Chapter 1- Last Semester

30 1 0
                                    

Sa ilang taong pagsisikap, finally andito na ako sa huling yugtong kailangan kong lampasan. Hindi rin biro ang semester na ito dahil kung hindi ka makakapasa sa lahat ng subjects mo pasensayahan na lang, hindi ka makaka-GRADUATE, kahit pa bayad ka na sa lahat ng graduation fee at may toga picture ka na. Ang tanging nasa isip ko lang ay masuklian lahat ng paghihirap ng magulang ko lalo na ang Daddy ko para maitaguyod lang ang pangarap ko. This is not easy for me, all through the years wala akong ibang inatupag kung hindi mag-aral ng mabuti. My name is Geller Laura isa akong MASSCOM student, pangarap ko kasi talagang ma-involve sa Media Industry although malawak ito basta ang alam ko gusto ko connected pa rin ang work ko sa course ko. Bata pa lang kasi ako gusto ko na maging sila Korina Sanchez, Jessica Soho at Noli De Castro. Nang nabubuhay pa si mommy tuwing manunuod kami ng TV lagi ko sinasabi sa kanya na someday magiging ganun din ako.

*flashback*

7 years old pa lang ako mahilig na ako manuod ng TV lalo na pag news.

"Mommy, balita na nood na tayo para makapagpractice ako pagtapos" sabi ko.

"Okay anak papunta na ako diyan, kahit naman hindi ka magpractice magaling ka na kaya mo nay an" sabi ni mommy.

"Someday mommy, makikita mo rin ako sa TV baka artista na rin ako nun" sabi ko

"Oo naman at pag nangyari yun ako ang pinakaPROUD na mommy sa buon mundo! I love you baby" sabi ni mommy

"I love you too mommy"

*end of flashback*

Sana talaga matupad ang pangarap ko para kay mommy sa heaven. Bata pa lang ako namatay na siya dahil sa sakit sa puso.

Nagring ang phone ko. Si Lexane tumatawag sa akin.

"Hello?"

"Gel, saan ka na? bilisan mo we need to prepare pa para maidefend natin ng mabuti ang thesis natin tandaan mo kapag hindi tayo pumasa back to start tayo sayang lahat ng effortSSS natin with S talaga para ma-emphasize mo kasi madami tayo ineffort dahh" -Lexane

"HAHAHA Yah, I know, actually nandito na ako sa school nasa canteen ako kumakain lang wait ko kayo dito ni ate"

"Okay sige babye". -Lexane

Si Lexane o Lex nga pala ang kaibigan ko mula ng 1st year college ako, mabait siya at sa aming magkakaibigan siya ang pinaka honest sa lahat ng bagay tahimik lang siya pero hindi siya wild na prangka like me.. kaya madalas ang tawag namin sa kanya ay HONESTA.

Si Jen naman ang ate namin kasi mas matanda siya sa amin. Marami na experience sa buhay si ate pati sa ka-L HAHAHA kaLandian. Siya ay PWD o person with disability nagkatumor kasi siya noon at na-operahan, yung isa niyang mata ay totally blind while the other is 50-50 pero hindi alintana sa pagkatao ni ate na affected siya sa nangyari sa kanya, besides you will always see her smiles beyond imperfections..yan ang girl power!.

JEN'S POV

Sana maipasa na naming ang thesis para matapos na ang paghihirap namin. Promise kapag pumasa kami ililibre ko yung dalawang bruha na iyon hahaha.. Hindi ko na hinahangad na mag number 1 kami sa thesis basta makapasa lang okay na talaga at sure na makakagraudate kami. Nakakatuwa lang kasi yung iba naming classmate nagtatalo talo na sa thesis, nag-aaway sa group nila,as in hindi magkakasundo. Kaming tatlo ni hindi nag-away sa thesis namin kaya proud ako sa thesis namin ay este sa friendship namin. Lahat kasi ng idea at makakatulong sa thesis namin yun ang ginawa namin. And I'm so proud of it, we don't even come to the point na nag rurush kami to pass something at ngayon we are totally prepared laban kung laban! AJA!

"Gel, Lex! Ano okay na ba lahat wala na ba tayo nakalimutan?"

"Wala na ate,nakapagreview naman na rin ako sa lahat" -Lex.

"At ako ito dedepensahan ko lang thesis natin as long as alam natin yung mga ginawa natin at support sa thesis kahit sa tingen nila mali we still need to prove it right" -Gel

"Okay let's do this" masayang sabi ni Jen.

Flor: gays bunutan daw wala ata kasing gusto mauna.

Gel: Sige kami na mauuna gusto ko na matapos ito at ng makahinga ng maluwag, ate at lex let's go

LEX POV

Kinakabahan ako sana matapos na lahat ng paghihirap na ito. Si Gel kasi talaga kahit kailan walang inaatrasan napasubo na kami bahala na alam namin handa kami---Sabi ni Lex sa isip niya.

Prof: Okay you may start.

Lex: Our thesis is entitled "Effectiveness of Television Advertisement as perceived by the student voters"

Work HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon