1: Meeting Liam

64 0 0
                                    

   

"Late na naman." Bulong ko sa sarili habang sumisilip sa classroom.


7 am yung klase ko at 7:27 am na. Nakita ko yung teacher ko na busy magsulat sa white board. Alam kong hindi siya nagtatawag ng students kaya sana mabagal magsulat sa attendance yung mga kaklase ko para mailagay ko rin yung name ko sa list.





Tamang hintay lang perfect timing para pumasok. Yung tipong hindi siya badtrip, yung sakto lang. Haha!

Nakita ko naman yung kaibigan kong nagsusulat. Busy ang lola niyo at hindi man lang ako hinahanap. Tsk. Nakakatampo ka naman siz!




Nakita kong umupo na yung prof ko at nagsimula nang magbasa.


Ito na yung tamang pagkakataon, kailangan ko nang pumasok.


Dahan dahan akong pumasok sa classroom, pinilit ko na hindi mag-ingay yung pinto para hindi ako mahalata. Feeling ko nasa secret mission ako, akyat room gang (late edition churut!) Abala ang lahat sa pagkopya ng nasa board, yung iba naman pinipicturan at yung iba naman busy mag cellphone kaya malakas ang loob ko na hindi ako mahuhuli.






"Siya po yung gusto ko kapartner." A random guy said while pointing at me. Nagulat akong napalingon sa kanya. Nakakaloka ka sister ah!



Hanep, nananadya. Agad namang napalingon sa akin yung prof ko sa isang minor subject. Sayang naman effort ko eh di sana kanina pa ako pumasok!


"Ms. De Vera? Late again?" She said habang inaayos yung salamin niya. I just nodded and smiled to her, umiling na lang siya dahil wala na siyang nagawa. 


"Sorry po." I apologized to her. Napatingin ako kay random guy na kasalukuyang nagbabasa ng mga notes niya.


Abangan mo ang ganti ng isang api.



Umupo na lang ako sa tabi ng seatmate ko/my forever kakampi, Ian Castro. Yeah, Ian lang yung name niya, she wanted us to call her "Ina", 'cos why not? Hahaha!


"Mamsh, kung ako sayo hindi na ako papasok kung magpapalate ka. Bida bida ka!" Ina said. I gave her a "whatever" look.


Better to be late than never! Maaga naman talaga akong nagising, yun nga lang super traffic talaga. Kahit anong aga mo umalis, maiipit ka pa rin sa traffic.


"At dahil late ka iba yung kapartner ko! Yung fafa na yun iyo dahil parehas kayong walang partner! Tsaka mamsh, ang gwapo niya!" Sabi niya habang natatawa.


"Ay mamsh, may chika ako sayo. Alam mo ba yung gwapo na nakita natin sa coffee shop? Nag-aaral dito! Nakasalubong ko siya kanina!" Bulong sa akin ni Ina.


"Alin doon? Lahat kaya ng napuntahan nating coffee shop may mga gwapo tayong nakikita!" Bulong ko sa kanya pabalik.

Better With You (SHARDON Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon