Prologue

22 1 0
                                    



"I'm really sorry, iha. Your Mom and Dad can't come. Busy sila sa opisina." Malungkot ang ngiti ng kanyang Tita Jane

Napayuko ako. Bakit ba hindi nila ako makasama sa sarili kong kaarawan? Simple lang anman siguro ang request ko, ang maramdaman ang presensya nila dito. Nakakawalang gana.

"Tita, pakisabi sa mga bisita na hindi na tuloy ang party. They can take home the food. Sa kwarto lang po ako." mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig ni Tita, at dumiretso na sa kwarto

Sinarado ko ang pinto at humiga sa kama. Nanatiling nakatingin lang sa itaas ang aking mata.

Ganoon ba kahirap ang pagbigyan ang anak nila? Hindi naman mahirap gawin ang request ko, ang makasama sila sa birthday ko. Ginawa ko naman lahat ng gusto nila. I don't want any of these expensive things. I dont want their money. I want my Mom and Dad. I want them here. With me...

Tumulo ang aking mga luha. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim habang naghihintay sa kanilang pagdating. Mga luhang ayaw ko ipakita kay Auntie. Mga luhang nangungulila sa atensyon ng magulang.

Napagawi ang aking tingin sa mga regalong sa pagkakaalam ko ay mula kay'la Mommy at Daddy.

Nilapitan ko ang mga ito at isa-isang inihagis. Pagod na pagod na akong maghintay sakanila umuwi. Pagod na pagod na akong magpapansin para lang magpalambing. Pagod na pagod.

"Ayoko nito! Ayoko! Ayoko! Pagod na pagod na ako!" malakas na sigaw ko out of frustration habang inihahagis ang mga ito

Hindi ko na alam kung saan ito napunta, naririnig ko ang pagkabasag ng mga ito at pagkasira. Pero wala akong pake ngayon.

"Serenity! Anong ginagawa mo?!" Hindi ko na namalayan na nakapasok si Tita sa kwarto kaya tumigil ako at tumingin sakanya

"Tita Jane... Pagod na Pagod na po ako" humahagulgol kong pagpapaalam kay Tita, naluluha naman itong lumapit saakin at niyakap ako

Pero hindi iyon ang kailangan ko, kailangan ko si Mommy at Daddy...

"Serenity, huminahon ka muna... aatakihin ka ng hika mo" pagpapakalma nito saakin pero huli na dahil nahihirapan na akong huminga

Pero hindi ako nabahala, dahil sa bawat singhap ko ng hangin ay may hapdi at sakit itong nadudulot

at okay lang yun...

Naririnig ko si Tita na si sinisigawan ang kanyang anak na lalaki, si Kuya Ethan.

"Ethan! Bilisan mo! Yung inhaler ni Serene!"

Buti pa sila, nagaalala... Sarili kong magulang wala man lang pakinabang.

"Serene! H'wag kang pipikit!" rinig kong sigaw ni Tita

Pero huli na, dahil gusto ko ng magpahinga.

"Ethan! Bilisan mo!"

Ipinikit ang aking mata at nagpadala sa dilim na saakin ay nagpapakalma.

Hi Guys~ Happy reading~

Under the Night SkyWhere stories live. Discover now