CHAPTER 18

565 11 0
                                    

NAGISING ako na may ngiti sa labi dahil sa wakas ay natapos na ang isang buwang trainig ko. Sa susunod na week ay magsisimula na ang pre-pageant. Kabado ako na naeexcite sa mangyayari.

Napagdesisyonan kong magluto at dalhan si Caleb ng breakfast niya. Nagpaalam kasi ito na hindi makakapunta dito dahil maaga siyang pupunta ng office at tiyak ay wala pang laman ang tiyan nito.

Bago ako dumiretso sa opisina ni Caleb ay pumunta muna ako sa kinaroroonan ni popshie. Naisipan ko din na dalhan siya ng pabortito niyang cheesecake para sa meryenda nito. Maasikaso si momshie kaya alam kong pinakain niya si popshie ng kanyang pang-umagahan.

Tuwang tuwa naman ang popshie sa pagbisita ko sa kanyang office. Nagpaalam na din ako na pupuntahan si Caleb. Nakangiti naman itong tumango.

Pagkarating ko ay napansin ko na iba na ang kanyang secretarya. Balisa ito ng nilapitan ko ng dumako ang tingin niya sa akin.

“ Hi.Can I visit Caleb for moment.?” nakangiti kong tanong. Napansin kong parang sinusuri niya ang aking mukha.

“ M-a'am Ikaw yung po ba yung girlfriend ni Sir?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at tumango.

“ Teka pano mo alam?” pagtataka ko.

“ Ah m-a'am kasi po may picture frame po na kayo ang ang subject Ma'am..  napakalaki po nito at nakakabit sa pader sa loob ng office niya..kaso Ma'am nasa loob po si Ma'am Ivy. Tiyak po ay nangungulit nanaman ito kay Sir.” Pagsusumbong ng bagong sekretarya ni Caleb.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.

“ T-talaga. Sir pwede ba akong pumasok?” pang uusisa ko at hindi ito nagdalawang isip na papasukin ako.

“ Sige po ma'am tiyak ay matutuwa si Sir.”

Bago ako tuluyang pumasok ay pinakinggan ko ang boses na nanggagaling sa loob .Narinig ko ang matinis na boses ni Ivy.

“ Honey. Why don't you join me for breakfast first. Work can wait hon.”

“ How many times do I have to tell you. Don't call me with ridiculous names. I already have someone in my life so stop pestering me.” madiin naman sa sagot ni Caleb. That's my man. Bago pa makapagprotesta si Ivy ay pumasok na ako. Bumungad sa akin ang nakakunot noong si caleb at si Ivy na nakapatong ang kamay sa likod ni Caleb.

“ Good morning Mahal!” matamis akong ngumiti sa kanya. Dumako ang paningin ko sa babaeng katabi nito at maslalong nilawakan ko ang pagkakangiti ko.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ni Caleb. Sumama ang tingin niya sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at matiim din siyang tinitigan.

“ Miss Malinaw naman po na may nagmamay-ari na sa puso niya. Sinasayang niyo po ang oras niyong ipagsiksikan ang srili niyo sa taong di naman po kayo gusto. I own this man Miss. Your gorgeous I'm sure you'll find the right person hust for you.” sarcastic kong pagkakasabi.

Pulang pula naman ito at halatang napahiya ito sa sinabi ko.
“ How dare you? Who..” hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng paalisin siya ni Caleb.

Nang mawala na ito sa aming paningin ay hinila niya ako upang mapaupo sa kanyang hita. Pinulupot nito ang kamay sa aking bewang. Tiningnan niya akong may ngisi sa labi tiyak ay natutuwa na naman sa inakto ko.

“ What brings my beauty queen here?” malmbing na tanong nito.

“ Pinagluto kasi kita ng breakfast” pinakita ko sakanya ang hawak kong handbag na may lamang baunan.

Napatingin ako sa Malaking portrait. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang photoshoot ko ng matapos kong manalo sa Binibining Silka 2019. Nakaharap ito sa direksiyon ng lamesa ni Caleb.

“ It makes me calm just by staring at you. So I decided to put a portrait of you in my office.” pagrarason niya dahil siguro napmsin niyang nakatingin ako dito.

Ngumiti lang ako at kinilig sa kanyang sinabi. Tumayo na ako paalis sa kanyang hita.

“ Kumain ka muna bago mo ituloy yang ginagawa mo.” pagsumamo ko.

Hinanda ko ang niluto kong hotdog. Favorite ni Caleb ito at may kasama pa itong ginisang beans para healthy. Nilapag ko ito sa maliit na table sa kanyang opisina. Umupo naman si Caleb sa couch na malapit dito.

“ I could get used to this everyday.  Mahal. I believe that you are going to be the best wife and mother to our future kids when time comes.” puri niya sa akin bago sinimulang lantakan ang niluto ko.Natawa lang ako sa turan niya.

Ngayon ay kasama ko sina  Miss Sarah at ang ina ni Caleb. Masaya silang nagkuwekuwentuhan habang hinihintay ang orientation ng video making for Miss Philippines 2022. I am proud to be representing my Hometown Baguio city.

“ Alysa iha, Kamusta naman kayo ng anak ko. Naku. Huwag kang mag-alala hindi ka noon kayang lokohin. Nasa dugo niyang Bernavides ang kaugaliang one woman. Kapag nahanap niya na ang magmamay-ari ng puso niya ay mananatili na ito sa taong yun. Ikaw yun Anak. Believe me” pagpapaliwanag ni Ma'am Cretta.

“  Maayos naman po ang pagsasama namin Ma'am. Tiwala po ako kay Caleb.” masaya kong turan.

“ Call me mom already para masanay ka na. I'm sure sooner or later ay aayain ka na ng anak ko ng kasal.” pagpapatuloy pa niya. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya.

“ Hindi na po akong tatanggi sa suhestiyon niyo MOM.” magalang kong sagot.

“ Ikaw talaga amiga Cretta pero infairness siguradong mga magaganda't gwapo ang magiging apo mo.!” sumangguni naman si Miss Sarah na nakikinig sa sinasabi ni Ma'am Cretta.

“Very true amiga!” pagsasang-ayon naman ni Ma'am Cretta

THE CEO'S BEAUTY QUEEN ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon