CHAPTER 3

853 17 0
                                    

HINDI na mapawi ang ngiti sa labi ko dahil kaunting paguusap namin ni Mr. CEO este Mr. Caleb Bernavides. Noong hiningi neto ang kanyang contact number ay hindi siya nagdalawang isip na ibigay ito. Tiwala siya at magaan ang loob niya sa binata.

Naramdam niyang nagvibrate ang kanyang cellphone agad niya naman tinignan ito.

UNKNOWN: " Save my number. -CALEB"

Maslalong lumawak ang ngiti ko na mabasa ang mensahe nito. Pakiramdam ko para akong chinat ni Crush. Sinunod ko namn ang hiling nito.

MR. CEO 09873428734. Mas gusto ko pa rin yung pagtawag kong "Mr. CEO". Mas cool ito though maganda rin naman ang pangalan niya na Caleb. Ang sosiyal lang neto pakinggan.

Nagulat naman ako ng may nagsalita sa harap ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko si Winna.

" Sis kanina ka pa pangiti ngiti diyaan. Tuluyan ka ka bang naeng-eng?" sabay paulit ulit na pinapa ikot ang hintuturo sa kanyang tenga neto.

Tinapik ko ang kanyang braso at natawa nalang sa sinasabi ng kanyang kaibigan.

" Hindi pa ako naeng-eng sis. My brain is working just fine!" I pouted.
Kinurot naman niya ang aking pisngi at kinawit ang braso niya sa akin.

"Sis.." Litanya ng kanyang kaibigan. Alam niyang may kailangan ito kapag ang tono ay malambing.

" Ano? Spill it?" Tanong ko. Agad na nagliwanag naman ang kanyang mukha. Nilibot neto ang tingin sa paligid, wala namang tao dito sa opisina niya. Mas baliw talaga ang kaibigan niya kaysa sa kanya.

"Sino bang tinitignan mo? Wala namang tao?"

" Sinisigurado ko lang na walang makakarinig sa atin" Pabulong niyang saad

" Kasi sis pupunta tayong bar."

Nanlaki naman ang mata ko at hinarap siya.

"ANO! Anong bar? Nasisiraan ka na ba? " gulat kong sambit. Tinakpan niya ang bibig ko na madiin.
"hmm"

"Sis relax ka lang hindi naman tayo magbabar na magbabar talaga eh! Susundan natin si Nathan."
maginahong saad niya. Sinenyas ko ang bibig kong tinakpan niya at agad naman niyang tinaggal ito.

" Sis, bakit mo naman susundan si Nathan sa bar? " Kuryoso kong tanong. Si Winna at ako ay mga klase ng taong hidni pumupunta sa ganon. Masama daw kasi iyon sabi sa akin ng popshie ko. Si Nathan naman ay ang boyfriend ng kaibigan niya.

" Baka kasi.. May mang akit sa kaniya doon" Winna pouted.

" Wala ka bang tiwala kay Nathan sis?" usisa ko sa kanya.

" Meron naman..Ah basta sis samahan mo na ako" Pagmamaka awa ng kanyang kaibigan. Tatangi sana siya ng..

" Sige okay lang kung mag-isa ko. Sa pagkakaalam ko pa mandin ay lugar iyon ng mga adik." Winna sighed.

" Ugh Fine I'll go with you!." " You know that I can't let anything bad happen to you. Your my sister" Pagsusumamo ko.

" Thank you sis!I love you!" Masayang sambit ni Winna. Hinalikan pa neto ang mag kabilang pisngi ko.

" awat na awat na. Kailan tayo pupunta doon?"

" Ngayon na!" Hinila na niya ako bago ako makapagprotesta.

" T-teka, pano itong botique?" tanong ko. Sinenyasan naman niya si Hannah. Ang pinagkakatiwalaan namin tuwing parehas kaming wala sa botique. Nagthumbs up lang si Hannah at nguimiti pabalik.

Ngayon kasalukuyan kaming nasa loob ng Red republic bar. Parehas kaming nakasuot ng corpo ni Winna. Napabuntong hininga nalang ako sa gagawin namin. This is my first time entering in a bar.
Sumalubong ang matinding musika. Hindi kaya bingi na ang mga tao sa lakas neto.
Nagpahila lang ako kay Winna na hinahanap si nathan. Bigla siyang tunigil kaya nag taka ako kung bakit. Hinarang pala kami ng dalwang lalaking, sa itsura palang manyak na.

" Hey beyutipol ladies! Wanna dance" nag whistle ito at nagsiatyuan naman ang balahibo ko. Creep.
" Yeah dance with us!" Malanding pagkakasabi nila.

Napabitaw ang ako sa pagkakawak ni Winna sa aking kamay dahil mas lumapit ang mga lalaki sa kanila.Sunsuntukin ko na sana ang lalaki na nagtangkang umakbay sa akin ng mukhang adik dahil sa dami ng tatto at piercing neto sa katawan nang may pumigil dito.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang suntukin ang lalaking aakbay sa kaniya

"Caleb..." mahinang sambit ko.

THE CEO'S BEAUTY QUEEN ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon