01 - Sunday

"I just want you close"

Ipinikit ko ang aking mata, rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao sa baba.


"Where you can stay forever" minsan lang 'to mangyare, na ako lang ang nagpeperform kasama ang aking gitara.

"You can be sure, That it will only get better" Tumingin ako sa kaibigan ko at nag thumbs up sila saakin.

"You and me together, Through the days and nights. I don't worry 'cause everything's gonna be alright"

"People keep talking, they can say what they like. But all I know is everything's gonna be alright" Sumenyas ako sa mga tao upang sumabay saakin.


"No one, no one, no one. Can get in the way of what I'm feeling." Ngumiti ako sakanila at pumikit muli upang damhin ang kanta.


"No one, no one, no one. Can get in the way of what I feel for you, you, you"

"Can get in the way of what I feel..." dumilat ako at sumakto ang mata sa isang babae. "...for you" ngumiti ako sakanya, nakita ko kung paano siya nagulat at dali daling umalis.

"Cute." I chuckled.

"Thank you for today guys, and thank you sa suporta niyo ulit. Walang sawa kaming magpeperform ulit sa harapan niyo, at sana 'wag kayong magsawang makinig saamin" sabi ko pagkatapos, tumawa ako.

"We won't " sigaw nila pabalik saakin.

"Pagsalitain naman natin ang Birthday boy, sa isang araw birthday na ni Ryle. Whoo, Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday maliit ang ti--" diniinan ko yung 'ti' kaya binatukan ako ni Ryle. Nagtawanan yung mga tao saakin.

"Atat ka pre? 'Wag kang mag-alala 'di ko ibubuking na maliit ang ti--" diniinan ko ulit. "tipo mong mga babae" Tumawa ako nang tumawa nung nakita kong namumula na yung mukha ni Ryle sa kahihiyan.

"O bakit? Ano bang akala niyong sasabihin ko?" painosente kong sabi, pero sa totoo lang 'di naman maliit yung ti--- tipo ni Ryle, kahit ano naman. At di din maliit yung kanya.

Nagsigawan silang lahat, nagulat pa ako nung may sumigaw ng etits daw tumawa kami nang tumawa habang si Ryle ay namumula.

"Hoy hindi naman maliit hahahahaha. O Birthday boy na 'di nakaappreciate ng kantang ginawa ko" inabot ko yung mic at binatukan niya muna ako bago kuhanin.

"Bago ko pa masapak si Reese, I just want to thank you guys sa presence and pagsuporta niyo saamin. Salamat din sa school natin! Ininvite nila kami to be your Valentine" Sumigaw ang mga tao. Tumango tango ako habang nakikinig kay Ryle.

"For my birthday sa Sunday, we will perform at the Salvador Stadium alongside with other bands and singers. You can get your ticket online, and we'll post it on our page. I hope to see you and celebrate my birthday with you guys. Thank you" Nagbow kaming lima at inabot yung mic sa MC.

"Thank you again Sunday Band so---" mabilis akong tumakbo dahil kailangan kong bilhan ng cake si Mama.

"Mga pre, mauuna na ako. I'll buy a cake and flowers for my mom."

Aiming for You (Sunday Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon