Kabanata 1: Jollibee

35 3 0
                                    

Hinaplos-haplos ko ang mukha ko ng magising ako sa sinag araw. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko sa isang bench kakahintay sa boyfriend kong si Jiro sa likod ng building nila. Dito kami madalas magkita at dito rin madalas magkita ang mga taong swerte sa pag-ibig. Lover's waiting area inshort.




Three years na kami ni Jiro. Nakilala ko siya nung first year college kami.



"Omaygad! Tumingin ka nga sa dinaraan mo!" napansin kong nagulat siya sa sinabi ko. "Sorry, miss! Sorry!" paghihingi niya ng tawad.



"Anong magagawa ng sorry mo kung nadumihan na 'tong blouse ko. Ayaw kasing mag-ingat!" bwisit at gigil kong sabi sa kanya. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo sa tinuran ko.



"Sa susunod mag-iingat ka! Tingnan mo dinaraanan mo ng wala kang napeperwisyo!" dagdag ko pa. Napansin kong nakatingin na pala sa'min ang mga estudyante sa canteen kaya inaya ko na yung dalawa tsaka umalis.




Halos isumpa ko siya nung mga araw na 'yon buti nalang at wala na kaming klase nung oras na 'yon. Nanghiram pa 'ko kay Thony ng extra shirt pampalit sa natapunan kong blouse.



Hindi ko siya agad natipuhan nung una dahil hindi ko nakikita sa kanya yung ideal man na gusto ko. Lumipas ang araw na lagi na siyang nagpapapansin. Walang araw na lumipas na palagi siyang nangungulit. Hanggang sa naging kami na nga matapos ang isang buong semestre.




Habang nakaupo ako napansin kong naglalaglagan ang mga bulok na dahon sa isang puno sa lakas ng ihip ng hangin malapit sa bench kung nasaan ako. Tumambad sa akin ang napaka-aliwalas na bughaw sa kalangitan. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mapayapang kalangitan. Minsan nga naisip ko at natanong ang sarili ko kung may buhay ba ang mga ulap sa kalangitan, kung may itinatago ba itong lihim. Tuwang-tuwa pa ako minsan kapag nakakakita ako ng mga jet sa taas kasi may nabubuong imahe o guhit sa mga 'yon.




Tumunog na ang bell. Uwian na nila Jiro at sa wakas makakakain na rin. Bigla akong nakaramdaman ng gutom. Maaga kasi kaming naglunch nila Thony at KZ sa canteen. Nararamdaman ko ng naglalakad na si Jiro palapit sa likod ng building. Naaamoy kona kasi yung pabango niya. Umaalingasaw na sa daan at hindi nga ako nagkamali.




"Babe, kanina kapa ba dyan?" tanong niya bago siya tuluyang makalapit. "Almost an hour palang naman." tugon ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi tulad ng pangkaraniwang ginagawa namin. Nasanay na kasi akong ganon ang ginagawa ko sa kanya sa tuwing makikita ko siya.



"Hanggang ngayon wala paring kupas ang iyong mga halik." pangbobola niya sabay kuha ng mga gamit ko. "Gusto mo lang umisa pa eh." bulyaw ko sa kanya. "Let's go! I'm hungry na." dagdag ko habang nakakunot ang noo.



---



"Ma'am, order niyo po." narinig kong sabi ng isang crew ng Jollibee sa tapat ng table namin ni Jiro. "Okay!! Thankyou!" sabi ko at umalis naman agad ang crew.




"Mauubos mo bang lahat 'yan? Ang dami mong inorder na food." gulat na sabi ni Jiro at nabigla sa mga inorder kong food. "Yes, mauubos ko 'yan. Ikaw kaya maghintay ng almost an hour 'don kung hindi ka gutumin." singhal ko sa kanya. "Kumain na nga tayo!" dagdag ko.




Nakaubos na ko ng dalawang chickenjoy at mauubos ko na rin ang spaghetti na nasa harap ko. Walang ginawa si Jiro kundi ang titigan ako habang kumakain. Tapos na siyang kumain kaya hinihintay niya nalang akong matapos. Pangangatawanan ko talaga 'tong inorder ko at uubusin ko ang mga 'to.




"H'wag mo nga akong titigan nagagandahan kana naman sa'kin." pang-iinis kong sabi sa kanya. "Bawal ba 'kong tumitig sa taong mahal ko." halos mabilaukan ako sa narinig ko kaya dali-dali akong uminom ng tubig pampakalma. "Pwede ba wag mo 'kong daanin sa mga ganyang banat mo!" sabi ko. "Ahhh. Alam ko na. May kailangan kana naman sa'kin kaya ka ganyan." dagdag kopa.




Napansin ko siyang ngumiti at nagsalita. "Eh kasi babe yung mga teammates ko nag-aaya maglaro mamaya. Alam mo na dribol dribol." Umakting pang magsshoot ang loko ng walang bola.




Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang tugon ko sa kanya. "Babe! Pumayag kana please!!!" pagmamakaawa pa niya habang nagpapa-cute ang mga mata niya. "Kailan ba 'ko humindi sayo ha Jiro? Sige na. Pumapayaga na 'ko. Alam mo naman mga bilin ko sayo." sagot ko.




"Yes, babe! I love you!"




"I love you too, babe!"




"Babe, excuse me! Tumatawag na si Kuya Mack." saad ko. "Si Kuya Mack yun 'di ba?" sabi niya habang nakaturo sa labas ng store. Paglingon ko si Kuya Mack nga. Nakatayo sa tabi ng kotse.




"Nand'yan na pala ang sundo mo. So paano mag-iingat kayo ah." boses ni Jiro habang nag-aayos ako ng sarili. "Dito nalang muna ko habang hinihintay ko mga teammates ko." dugtong pa niya.




"Okay sige! Mag-iingat ka sa practice niyo and by the way update mo nalang ako sa game niyo ah." sabi ko sabay hug sa kanya.




Nagmamadali akong lumabas at tuluyan ko ng iniwan sa Jiro sa loob. Sinalubong na ako ni Kuya Mack at agad na kinuha ang mga gamit ko para ipasok sa loob ng kotse.

--**

Every Cloud is a MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon