Chapter 2

25 8 0
                                        

Kinabukasan, I decided to be civil with Mom. I don't know the whole story. Baka naman na misinterpret ko lang.

"Mom, kelan po ang balik ni Dad?" I casually ask habang nasa hapag-kainan. Kelangan kong malaman so that I can plot my plan.

Kita ko ang paglunok nito ng ilang beses.

"H-he's out for business,sweety. Baka three weeks siya doon. Why?"

"Nothing." tipid kong saad at kiming sumubo ng pagkain. 3 weeks nga talaga, maybe I can start packing later. Bukas if may lakad si Mom I'll proceed with my plan. Pupuntahan ko sila Grandpa at Grandma to seek for help. Sila nalang ang pag-asa ko.

"Uh mom? Pwede po ba akong bumisita kina Grandpa? I missed them." maingat kong tanong.

"Ask your Dad, Heira. Alam mo naman na they're not on good terms."

Marahan akong napatango. It's not my luck, I guess. Sneaking out will do then. Natapos kaming kumain nang walang nagsasalita. Binilisan ko ang pagtapos.

"I'm done. I'll go upstairs,Mom." bahagya akong ngumiti and kiss her cheeks.

"Sweety, you know I love you right?" napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya.

"Of course Mom. Of course." saad ko sabay tango. Convincing myself na totoong mahal niya nga ako. Masyado pang mahirap na paniwalaan sya after what I heard last night.

"Thank you. That's what I want to hear." kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito.

I smiled once again. Mahal ko naman talaga si Mommy but with the happenings in my life right now? I don't know who to trust anymore.

Sometimes, it's just so hard for a person to trust. Lalo na kapag sinusubok ito ng panahon.

And that's what I'm feeling right now.

"I'll go now,Mom" paalam ko at dumiretso na sa kwarto. Malakas ang buntong hininga ko ng makaupo ako gilid ng kama.

That day, I sneaked out. Pumunta ako sa ancestral mansion ng Lolo at Lola ko. Sinubukan akong kunin nina Daddy at Mommy pero malakas ang impluwensya ni Lolo. He fought for me. Walang nagawa sila Mommy kasi nakiusap din ako. It's hard seeing my mother cry pero what can I do? I seek for freedom. Akala ko tapos na but then Dad's men kidnapped me. Lolo tried to find me pero sadyang malinis ang pagkakagawa ni Daddy sa planong pagtakas sa'kin. Ginawa niya ang plano niya. Kapalit ng partnership, pinilit nila akong pakasalan ang anak ng kasosyo ni Dad. We're still minors but money can do anything. Even twisting the law. Isang beses kong nakausap si Mommy pero sabi niya pati siya ay walang magawa, tinanong ko siya kung bakit but she just told me na hindi ko daw iyon maintindihan. I refused to believe her tho.

Kinasal kami. Iyak ako ng iyak nun. Palagi akong gumagawa ng paraan para makatakas while the boy is just on relax mode. I hate his guts. Really, really hate it.

Kapag pumalpak ang plano ko he would then smirk. The more I wanted to wring his neck.

"I hate you!"
"Para namang gustong-gusto kita." sabay irap sakin. Parang bakla.

"You know we're in the middle of nowhere, don't you?"

"Anong tingin mo sa'kin!? Syempre alam ko! Duhh"

"Then why the heck you keep on stressing yourself to sneak out?" saad nito habang may hawak na apple sa kamay. I stared at it for a moment pero agad ring nag-iwas ng tingin.

"Like you care." saad ko nalang.

Umupo ako pabalik sa kama bago nahiga. Blangko akong nakatingin sa ceiling nito.

"You know what, why don't we go out? Hindi naman corner tong pinag-iwanan nila sa atin."

"Ayoko."

"Come on! Paano kung may makita kang daan palabas?" napantig ang tenga ko dun. Oo nga no?

"Whatever." saad ko sabay tayo. I bun my hair. Pinagpag ko ang nagusot kong above-the-knee dress.

"What are you doing?! Akala ko ba lalabas tayo?" irita kong saad ng makitang prente pa rin itong nakaupo. Kainis eh.

"After you Madame." I rolled my eyes at him.

"Sungit."

"Pake mo?" Umirap ulit ako.

"Isang irap pa hahalikan talaga kita." agad na nanlaki ang mata ko.

"Bastos ka! Manyak! Tigang!" pinagpapalo-palo ko siya at todo iwas naman siya habang tumatawa.

"S-stop it! Hahaha! Your reaction is priceless." Tawa pa rin ito ng tawa kaya iniwan ko na.

"Hintayin mo ako uy!"

Adam Keith Ledezma, yan ang pangalan niya. Minsan okay, kadalasan sabog. Ayaw kong maging bias pero totoong gwapo ito. Nung unang pagkikita namin aaminin kong sandali akong natulala sa mukha niya. Kung hindi niya lang ako inirapan nung mga sandaling yun baka sakaling naging crush ko siya.

"Ano may nakita ka?" tanong nito sa likod ko. Boses pa lang niya nakakairita na.

"Kung may nakita na ako,edi sana nakatakas na ako diba?! Bobo neto." sabay irap ko. Tumawa lang ito.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? I'm too good to be hated,you know."

"Your mere existence irritates the hell out of me! Kaya please lang, lumayo-layo ka sa akin!"

Imbes na masaktan ay natawa na naman ito. Insane.

"This, with a girl like you in the middle of nowhere, i guess this isn't so bad."

"Share mo lang? Psh." balewalang saad ko at nagpatuloy sa paghahanap ng daan. Pinagloloko ko lang ata ang sarili ko, my Dad won't go this far and ended up with me being freed. Instead of finding a way out, naghanap nalang ako ng pwedeng mapagtatambayan as of the moment. I need a space where i can treat it as my sanctuary. Hindi pwedeng naiirita nalang ako palagi dahil sa pagmumukha ng preskong yun.

Lumusot ako sa sa masukal na damuhan. It actually put scratches on my arms but who cares,

"Oh my god. This is perfect." tanging nasambit ko nang makita ang natatakpan ng mga matataas na damong iyon. A breathtaking view. The treen are awesomely tall, green grasses everywhere and a calm river. May mga dahon na nahuhulog at mas lalo iyong nakakalula.

"Amazing. How'd you know this place?" ang kaninang pagkamangha ko ay napalitan na naman ng irita.

"Diba sabi ko sayo layuan mo ako?!"

masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ngunit ang hudyo ngumisi lang at dahan dahan na lumapit s akin. His eyes bore into mine and once again i felt like drowning. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Nang makarating sa harapan ko ay nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon dahilan para magkatagpo ang aming paningin. Sa gulat ay hindi ako makaimik.

"That is impossible, princess. Hindi ko alam kung makakalayo pa ba ako sayo now that i get a chance to look at you this close."

°°°
06262020
#edited

Nowhere, With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon