Chapter 1
Versiera's POV
Pagkatapos ng malaking rebelasyon tungkol sa pagkatao ko, nalito ako ng bonggang bongga sa kaiisip kung sino ba talaga ang tunay na ako.
Yung bang college student? Yung anak ni Count Florence, o yung anak ng tanyag na hero? O kaya naman anak ako ng teteng?
Sabi ni Izel, ako ang anak ng pinakamalalakas na Mage sa buong kaharian ng Quezloire. Siya lang naman ang isa sa mga pinakatanyag na bayani ng kaharian at ang nagtatag ng guild na nangunguna sa lahat. Siya ang boss ng kilalang '8 Legendary Disciples' na kasali sa guild bilang general nito.
Sa kasamang palad, natalo siya ng isang demon lord sa laban. I mean, pareho silang namatay sa huli pero napatay parin si mama, bwisit siya!
Pero buti lang yun sa magaling kong ina dahil iniwan niya ako sa ampunan. Pagkabalik daw nina Zeus sa ampunan ay wala na ako at iyon ay dahil inampon ako ni Count Florence na wala ring kwenta.
Hays, kaya heto ako ngayon. Dahil nahanap na ako ng 8 Legendary Disciples ni mama, sa akin sila tuloy sumisiksik. Tama ang nabasa niyo, ang 8 Legendary Disciples ay sina Zeus, Zorel, Ryuu, Zeref, Amiel, Tasper, Izel at Parvus. Pero ang naiisip niyong matitinong mga mages ang mga iyan, ay nagkakamali kayo.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa malayo.
May puting buhok at may magkaibang kulay na mga mata, isang pula at isang asul. Kamukhang kamukha ko nga ang aking ina. At tunay ngang nareincarnate ako bilang isang 10 years old na batang babae. RIP boobs, wala ka muna for now.
"Boss, do you want some juice?" sabi ni Zorel habang lumuluhod sa harap ko
"Oh, get me some" masayang sagot ko
Ako nga pala ngayon ay nakaupo sa maliit na tronong gawa sa purong ginto. Sabi nila dito daw ako palaging umupo kase dito raw naupo si mama nung buhay pa siya. By the way, halos isang buwan na rin akong nasa mansion na ito at nakikilala ko na rin unti unti ang mga disipolo.
"I understand" tugon ni Zorel at ginamit ang kaniyang spatial magic na teleportation upang kumuha ng juice.
Kahit na mga inutil minsan ang mga disipolo ni mama, may pakinabang parin naman sila sa buhay ko bilang mga utusan.
Nabigla naman ako nang biglang sumigaw si Zeus.
"Master, be careful!"
Napansin ni Zeus ang lamok na dadapo sana sa balat ko. Kaagad na ginamit ni Zeus ang kapangyarihan niya at sa isang iglap lamang ay nasa harap ko na siya at pinatay ang lamok gamit ang kaniyang Lightning Magic.
Shete otsong kalapati! Ayos pa ba 'tong lalaking 'to? Ba-Bakit bigla bigla nalang siyang sumusugod dahil sa pesteng lamok na yan! Mamamatay ako sa gulat eh.

BINABASA MO ANG
The Hero's Daughter
FantasiThere was a college girl who died in 'bike accident' and was reincarnated as the famous hero's daughter. Because her mother, the hero, died in fighting the demon lord, she was now in the care of the 8 Legendary Disciples of her mother's guild. Later...