Chapter 4 The Beginning- Surprise

14 0 0
                                    

Jen's POV

Nandito na ako sa kinatatakutan ko... ang simula. Bagong simula na naman na dapat kong malagpasan. Masaya ako dahil nakapasa kami sa Thesis at additional blessing na lang yung kami ang nakakuha ng mataas. Gaya ng pangako ko ililibre ko itong mga bruha na ito kaya sa Cabalen kami kumain medyo mahal pero ok lang may 20% discount naman ako, hindi dahil kamag anak ko ang may-ari o may card ako dito kundi dahil PWD ako, remember? Para kaming senior citizen may privelage ng 20% discount sa resto and fastfood! Astig di ba? Kaya pag kumakain ang tropa yan ginagamit namin para tipid HAHAHA! kaya kung saan saang kainan kami nakakarating. Masayang magcelebrate dahil may dahilan. Actually kami ni Lex makapasa lang okay na. Si Gel kasi masyado competitive sa grades kasi naghahabol siya for Honorable Mention, sa totoo lang ideya niya yung topic at siya...siya ang naging motivation namin anlakas kasi niyang mag INFLUENCE sa amin lalo na pag tinatamad kami. HAHAHA! Okay! Dahil pasado na kami edi OJT na! At yan...yan ang kinakatakutan ko kasi alam niyo naman kalagayan ko di ba? Paano ako mag OJT? Siguro nagtataka kayo paano ako nakakapag aral sa kabila ng kondisyon ko? Well, ganito kasi yan. Noong highschool ako normal pa ang lahat nagbago lang ito ng mag college ako kung kailan nadiscover na may tumor pala ako. Syempre ooperahan ako at doon nagbago ang lahat. Paano ako nakapag aral ng college kung di ko naman makita ang isusulat ko at mabasa ang lahat ng babasahin? May tinatawag na "shadow student" siya yung magiging kamay mo sa pagsusulat at tagabasa mo. Hindi sila nakaenrol, hindi rin sila ggraduhan ng prof. Sa case ko may shadow student ako which is inallow ng school in my condition nga kaya nakapag-aral ako. Si May ang shadow student ko naging part na rin siya ng barkada namin. Siya magsusulat ng mga notes ko tapos siya rin magbabasa ng mga handout sa akin para makareview ako naman kailangan maintindihan ko lahat at imemorize gamit ang utak ko. Yan ang buhay ko during the entire college. Ofcourse with the help of Gel and Lex mas nagiging madali lahat sa akin. At eto... eto na ang kinakatakutan ko, sa school pwede ang shadow student eh paano naman ang ojt? Training na yun sa realidad na tatahakin ko at hindi rin naman pwedeng hindi ako mag ojt dahil di rin ako makakagraduate. Ang hirap nga naman talaga! Gusto ko ng umiyak!!!! Pero kahit umiyak ako wala rin magbabago sa kondisyon ko.

Pumunta ako sa office ni mam G para magtanong hinatid naman ako ni May. Maaga ako pumasok para asikasuhin ang ojt ko umaasa ako na papayagan ako ng school.

Gusto ko sana makasama yung dalawa sana...sana...sana...

E kasu kasi........

May plano na sila mag Manila.

Nag usap kami ni ma'am G, hindi pala pwede na may shadow student pagdating sa ojt, hindi ko rin makakasama yung dalawa dahil magmamanila sila, si Lex sa Inquirer at si Gel naman sa ABS-CBN. Ang hirap ng ganito!!! Haayy...

Sa canteen....

"Hi gel, nasaan si ate?" -Lex

"Ewan ko di ko pa nakikita , di rin nagtetext e baka may pinuntahan lang." -gel

"Sabagay! Excited na ko sa ojt. Ikaw?" -lex

"Oo naman kasu si ate kaya ano balak?" Gel

"Ay shit! Oo nga noh, hmm naiisip mo ba naiisip ko Gel?!"

"Hmmm.. pareho ba tayo ng iniisip? O slow talaga ako ever? Haha"...

Lex POV

Oo nga naman paano si ate? For sure di papayag ang kahit saang pag oojthan na may shadow siya kasi ang purpose nga ng ojt is to be independent and practice for the real world of your career.

Pero naisip kaya ni Gel yung gusto ko mangyari? Slow kasi itong bruha na ito! Kundi kalokohan nasa utak neto e for sure pagkain na naman naiisip neto!

Kaya tatanungin ko siya ulit kung gets niya ako! "Hoy bruha nagets mo ba o tutunganga ka lang diyan?"

Sabay hawak sa tiyan niya bago magsalita "oo naman! Nagwawala na nga mga bulate ko sa tyan e, so saan kaya masarap? Doon sa bagong bukas na burger machine? O fast food na lang? Sagot ni Gel na sobrang gutom na siguro! Sabi ko na nga ba e pagkain na naman sa isip neto!

"Mamaya na natin pag usapan kung saan tayo kakain! Magseryoso muna tayo"

"seryoso naman ako ah! E sa gutom na ako ano magagawa ko?" Sabi ni gel mauupakan ko talaga ito! Grrrr! Prangkahin ko na nga ang slow talaga!

"Alam ko gustong gusto mo mag ojt sa ABS-CBN pero pwede naman tayo mag ojt sa local station natin dito di ba? Why not dito na lang tayo mag ojt bukod sa tipid dahil wala na babayarang dorm, magkakasama pa tayo mula pagpasok at pag uwi. Not bad na rin dito kasi may Radio Station sila, Local TV, and newspaper kumbaga parang andito na yung mga linya nating tatlo, ikaq sa tv, ako sa newspaper si ate naman sa radio tutal maboka naman siya. Atleast magkakasama pa rin tayo and pwede tayo mag explore ng capacity natin." Paliwanag ko kay Gel para maGETS na niya.

"Well, the idea is good, let's take it" walang isip isip na sinabi ni Gel at agad pumayag! May goodness! Eto ba epekto ng gutom niya!? Pero ok na rin yun sa akin, maganda rin naman daw doon sa sinasabi kong company. Well, surprise na lang namin ito kay ate.

After ilang minutes dumating na si ate at si Mae, at itong atat na atat na si Gel agad agad nag yaya para kumain.

Sana matuwa si ate sa surprise namin!

Work HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon