"Try harder, it's not convincing."
Come back.
For the past weeks, I've already lost count on how many times I've heard that phrase. Paulit-ulit. Halos wala akong ibang kwenento sa mga kaibigan ko kundi ang pagbabalikan namin ni Calli at ganoon din si Calli. Medyo natutuwa ako sa pagiging vocal niya ngayon tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa amin but of course, we also keep some things lowkey.
I mean, there are some things that should be kept private because the more information other people know about our relationship, the more it attracts things that could break us again.
And I can't let that happen. We can't let that happen. I hope.
"Hey, Love." Calli kissed the top of my head as he took a sit on the vacant seat in front of me. May inilapag siyang coke float sa tabi ng laptop ko na nakaharap sa'kin.
Nasa outdoor learning area ako ng university, tahimik dito at maaliwalas kaya dito ko napiling pumwesto. Nagkaroon nanaman kami ng free cut pero tambak naman kami sa gawain dahil malapit na rin mag-Christmas vacation.
"Thanks," I said while taking a sip from it.
Ramdam kong nakatingin lang siya sa'kin habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa laptop ko.
"Are you busy? I can leave if you want to--"
"No." Agad akong tumingin sa kanya. "Nagle-layout lang ako ng poster na ilalagay sa bulletin board para sa Year-End Party announcement," sabi ko habang sini-save iyong layout na nagawa ko na. Actually, si Grace dapat ang gumagawa nito pero sabi ko ako na lang dahil nakapagsimula na rin naman ako ng mga dapat isulit bago mag-bakasyon.
Dami na rin kasing gagawin ni Grace dahil iyong org nila ang mag-oorganize nung Year-End Party. Isinara ko na iyong laptop ko at tumingin kay Calli.
"Tapos ka na ba sa mga requirements mo?" tanong ko sa kanya.
"Malapit na," sagot naman niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Kakain pa lang sana pagkatapos kong mag-layout."
"Tara," yaya niya sa'kin. Siya na ang nagligpit noong mga gamit ko, siya na rin nagdala. Hawak niya 'yung isa kong kamay habang 'yung isa niyang kamay ay dala-dala iyong canvas bag ko. Ganito siya simula noong bumalik siya, hindi ko maiwasan isipin na ang dami na ngang nagbago. Halos hindi lumipas ang isang araw na hindi ako kinikilig at natutuwa sa mga ginagawa niya para sa'kin.
Gaya ngayon.
Halos ayaw na niyang bitawan ang kamay ko.
Hindi kami lumabas ng university dahil may dining area naman dito. Hindi na ako nagulat nang iwanan niya lang ako sa isang bakanteng table. Alam na alam na niya kasi ang mga kinakain ko dito kaya hindi na niya ako tinatanong. Pagbalik niya may dala-dala na siyang tray.
"Nasasanay na ako sa mga libre mo ha," angal ko sa kanya. Sa ilang weeks kasi na lumipas, never niya akong pinagbayad kapag kumakain kami. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ba dapat ako naman 'yung manglibre sa kanya?
"A simple thank you is enough Love." Inabot niya sa'kin 'yung kutsara at tinidor ko.
"Fine," I sighed in defeat. "Thank you."
"Try harder, it's not convincing," aniya.
Napailing na lang ako. Napakaarte talaga nito. "Thank you, Love." I tried to sound sweet while saying that at mukha namang na-convince siya.
"HOY LOVEBIRDS!" Nakarinig kami ng sigaw ni Calli at parehas kaming napatingin sa likuran niya. "Wala lang, pa-eksena lang," sabi ni Timo.
Napa-facepalm na lang ako upon realizing na ang dami nang nakatingin sa pwesto namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Holding On With Someday (Holding On Series #1)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 1 of 3) When her life began to collapse, Robbina decided to live her life normally as she rebuilds what she lost while bearing her new life story in hand, hoping that covering her reality will take away the anguish she's s...