Chapter 2 Result

17 1 2
                                    

After presentation, explanation, exchange of questions and answer from the panel.

"Okay thank you girls, pls tell Jay's group to be prepare, next na sila sa inyo. Thank you" -panel 1

GEL POV

Ohh... ano kaya resulta ng thesis namin? After all..... hmmm ...di ko masabi kung pasado o hindi yan lang kasi binitawan ng panel na salita sa amin eh. Well, alam naman namin sa sarili namin na kampante kami sa lahat ng sagot at lalo na dahil may mga supporting details din kami. "oh, PLS LORD! kahit pasang awa lang, ay hindi pasadong pasado pala naku naghirap kaya kami! di ako papayag na pasang awa lang hmm pero kung ano ipagkakaloob mo sa amin di na kami magtatanong pa."

"Tara gays, kain tayo sa labas" -Jen

Nakaugalian na kasi naman na magkakaibigan kapag stress, masaya o kinakabahan... hobby na namin kumain lage sa labas mura man o hindi, gutom man o busog basta ganyang mga mood lamon kung LAMON.

1 week after ng thesis defense

Ma'am Gina: Tapos ko na grades niyo sa thesis and ofcourse ranking na tayo.

Si ma'am Gina ang aming thesis adviser at the same time siya rin ang Chairperson ng MASSCOM.

Kinakabahan na ang buong klase, syempre gusto namin lahat kami makapasa at sabay-sabay makagraduate. Hindi kasi kami papayagan mag ojt kapag di namin naipasa ang thesis yun gusto nila ma'am para focua na kami sa ojt which is mas makakatulong sa amin.

"First of all, I would like to congratulate everyone for the defense!" Mam Gina

*tug .....tug .....tug..... tug*

"Pero syempre may nakakuha ng mataas ng grade at mababa, so far good news ko naman sa inyo......... walang bumagsak" dagdag pa niya.

Tahimik ang lahat at ramdam ang tensyon na bumabalot sa buong silid.

"Magsimula tayo sa gitna yung second to the lowest pataas sa 2nd to the highest para may thrill, yung dalawang matitira na group isa doon ang pinakamababa at isa ang pinakamataas para surprise! Gets? Okay, game!"

*crossfinger* sana hindi muna kami nakakahiya kasi kami nauna matapos. Mamaya isipin nila nagpetiks lang kami. HAHA hindi kami ganun dahhhh!

"Group of Jay's with an average of 80

Next to them is the group of Mira average of 81 followed by the group of Niks average of 85" huminga muna si ma'am at isa isa kaming tinitignan.

Kinakabahan na kami nila ate Jen at ang group ni Niel kasi kami na lang ang di natatawag at masyado ata mabababa ang mga grades nakow naman! At sa group nila Niel nagsama ang mga nag eexcel sa klase next to me pero nagkaroon din sila ng problem sa thesis dahil ilang beses sila nagpalit ng topic halos mag away away sila, well kami rin naman pero sa title at process naman kami natagalan but still hindi kami umabot sa point na nag away. Kaya eto na, kabado much kaming lahat!!!

"So paano ba yan isa sa group ni Gel at ni Niel ang nakakuha ng pinakamataas at pinkamababa. Ano uunahin ko sabihin yung pinakamababa o pinakamataas?"-

Mam G

"Mam yung pinakamataas para mas nakakaexcite" -sabi ni Niks na sinangayunan naman ng lahat

"Okay... the one who get the highest grade is the group of...... the group of......" -Mam G

"Mam paexcite ka naman sila naman makikinabang di kami spill it out mam hahaha" sabi ng baklang si Jay na tumayo pa talaga at tumuntong sa upuan.

"Okay fine well...ahmmmm... ehemmm... congratulations to ...

All the group naipasa niyo thesis niyo kaya magpameryenda na kayo! Palakpakan!!!" Mam G

Grrr mam paexcite talaga!

"Mam uwi na tayo wala ka naman na balak sabihin. Class dismissed! Hahaha!" -Mira

Ang kulit talaga ng klase namin kaya hinding hindi makakalimutan ang batch namin e parang tropa lang kami ng prof at take note CHAIRPERSON pa namin yan!

"Ah ganun?! Sige uwi ka na at mukang may date ka na naman! Haha eto naman mamimiss ko lang kayo e!" -Mam G

"Iiyak na yan!!!!" Asar ng buong klase

"Okay back to the championship" parang sportsfest lang ang peg ni madam G! Ang kulit.

"Well, seryoso na ito inaalis ko lang kaba ng dalawang grupo halatang tense na tense na e okay the highest is the group of Gel with 97 average and the lowest is the group of Niel with the total of 79. That's all gays. See you around! Magcelebrate na kayong lahat! Babush!!! Ayoko na magtagal pa at baka maiyak ako kasi mamimiss ko kayo okay! Bye!" Yan... yan ang sabi ni mam G, grabe dirediretso na siya nagsalita sa highest and lowest nawala tense namin ni di nga kami nagulat at nagbye lang sa kanya agad!

Wait! Hindi ko masyado maabsorb sinabi! Pakiulit my group!? "Group of Gel" get the highest?? Ah kaya pala nagsisiyakap na mga classmates namin yun pala yun!! Ano ulit!!??? Kami!!!! Ahhhhhhhhhhhhh!!

"Tayo!!!??? Group of Gel!! Group ko yan ah tayo mga kapatid!!!" Sabi ko na halos tumalsik notebook ko sa harap sa sobrang tuwa dahil doon ko lang naabsorb! Slow lang!

"Ay hindi group nila Niks ang highest! Gel! Baliw ka na ata kanina pa nakaalis si mam G ngayon mo lang napagtanto?"  -Lex

"Lutang ka na naman!" - Jen

Ang tanging nasabi ko na lang sa kanilang lahat...

"HAHAHAHAH" :P

I know we truly deserve it because we  WORK HARD for it. Thank you Lord :)

Work HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon