Chapter 2
Ngayon ang araw ng pagpasok ko sa school. Masayang nakapila sa harap ko ang walong legendary disciples na may iba-ibang reaksyon.
Si Zorel na lubos na nakangiti habang may bitbit bitbit na baon para sakin. Si Zeus na nakangiti ng parang bata habang nagpapakita ng kaniyang muscle.
Siraulo talaga.
Si Zeref na naka-puppy eyes pa na para bang ayaw pa akong papasukin sa school. Si Ryuu na hindi makatingin sakin dahil naiiyak, tapos si Izel at Tasper na nakangiti lang. Si Amiel na nagliliwanag sa kagwapuhan at si Parvus na seryoso ang mukha. At mukhang walang balak ngumiti.
Huminga ako ng malalim at saka ngumiti.
"Thank you so much for taking care me. I owe my life to all of you." sabi ko
Dahil doon, umiyak bigla sina Zeus, Zeref at Ryuu kaya naman nabigla kaming lahat.
"G-Guys.. Don't be so emotional.." utal na wika ni Zorel habang pinipigilang umiyak
Pagkatapos ng walang kwentang iyakan, pinasakay nila ako sa kalesa. Ang kaso nga lang, siksikan kaming lima sa loob ng kalesa!
"Waahh, Master is so soft.." sabi ni Zeref habang nakasandal sa likod ko.
Argh, this pervert!
Hahampasin ko na sana si Zeref nang makita kong masama ang tingin ng lahat dito na para bang gusto nilang patayin siya.
"In five minutes, Master will gonna sit on my lap too!" wika ni Zeus
"Me too!" dagdag ni Ryuu
"Don't move, idiot! Do you want to die?!" sigaw ni Tasper
Dahil nga siksikan kami sa loob at maliit lang ang kalesa, nakakandong ako kay Zeref at nasa kaliwa't kanan namin si Zorel at Zeus. Tapos nakaupo sa baba sina Tasper at Ryuu na lubhang nakasimangot at nagsisiksikan. Malapit kase sa pintuan ng kalesa si Tasper kaya konting galaw lang ay baka mahulog na siya palabas. Habang sina Parvus, Izel at Amiel ay nasa bubong ng kalesa.
Ang pinagtataka ko ay bakit nagsisiksikan kaming lahat dito? Wala na ba silang budget para bumili ng mas malaki? At bakit kailangan nilang sumama lahat?
Para iwas stress, inalala ko kung anong klaseng school ang papasukan ko. Ayon sa mga disipolo ni mama, ang Wizard Academy daw ang pinasukan niyang eskwelahan bago siya naging hero. Sa lahat ng school sa kaharian ng Quezloire, ang Wizard Academy ang pinakasentro ng lahat ng school at dito kinukuha ang posibleng maging hero para protektahan ang buong kaharian sa mga villain. Anong klaseng school kaya ang Wizard Academy? Sana naman masaya doon.
Maya-maya'y biglang umingay ang paligid dahil sa sigawan ng mga tao. Napatingin ako kay Tasper na nagsalita.
"Looks like the three up there took the attention of the people." sabi nito
Sikat ba talaga ang 8 Legendary Disciples?
"Master, do you want to see the people who believe in you?" tanong ni Zorel
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Ngumisi siya at hinawi ang kurtina na nakatakip sa bintana ng kalesa dahilan para makita namin ang labas. Namangha ako sa napakadaming tao na sumalubong sa kalesa namin.
"Ahhh! Archangel Amiel!" tili ng mga babaeng nasa gilid namin
"You're so handsome!"
"Marry me!"
BINABASA MO ANG
The Hero's Daughter
FantasíaThere was a college girl who died in 'bike accident' and was reincarnated as the famous hero's daughter. Because her mother, the hero, died in fighting the demon lord, she was now in the care of the 8 Legendary Disciples of her mother's guild. Later...