship to be lowkey. I brought her flowers and her favorite food.
"Maggie," tawag ko sa kanya. She blushed when she saw me. Geez, she made my heart beat fast. Ngayon lang ako nagkaganito sa babae. First serious relationship hits different.
***
Days, weeks and months passed. Tumagal kami ni Maggie. She is the sweetest girl I've ever met. Maarte nga lang, slight. She's my girl scout and my cheerleader.
"Enzo," tawag niya sa akin habang tutok na tutok sa libro. Nagsawa na kaya siya sa mukha ko?
"Yes, babe?"
"Kumanta ka, please." sabi niya at nagpacute sa akin. Damn, of course I would love to! She likes it when I sing for her.
I strummed my guitar and started singing. Sumandal naman siya sa balikat ko. Nagpatuloy lamang siya sa pagbasa ng libro.
***
"Congrats, Lorenzo! Next year ulit, ha?" sabi niya habang ngumingiti ng malawak. Basketball championship ngayon at nanalo ang aming school.
"Thank you, Maggie." pinisil ko ang ilong niya.
"Hey, champ! Afterparty mamayang gabi, ha? Madami akong ininvite." sabi ni Steven. Tiningnan ko si Magenta. Kasama lang naman niya ang kanyang bestfriend, si Millie. Naglakad palayo si Millie, probably to give us space.
"Babe..." bulong ko.
"Go, Lorenzo. You don't need to ask for my permission." sabi niya habang tumitingin sa paligid kung may nakarinig.
"Thank you, babe. I'll call you." ngumiti naman siya.
***
"What the actual fck?!" sigaw ko paggising ko. I found myself next to Olivia. A weirdo in our batch. Nang sinubukan kong gumalaw ay sumakit ang ulo ko. Napahiyaw ako sa sakit.
"Good morning, Lorenzo." sabi niya habang nakangiti.
"What did you do to me? Bakit---"
"Why, Lorenzo? Ayaw mo ba sa akin?" sabi niya habang lumalapit sa akin. Umatras ako. "By the way, I know about your secret relationship."
"Leave Magenta alone. Leave me alone." matigas kong sabi.
"Never, my darling." sabi niya at tumawa.
BINABASA MO ANG
Dedicated to: Mr. Heartbreaker ✔
Short Story•COMPLETED• Magenta Lizares is a writer in their school publication. She is close to reaching her goal, which is to be an editor-in-chief. Akala niya, magiging madali lang ang kanyang buhay sapagkat, wala naman siyang problema sa pagsusulat. She won...