99

219 8 2
                                    

Pagbukas ko ng pinto ay dumiretso na ako sa computer para tingnan ang files. Nakita ko ang folder na "unedited". Hinanap ko si Danico at nakita siya sa may small sofa bed ng office. May kumot na nakabalot sa kanya. Tulog pala.

Nilapitan ko siya at ginising, "Danico, alin dito sa files?"

Matamlay siyang tumingin sa akin. Parang namumutla rin siya. Hinawakan ko ang kanyang noo at leeg. Umaapoy siya sa init.

"Danico! May lagnat ka! I'll get you something to eat!" akmang tatakbo ako ng canteen para magpaluto ng sopas ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"Tapos na akong kumain." nanghihina niyang sabi.

"Tapos ka na rin bang uminom ng gamot?" tanong ko. Umiling siya.

Kinuha ko ang gamot mula sa bag ko.

"Uminom ka," binigay ko sa kanya pati ang water bottle niya.

"Thank you," sabi niya at umupo para inumin ang gamot.

"You're welcome."

"Bakit ka may dalang gamot? Ah, oo nga pala. Girl scout."

"Laging handa!" tinaas ko ang kanang kamay ko. Natawa kami.

"Pati pagtawa mo, ang ganda mo pa rin," sabi niya na. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Nambola pa." ngumisi ako sa kanya.

"Uhm..sorry pala last Friday...I left you." nahihiyang sambit ko habang nakatingin sa sahig.

"It's okay, Maggie." sabi niya. Hindi ko alam kung nakita niya ba ang nangyari o wala. Ngumiti lamang ako. Hinintay ko kung may babanggitin siya tungkol doon ngunit wala siyang sinabi.

"You know what, Mags? Alam ko from the start na talo talaga ako. Pero sumugal pa rin ako. This time, I tried. Duwag ako noon eh."

Tiningnan ko siya.

"Ilang beses sumagi sa isipan ko na liligawan kita dahil tapos na kayo ni Lorenzo. Ewan pero hindi ko ginawa yun. I know that you were still healing from the pain."

Napalunok ako. Danico is really a good guy, but he isn't the one I think I'll end up with.

"I knew it was Lorenzo, all along. Wala eh, first love mo. Naging witness ako sa inyong love story noon. Ayaw ko na maging kontrabida ngayon," sabi niya. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon.

Ngumiti siya, "Sana maging masaya ka,"

Niyakap ko siya, "I really appreciate you. sana magkaayos na kayo ni Lorenzo."

"Thank you, Maggie. Kakausapin ko siya." sabi niya.

"Siya nga pala, wala talaga akong article na ipapaedit. But you can check if you want to revise your article." ngumiti siya sa akin.

Dedicated to: Mr. Heartbreaker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon