Lumabas ako ng room at bumaba ng hagdan. Maraming tao ang nagpapapicture sa kanya. May dala-dala siyang isang paperbag at bouquet ng sunflower. Nakasuot siya ng casual clothes niya. Bakit sa lahat ng lugar, sa lobby pa niya gustong makipagkita?!
"Excuse me girls," sambit niya nang makita ako. Lumapit siya sa akin. Maraming tao ang nabubulong-bulungan.
"For you," binigay niya sa akin ang mga dala niya.
"Thanks. Bakit dito pa? Maraming tao," nahihiyang saad ko.
"Why? So that they can see who I am truly courting." sagot niya.
Namula ang aking mga pisngi. Tumawa lang siya.
"I came from Baguio. Meeting ng isang entertainment company."
Tumango lamang ako sa kanya. Hindi makaalis ang kanyang tingin sa akin. His brown eyes complimented his fair skin. Matangos ang kanyang ilong. Maganda ang kurba ng kanyang bibig. Halatang-halata ang dugong espanyol dahil sa mga features niya. No wonder na nababaliw ang karamihan sa mga babae.
"I am going to make sure that you will fall in love with me again, Maggie." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Dedicated to: Mr. Heartbreaker ✔
Nouvelles•COMPLETED• Magenta Lizares is a writer in their school publication. She is close to reaching her goal, which is to be an editor-in-chief. Akala niya, magiging madali lang ang kanyang buhay sapagkat, wala naman siyang problema sa pagsusulat. She won...