Prologue
Isa akong college student noong ako ay namatay dahil nasagasaan ako ng bike. Oo! Nasagasaan ako ng bike. Matawa man kayo o hindi basta ako lang ata ang tangang namatay sa bike. Actually, hindi ako ang dapat sisihin dito. Yung punyetang nagbibike ang may kasalanan! Marami pa akong pangarap sa buhay! As in!
Hays, sayang lang at hindi ko mapapakasalan ang taong nakalaan para sa akin. Kaya magiingat na kayo sa mga bike rider, mamatay tao na sila.
Ayun na nga, akala ko patay na ako pero pagkabukas ko ng aking mga mata ay nagulat ako nang nasa katawan ako ng isang bata.
Naalala ko pa noon nang binuksan ko ang aking mga mata...
Huh, nasaang lugar ako? Bakit parang...
Nilibot ko ng maigi ang aking mga mata at napansin kong nasa isang malaki at magarbong silid ako.
Tama, nasa kwarto ako ng kung sino!
Napatingin ako sa aking mga kamay at nagulat ako ng parang lumiit ang mga ito.
Hah?! Bakit parang lumiit ang mga kamay ko ng parang bata? Pati mga binti ko? Huwag mong sabihing...
Hinawakan ko ang aking dibdib at laking gulat ko nang makahawak ako ng pader.
Aaaahh! Nawala ang s*so ko! Ibalik niyo ang s*so ko!
"Hindi maaari!" malakas kong sigaw
Hindi ko alam na nakakuha na pala ako ng atensyon sa mga taong nasa lugar na ito. Bumukas ang pinto at nilabas nito ang tatlong lalaki; isa ay may kulay blonde na buhok at kulay asul na mga mata.
"Master, ayos ka lang?" nagaalalang tanong nito.
Kaagad na lumapit ang isa pang lalaki. Siya ay may kulay brown na buhok at may kulay brown ding mga mata.
"Is there any problem here, Master?" nagaalalang ring tanong nito
"Master!"
Nagulat ako nang biglang lumapit ang isa pang lalaki sa harap ko. Siya ay may may light green na kulay ng buhok at light green ding kulay ang kaniyang mga mata.
"Who made you scared? I will kill them for you" seryoso at nakakatakot nitong wika
Ikaw ang nananakot sakin, abno!
At teka.. Sino ba itong mga abnormal ang nasa harap ko ngayon?
"Master Versiera!"
Napatingin kami sa biglang nagsalita na nasa pintuan. Siya ay may orange na buhok at itim na mga mata.
Nang marinig ko ang pangalang 'Versiera' ay biglang pumasok ang mga ala-ala ng may-ari ng katawang ito.
Ako si Versiera Estelle Shubert. Inampon ako ng isang mayamang lalaki upang magkaroon siya ng anak. Siya si Count Florence Vowen Shubert. Naging mapagmahal at maunawaing ama siya sa akin at lagi niya akong sinusuportahan sa mga gusto ko. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakapag-asawa kaya inampon niya ako. Ngunit isang araw ay may ipinakilala siya sa aking babae at mabait siya. Nagpakasal siya sa babae hanggang sa nagkaroon sila ng anak.
Dahil dito, nawalan na ng atensyon sa akin ang aking ama, ganun din ang aking ina. Sa edad na anim na taong gulang, naging alila ako sa mansion. Binubully ako ng anak nila na si Carsel. Isang araw ay aksidente kong nabasag ang vase na dapat regalo ni ina sa Marques at malubha akong naparusahan. Hinagupit ako ng latigo ng dalawampung beses habang nakaluhod sa mga bato sa ilalim ng tirik ng araw. Sa ilang oras na iyon ay unti-unti akong nawalan ng malay at bumagsak. Bago pa man tuluyang mawalan ako ng malay ay may narinig akong sigaw sa malayuan.
"Where did you bring the girl? Where is she!?"
Maya-maya'y may isang tili akong narinig hanggang sa puro dilim na lamang ang sumalubong sa akin.
At nandito ako ngayon kaharap ang tatlong tukmol na ito. Wala sila sa ala-ala ko, sino sila?
"Sino kayo?" tanong ko
"My name is Zeus" sabi nung blonde
"I'm Zeref, Master" tugon naman nung kulay light green ang buhok
"The name is Zorel, Master" wika nung brown yung buhok
Lumapit sakin yung lalaking nasa pintuan at saka inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang kaliwang dibdib.
"And I'm Ryuu, Master. " usal nito
Biglang umingay ang labas ng kwarto at may mga boses kaming naririnig. Napangisi naman si Zeus at napakamot sa kaniyang ulo.
"Well, they're here" sabi niya
"Quite late, huh?" dagdag ni Zeref
Tumigil ang ingay at sabay sabay kaming napatingin sa pintuan. May tatlong lalaki at isang babae ang nandoon. Mukha silang mga seryoso at nakakatakot. Napatingin sila sakin at nagulat ako nang ngumiti sila.
Huwag mong sabihing, kidnapping ito at nandito talaga sila para patayin ako?!
"So this is her, huh?" sabi nung babaeng naka-pony may violet na buhok habang lumalapit sakin
W-What is this? Bakit sila lumalapit sakin?
"Izel, Amiel, Tasper, Parvus!" bulalas ni Ryuu
"She really looked like her mother" dagdag ng lalaking may puti at mahabang buhok habang lumalapit din sakin
My mother?
"We searched everywhere to find you, Master" wika nung lalaking may kulay pula ang buhok habang lumalapit din sakin
Bakit? Wanted na ba ako or something?
Nagulat ako nang lahat sila ay biglang lumuhod sa akin.
"As for our fallen Master, the great hero, Vela von Claese, we swore our loyalty to serve you as her daughter"
What is the meaning of this? I.. I am a hero's daughter?

BINABASA MO ANG
The Hero's Daughter
FantasyThere was a college girl who died in 'bike accident' and was reincarnated as the famous hero's daughter. Because her mother, the hero, died in fighting the demon lord, she was now in the care of the 8 Legendary Disciples of her mother's guild. Later...