After that incident, hindi na ako nagbalak pang umalis. I stayed at home. Ni paglabas sa kwarto ay hindi ko magawa. And i know, i'm back again with my old self.
Ang unfair lang. Ilang taon kong inayos ang sarili ko, pinaniwalang okay na ako, na kaya ko na. Pero dahil sa isang beses na pagtatagpong yun, square one ulit ako. Balik ulit ako sa Heira'ng matagal ko ng kinalimutan.
And the sad thing about my situation is, I don't have someone. Wala akong masabihan ng mga problema ko. Wala akong masasandalan kasi I only have myself.
Ugh. Stop with dramas, Heira.
Kakagising ko lang at yan agad ang nasa isip ko. Not healthy. Bumangon na ako at sandali pang nakatungo bago tuluyang pumasok sa bathroom and did my usual morning rituals.
Pagkapasok, nahagip ng mga mata ko ang repleksyon ko sa salamin.
Wasted. Yan lang ang masasabi ko. Messy hair, puffy eyes and pale face. Napabuntong hininga ako. Parang nung dati lang.
Pinilig ko ang ulo ko at dumiretso na sa paghilamos at naligo.
Ayaw kong alalahanin ang nakaraan pero hindi ko maiwasan. It's just that, it's hard. Parang nakaukit na yun sa pagkatao ko. Kahit anong gawin kong limot, bumabalik balik iyon. Nahahalungkat.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. I guess, I can't really take away that part of me. Ang mag-isip ng kung ano ano and ruin my day kahit di pa man nagsisimula.
"Ma'am nakahanda na po ang breakfast niyo." salubong sa akin ng kasambahay. Saglit ko itong tinapunan ng tingin.
" Sa school cafe na ako kakain." tipid kong saad at nagpatuloy na sa paglakad palabas. Nakaparada na ang sasakyan sa labas kaya deritso na akong sumakay.
Pagdating sa school ay hindi na ako nahirapan sa pagparking dahil may nakahanda naman ng space sa akin since isa ako sa mga VIP. Kahit hindi ko hawak ang pera at ari-arian na pinamana nina Daddy, talagang nakakabenefit pa rin ako dito kasi automatic ang bisa ng agreement nila sa school na ito.
In short, sa ayaw at sa gusto ko isa ako sa may pinakamalaking ambag dito sa school. Kahit hindi ako pumasok, papasa pa rin ako at makakagraduate. Money buys everything ika nga. Tss.
"Heira! Omg girl! You're so gorg!" bungad sa akin ng isa sa mga so-called friends ko.
"I know right." nakangising saad ko at nakipagbeso dito. Sumunod naman ang tatlo pa na panay rin ang puri sa akin.
"Grabe ha! You have no paramdam since weekend! You missed the fun, Heira!" ani Claire na may pakumpas kumpas pa ng kamay na may hawak na suklay.
"Oo nga! May hottie sa bar last time! Gosh! I can imagine him being so wild!" tili ni Arianne sa kilig.
"Yea right, as if naman napansin tayo. He's a snob hottie! But I'm sure kapag andun si Heira, maakit niya yun. Right, girls?" parang aso namang tumango ang mga ito. I mentally rolled my eyes.
"I can but I won't. Besides, ang aga aga pa for boys! Let's talk about the new released brand! I'm sure you already got yours, right?" pagiiba ko sa topic. Agad naman silang tumango at kanya kanyang display ng mga nabili nila na galing pa mismo sa designer. If I know, mga order lang yan sa shoppee. Just kidding. Perks of being filthy rich.
Umikot sa branded product ang pinagusapan namin. Kung may makakarinig man sa amin, I'm sure they'll say we're so obsessed with signature brands but who cares? I prefer it anyway.
Nakinig lang ako sa kanila at minsa'y sumasagot din. We were so focus on our topic kaya naman ng may tumili, napahinto kami sa gulat at inis.
"What the heck?! That's just so loud!" inis na saad ni Arianne. Nakakunot na rin ang noo ko. Seriously? College na pero parang highschool na fangirl kung makatili. Manners please.

BINABASA MO ANG
Nowhere, With You
Acak"if you want life to surprise you,explore." •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Expect grammatical errors. (Ctto of the photo i used)