Jade's POV
Nagising ako sa pagkakatulog ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang nurse na si Lani.
“Goodmorning po ma'am! Pasensya napo kung nagising ko po ata kayo sa pagkakatulog niyo.” bungad niya sa'kin habang naglalakad palapit kay Jiro. Naghikab ako sandali saka nagsalita.
“No, it's okay Lani and by the way goodmorning.” sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumayo ako papalapit kay Jiro habang ang nurse naman ay chinecheck ang blood pressure ni Jiro.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya kakainin ko muna yung natirang food kagabi na binili ni Tito. Ilang sandali lang umalis narin agad yung nurse. Habang kumakain ako napansin kong nagtext si Tito na pupunta raw sila this morning kasama si Jia ang bunsong kapatid ni Jiro.
Naghilamos at nagtoothbrush ako pagkatapos kong kumain. Nasa tabi ulit ako ni Jiro habang hawak-hawak ulit ang kamay niya. Habang pinipisil ko ang mga palad niya hindi ko maiwasang hindi isipin yung mga masasayang ala-ala namin nung hindi pa siya nako-coma. Nakakalungkot lang isipin na bakit sa kanya pa nangyari 'to. Isang linggo nalang 4th year anniversary na namin ni Jiro. Habang ini-isip ko ang mga bagay na 'yon hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad ko naman itong pinunasan gamit ang panyong binigay niya sa akin noon. Nakaburda pa rito ang ang araw, buwan at taon kung kailan naging kami.
Tumayo ako sandali nang magring ang phone ko sa loob ng bag ko.
Mommy is calling..
“Hello! Goodmorning mom!” bungad ko kay mommy sa kabilang linya.
“Goodmorning my little girl! Kumusta kana dyan? Hindi kaba muna uuwi sa bahay miss kana na namin ng dad mo.” pang-aasar na bungad sa'kin ni mommy. Sa totoo lang miss na miss ko na sila ni dad. Nung huling uwi ko si Kuya Justine lang ang naabutan ko sa bahay dahil nasa out of town daw sila.
“Miss ko na rin po kayo ni dad, mommy. Susubukan ko pong umuwi mamaya pag dumating na sina Tito James.” sagot ko na may malungkot na boses pero hindi ko pinahalata kay mommy na ganito ang nararamdaman ko.
“Sabihan mo ko pag pauwi kana ah para maipaghanda ka namin ng lunch mamaya. I love you my little girl!” litaniya ni mommy sa kabilang linya. Tinawag na naman akong little girl eh ang laki-laki ko na. Ako kasi ang bunso nila mom and dad at si kuya Justine ang older brother ko.
“Don't call me that way mommy! Malaki na ko and hindi na ko bata. I love you more mommy!” inis na sabi ko habang naririnig ko si mommy na tumatawa sa kabilang linya.
Binaba ko na ang call with mommy. Umupo ulit ako sa tabi ni Jiro at pamaya-maya lang ay bumukas na naman ang pinto at nilabas nito sina Tito at Tita kasama si Jia.
“Oh tito James kayo po pala 'yan. Goodmorning po sa inyo.” bungad na sabi ko sabay bless sa kanila ng tuluyan na silang makalapit sa akin.
“Hi ate Jade!” bati sa'kin ng napaka cute na batang si Jia. Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako.
“Kumusta ka naman dito hija?” tanong ng mommy ni Jiro habang inaayos ang gamit sa table malapit sa kama na hinihigaan ni Jiro.
“Ahm, okay naman po ako dito tit----.” tugon ko habang naghihikab. Nahiya tuloy ako sa mommy ni Jiro.
“Mukhang napupuyat ka ata sa pagbabantay sa anak ko hija kung gusto mo umuwi kana muna sa inyo kami na muna magbabantay dito.” mga katagang narinig ko kay tita. Tamang-tama pala at namimiss ko na rin sina mom and dad.

BINABASA MO ANG
Every Cloud is a Memory
Short StoryMay mga ala-alang nawawala. May mga ala-alang nananatili. Hanggang kailan mo nga ba kayang maniwala? Kakapit ka pa rin ba sa isang ala-ala kung may buhay na ang nawala. Sa huli, isip na ang nakalimot pero sa puso ito ay mananatili.