"A-ano ba! Lumayo ka sabi!"
'Fudge! Really,Heira? Ba't ka nautal?'
What would this jerk think? Na may epekto ang pagganyan-ganyan niya sa akin? Na lumalakas yung kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit namin? Na kahit naaamoy ko na halos ang hininga niya, hindi ako magrereklamo kasi mabango naman?----- oh gosh. What the heck, Heira. Just what the.
Walang paligoy-ligoy na itinulak ko ito at tumakbo palayo dahil sa kahihiyan. Rinig ko pa ang marahas nitong paghinga bago ko tuluyang nilisan ang kanina'y paraiso para sa akin ngunit kapag naiisip ko ang nangyari kanina lang parang ayaw ko na talagang bumalik dun.
"What have you done, Heira!? Gosh, I'm so stupid." inis kong bulong sa sarili habang sapo ang magkabilang pisngi na namumula. Nasa kwarto na ako kaharap ang full-length mirror. I looked at how that guy just made my cheeks red as apple.
"Hey." agad na nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses nito sa labas. Hindi ako umimik. Mas lalo kong sinapo ang mga pisngi ko dahil sa naramdamang hiya.
"I..I'm sorry. Whatever it is that you feel bad about what just happened, I'm sorry." i felt how sincere he is pero hindi pa rin ako nagsalita. Unti unti kong binaba ang mga kamay ko at pumunta sa kama. Nakipagtitigan ako sa ceiling ng ilang segundo bago umupo.
"No. I shouldn't behave like this. It's nothing. Kailangan kalimutan ko na yun." sulsol ko sa sarili at tuluyang tumayo. Dumaan ulit ako sa salamin at tiningnan ang sarili. Inayos ko ang buhok ko at bahagyang ngumiti.
"Nothing happened." i muttered.
I glanced at the wall clock and realized it's already 5 pm. Kakain na muna ako.
Pinihit ko ang doorknob ng pinto at tinulak iyon. Muntik na akong masubsob ng makita si Adam na parang timang na nakatungo sa bungad ng pinto. I immediately composed myself.
"What are you doing?" maldita kong tanong. I saw a glimpse of smile forming in his lips pero agad din iyong nawala at napalitan ng seryosong anyo. Tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm sorry----"
"Stop. It's nothing. Kalimutan na lang natin yun." agaran kong putol sa sasabihin nito. He pursed his lips and nod.
"If that's what you want."
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa kusina. Naghanap ako ng ready-to-eat sa ref pero wala akong nakita. Napabusangot akong nakatitig sa laman ng ref na kelangan pang lutuin.
"I can cook for us." gulat akong napabaling sa kadadating na Adam at tumayo. Sinarado ko ang pintuan ng ref bago siya tiningnan.
"Fine with me." saad ko ng makabawi sa gulat. Gosh. This guy is giving me a heart attack.
Nahinto ito sa paglalakad patungong counter ng nagsalita ulit ako.
"But i don't owe you anything. Baka singilin mo pa ako."
"Yeah, princess." he playfully said. Inirapan ko ulit siya at umupo. Pinanood ko siyang natural ang mga galaw while preparing the ingredients.
Paano kaya siya natutong magluto? I really thought that he's a useless jerk.
"My nanny taught me. A man must not stick with the perspective of they're just for outdoor works, that's what she said."
"D-did you just read my thoughts?"
He chuckled.
"Your expression says it all." tanging sagot nito saka nagpatuloy.
"You." nagtatakang tumingin ito sa akin.
"Why are you suddenly like this? Sa pagkakaalala ko kasi masyadong masama ang ugali mo to do this things. Why? Are you playing with me?" I suspiciously eyed him. Kumunot ang noo nito.
"Am i right? Oh geez. Baka naman you'll poison me kasi I didn't accept your sorry?!---"
"Stop it. You're no fun to be played with. I'm doing this just because." malamig ang matang ipinukol nito sa akin bago tinuon ang pansin sa ginagawa.
"Besides, if i plan to poison you dapat nung una pa. Stop with your clouded thoughts, Heira." dugtong nito but this time his voice softened. Nakonsensya naman ako. Kasi naman eh! Bigla bigla siyang bumait. Nung nakaraan lang ang epal niya. Ang sarcastic pa ng mga sagot niya sa akin.
Hindi na ako umimik ulit at hinayaan na siya. Pagkatapos ng halos kalahating oras handa na rin ang pagkain.
Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos. He volunteered to wash the dishes kaya naman dumiretso na ako sa kwarto. Ni hindi na ako nakapagpasalamat dahil sa ayaw kong magkamali ulit ng salita. I know I somehow offended him with my words kanina at ayaw ko ng dagdagan.
I took my half bath and wore my satin dress. Humiga na ako sa kama at bumuntong hininga. This day isn't so bad just like the passed days.
Things are yet so unclear but I'm sure i'll find a way to seek for answers.
Kumusta na kaya sina Lola at Lolo? I'm certain that they're so worried for me.
'Lola, wag ka pong masyadong mag-alala. Makakabalik po ako. Lolo, please do take care of Lola's health. Alam ko namang sa inyong dalawa you're more capable of doing things. I'll come back and hug both of you so tight. I miss you, both.'
Unti unti kong naramdaman ang mga luha kong nag-uunahan sa pag-agos. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit to nagawa nila Daddy. I understand their thirst for money but really? to the extent of trading their own daughter? Am I that unimportant?
' Apo, no matter what happen always know that you're most important and love. Things may change but never your worth. Always remember that.'
Mas lalo akong napaiyak ng maalala ang mga salitang iyon ni Lola. Even with the distance, both of them really showed me how invaluable and worthy loving I am.
"I hope my parents knew that. It wouldn't hurt this way, I guess?" pagod kong bulong. Ramdam ko ang unti unting pabigat ng mga talukap ko.
"She sleeps like this? Tsk. Darn woman."
I felt my whole body floating but I didn't bother to open my eyes. I really am so sleepy.
"I'm sorry.." I muttered, half awake.
"You're as important as precious gems, princess. One day, I'll be able to make you feel it without holding back."
I felt him planted a kiss on my forehead and I just found myself sleeping soundly.
°°°
A/N:
Thank you.

BINABASA MO ANG
Nowhere, With You
Casuale"if you want life to surprise you,explore." •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Expect grammatical errors. (Ctto of the photo i used)