CHAPTER 16

608 13 0
                                    

KINAUMAGAHAN bago ako dumiretso sa botique ay dumaan muna ako sa bahay nila popshie upang malaman kung bakit iba ang kinikilos ni Caleb. Hindi naman ako nabigo dahil madadamin na ipaliwanag sa akin ni poshie na gusto daw nila akong makasama na walang Caleb muna sa buhay ko.

Naintindihan ko naman sila. Namimiss ko na din sila ng sobra simula noong lumipat ako. Kaya naman mananatili muna ako sa aming bahay ng isang linggo. Ngayon ay naiintindihan ko si caleb kung bakit ganoon ang naging reaksiyon nito.

“ Winna sis, magpapaalam sana ako sa iyo na magleleave ako sa susunod na buwan para sana sa preparasyon namin sa Miss Philippines. Magsisimula na din akong itrain ni Miss sarah.” pagpapaalam ko sa aking kaibigan. Agad niya naman akong niyakap ng napakahigpit.

“ Alysa sis.I'm so proud of you. Go lang sis para sa bayan. Narito lang ako para isupport ka.” sambit niya at humalakhak. Niyakap ko siya pabalik.

“ Thank you sis.”

Sa nakalipas na isang linggo ay puro video calls at chats lamang kami ni Caleb. Muntik niya akong puntahan sa amin para makita ako  ngunit sinabihan ko siya na magtiis lang dahil ilang araw na din naman ay puwede na kaming magkita na walang hadlang.

Naging masaya ako sa pagbobonding namin  nila momshie at popshie. Sinigurado ko naman na ay dadalaw dalwin ko sila. Naikwento ko sa kanila ang pagsali ko sa Miss Philippines ay todo support sila sa akin.

Ngayon ay nasa apartment na ako at maaga ko itong pinaalam kay Caleb. Maya maya pa ay nakarinig ako ng doorbell. Tumayo ko at agad ko itong binuksan. Hindi ako nagkamali si Caleb nga.

Babatiin ko na sana siya ng biglaan niya akong sinunggaban ng halik. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya pero tinugon ko ito.

Pumasok siya at nagpatianod ako. Hanggang sa namalayan ko nalang na sinandal niya ako sa likod ng pinto.

“ hmm” his kissed me hard at I did the same. I missed this man. Naramdaman kong nawawalan na ako ng hangin kaya ako na nag pumutol sa halik. Tumititig siya sa akin with longingness.

“ I missed you Mahal. One week was way too long.” may pagtatampong sabi niya.

Natawa lang ako at pinugpog ko ng halik ang buong mukha niya.

“ Namiss din kita Mahal.Sobra” malawak akong ngumiti ng nakita ang pamumula ng kanyang mukha.

“ I love you Mahal” bigla niyang sabi.

Ngumiti ako sa turan niya at niyakap siya. Siniksik ko ang mukha niya sa kanyang dibdib.

“ Mahal na mahal din kita Caleb” buong puso kong pagsagot. Narinig ko ang mas pagbilis ng kanyang puso. Tumingin ako sa kanyang mukha na ngayon ay nakatulala na patungo sa akin

“ T-this is the first time you said you love me Mahal. I can't be so much happier!” he confessed.

Ngumiti lang ako ng napakalawak bilang tugon sa kanya at niyakap siya ng mahigpit ganoon din ang ginawa niya.

Napahiwalay naman ako ng yakap kay Caleb dahil naalala ko ngayon na pala magsisismula ang training ko with Miss Sarah. Pinaalam ko ito kay Caleb at siya na mismo ang nagprisintang ihatid ako.

Narinig kong tumunog ang kanyang cellphone at hinitay na sagutin niya ito pero hindi niya ginawa. Tumunog pa ito ng isang beses at pinantayan niya ito ng tawag. Kuryoso kong tinanong kung sino ba ito at nagulat ako sa sagot niya.

“ Ivy”

Papunta kami ngayon sa studio ni Miss Sarah.Tahimik lang akong nakaupo habang nagdridrive si Caleb.

Napansin ko din ang pasulyap sulyap niya. Para masama kasi ang kutob ko  sa pagtawag ni Ivy sa kanya. Pinigilan kong mag-usisa pa baka kasi makulitan siya akin.

“ Mauna na ako Mahal.” bubuksan koo na sana ang pinto ng hinawakan niya ang kamay ko.

“ Mahal, tell me what's wrong? Is this about Ivy? T-that was just nothing.” himdi napigilang tanong ni Caleb. Ngunit sa tono nito ay may halong kaba.

“ Nothing's wrong, Alis na muna ako naghihintay na si Miss Sarah sa akin.” pagpapaalam ko ngunit bago ako umalis ay hinila niya ako upang mahalikan sa labi.

“ I'll fetch you later. Good luck on your training Mahal. I love you”

Iwinaksi ko muna yung nararamdaman ko at pilit na pinagkatiwalaan si Caleb. Ngayon ay focus na focus ako sa mga lesson na ibingay sa akin ni Miss Sarah.

Napakapropesyonal nito sa pagbibibgay ng mga instruction. Pagdating sa tamang diet, posture at strategy  na ngayon ko lang nalalaman na ikinamamangha ko.

Sa ikalawang bahagi naman ay ang fitness. Ipinagkatiwala ako ni Miss Sarah sa isang matagal niya ng kakilala pagdating sa tamang ehersisyo.

Binigay ko naman ang lahat ng kaya ko upang matugunan ang dapat na magawa. Hingal na hingal ako pagkatapos. Matagal tagal din akong hindi nag-gym tiyak ay magkakasore muscles ko nito pero okay lang para sa pangarap.

Nagpasalamat ako sa gym instructo at kay Miss Sarah sa paggabay sa akin.

“ I can see that you really want this. Your hardwork will pay off once you step in on the stage.” proud na sabi sa akin ni Miss Sarah.

“ Maraming salamat Miss Sarah” sagot ko. Nagpaalam na ako sa kanila at hinintay sa isang shed malapit sa studio nila Miss Sarah. Ilang beses kong tinawagan si Caleb dahil kanina pa akong naghihintay na sunduin niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay sinagot niya na ang cellphone niya.

“ WE are busy do---”  sagot ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay si Ivy ito. Hindi ko makakalimutan ang boses niyang parang inipit na boses ng biik. Papatayin ko na sana ng narinig ko ang boses ni Caleb sa kabilang linya.

“ Fu*k don't ever touch my cellphone bitch. Hello Mahal, I'm sorry. I'm going there. Please wait for me.” sagot ni Caleb.

“ No need. I'm going home by myself.” I coldly said. Nakaramdam kasi ako ng tampo sa kanya dahil mukhang nakalimutan nito na sususnduin ako. Higit sa lahat ay bakit kasama niya si Ivy Kavit. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Kesyo anong ginawa nila sa oras na magkasama sila ni Ivy.

Uminit ang ulo sa kaisipang pimipilit ni Ivy na engage sila ni Caleb. He is just mine. Only mine. Si Caleb na ang nagsabi noon kaya kung ano man ang binabalak ni Ivy ay hindi ko hahayaan na masira niya ang meron kami ni Caleb.

THE CEO'S BEAUTY QUEEN ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon