04 - Stay
@reese.choco
Reese Cuevas
I accepted his friend request and followed him on instagram. Napangiti ako nung nakita kong icon sa instagram ay mukha niyang nakapout. Almost all of the photos on his feed are all about sa music, band, and target shooting. Napapikit muna ako bago ko in-open yung story niya. The first one is yung pagreready sa Stadium, yung pangalawa ay yung nagpeperform na sila sa stage. Nagulat ako sa last na ni-story niya, it was me habang nakatalikod at may maliit na caption sa baba 'Nagpunta crush ko bleh. Thank you'. Nag-init yung pisngi ko kaya agad kong pinindot yung home button. Bumangon ako agad nung nakita kong 5:45 am na. Inayos ko na lahat bago kumain, naligo, at nag ayos para sa pagpasok.
Anong oras kaya siya dadating? Usually 7 am ako naalis para hindi ma-late. Chineck ko phone ko, nagmessage siya saakin sa messenger. 'Pst, dito na ako', it was like 5 minutes ago.
"Goodmorning" he said with a raspy voice.
Nakita siya sa may gilid ng gate na may kagat kagat na tinapay. Nang magtama ang tingin namin, agad siyang ngumiti. Nag-init ang pisngi ko.
"M-Morning" at lumabas na ako sa gate. "Kanina ka pa?"
"Mga 10 minutes lang naman, nahihiya akong tumawag. Baka nadyan parents mo" natawa ako nang pabulong niyang sinabi na baka daw nandyan sila Mommy.
"Wala sila, nasa ibang bansa. Business thing," he nodded. "Tara na? Maaga pa naman" sabi ko nang makita ko na 6:25 palang.
Naglakad kami bago nakarating sa may bakery, nag antay kami ng baby bus. May nakarating agad na bus at sumakay kami. Okay, ang lakas na naman ng tibokng puso ko dahil alam kong magkatabi na naman kami.
"Ayos lang ba saiyo na tumabi ako? Baka uncomfortable ka? Baka kasi may ibang tumabi saiyo, alam mo na. Marami kasi akong naririnig sa mga classmates ko na meron daw ibang lalake na nansisiksik." napatitig ako sakanya, that's thoughtful.
"S-Sure." sabi ko nalang ako tumingin na sa labas.
"Maaga pa, 8 din class niyo diba?" pambabasag niya sa katahimikan. I nodded. "Library muna tayo? Papatulong sana ako haha" sabi niya habang nanguya pa.
"Huh? Saan?"
"21st Century Literature from the Philippines and the World, poems na kami e. I-I just thought na baka matulungan mo ako sa meaning ng poems." Napakamot siya ng ulo. "Narinig ko kasi kay Ryle na sa kanila, need daw interpret yung poem." he whispered to my ear.
"Iinterpret pala yun? Edi pati saamin?" doon na din kami sa part na yun.
"Shh ka lang, nakasagap lang ako. Ryle's fault, tsismoso kasi yun e" tumawa ako sakanya, I smiled and nodded. "You know Ryle right?"
"Ah, Oo former classmate" tumango tango siya.
"Nag-uusap kayo?" napalingon ako sa tanong niya.
"H-Hindi, bakit?" napailing siya at ngumiti.
"Naalala ko lang sinabi niya, you lend him your notes." he chuckled and I saw him pouted.
"Y-You also want my notes? Kaso baka ibang subjects lang maipapah---" His eyes widened
"Talaga!? You will?" nagulat ako sakanya, at tumango.
"Kaso 'di ko mapopromise kasi baka need din namin"
"Masosoli ko agad" sabi niya at napakamot sa ulo. "Hindi kasi ako nagsusulat e, haha" tumawa nalang ako.
Buong byahe ay tahimik kami, nakadungaw lang ako sa may bintana at nagkunwareng may iniisip. He's quiet but he's throwing glances to me, nararamdaman ko yun but 'di ko alam kung lilingunin ko siya. Nakita kong malapit na kami, nilingon ko siya. Napaawang pa ang labi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222957157-288-k556311.jpg)