Three

2 0 0
                                    

03- Journal

"...using my lips" I stiffened and my lips trembled. Tumitig siya saakin bago ngumiti.

"I'm joking!" his dimple from his right cheek is showing as he chuckles.

He placed his elbow on the table and rested his cheek on his palm.

"You still don't want to talk to me?" Tinitigan ko lang siya. Bakit ayaw niya pang umalis? Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig niya.

"Aray! Siraulo ka ba!?" agad akong napalingon dahil sa sigaw niya. Singkit, Maputi, at Matangkad.

"Tara na, madami pa kaming gagawin" sambit nung lalake bago lumingon saakin at ngumiti. "Tss, kakornihan mo oy. Kaya pala nagmamadali ang hinayupak na tumakbo, nandito pala chicks niya" nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Hi Miss, you're Yana right? I'm---" siniko niya ito.

"He's no one, he's just an idiot" nilingon ko naman siya.

"Lakas mangbakod dude. 'Wag kang bastos, nagpapakilala ako. Hi I'm Kylo, what's your name again? Gosh, I forgot your name. Can I call you 'tonight'?"

Natigilan ako, naramdaman ko yung kaba. Nagsilapitan pa yung tatlong lalakeng kasama nung singkit. This is awkward, I have to go but I don't know how. 

"Anong tonight? Sus mahina, Hi I'm Hunter. I don't want to know your name It's just a waste of your time because I will probably call you 'mine'." Napatayo na ako at kinuha yung journal ko, ayoko sa ganito. Mabilis ako naglakad papalayo.

"H-Hey! Wait." napatigil ako sa paglalakad "Bwisit kayo! Ambobo, sasapakin ko kayo mamaya" napailing ako at lumakad ulit palayo.

I don't like trusting them, si Daddy lang pinagkakatiwalaan ko. Natatakot akong magtiwala. Ang daming nawala saakin dahil sa pagtitiwala.

Naalala ko yung mukha nung lalake. I saw him, singing in the stage. Iyon ang unang pagkakataon na huminto ako para manood sa isang lalake. Napakaganda ng boses niya at damang dama mo ang emosyon niya, napahawak ako sa dibdib ko. Bakit niya pa ako kinausap? I'm invisible here, walang may pake saakin.

The way he smiled, and stared at me. Iyon din ang unang pagkakataon na hindi ako nakaramdam ng kaba, tanging ilang lamang ang naramdaman ko. He have that aura that I've never seen. Pakiramdam ko ang komportable niya. Bakit ko ba iniisip 'to? Kailangan ko nang dumaretso sa room.

"Dre, paunahan tayo kay Francesca Mendoza o. Kapag naging kami nun, isang libo ko a" sabi ng kaklase ko. Ang pangit ng tingin nila sa mga babae, akala nila bagay ito na pwedeng pagpasahan at pagpustahan. Dumaretso nalang ako sa upuan ko.

Habang nakikinig ay bigla kong naalala 'yung journal ko. Ticket. Anong gagawin ko dito? Hindi ako nagpaplanong pumunta dahil madaming tao doon, panigurado. I opened my journal at nakita kong nakaipit yung ticket. I opened that part.

'By: Aiyana and Caelan' Nagulat ako sa nabasa ko, tinanggal ko yung ticket at tinignan iyon.

"Life is a challenge, don't have an easy way
Full of problems and difficulties, they say
Through my darkness, I need you to stay
Hold my hand, and be my Sunday" mahina kong sambit.

'Through the darkness, I need you to stay
Hold my hand, and be my Sunday'

Umulit nang umulit ang linyang 'yon sa utak ko. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko, hindi ito ang inaasahan kong maisusulat ko. Napatingin ulit ako sa ilalim, our names are written there. Umulit ulit ang linyang iyon sa utak ko. 

I don't know. If someone else will read this, they might thought that the poem is about the two of us. I closed it again. 'Be my Sunday', What does it mean?

Aiming for You (Sunday Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon