(Continuation..)
Gilbert's POV"What happened to her?" The school nurse asked me
"Nakita ko lang po s'ya sa may hagdanan. Paakyat na po sana ako ng classroom ng makita ko po syang sumusuka sa gilid" kinakabahang paliwanag ko, nakatingin kasi ito saakin ng mariin.
Sino bang hindi kakabahan? Kumain lang ako sa labas ay ganito na?
Tumango lamang ang Nurse at inutusan na akong bumalik sa aking klase, somehow i can sense na kilala nya yung babae. Kaya kahit gusto ko pang malaman ang nangyari ay bumalik na lamang ako sa classroom
Pagkarating ko sa classroom ay sumalubong sakin ang ngumunguyang si Cora
"San ka galing? Tagal mo ah."
"May nakasalubong lang ako sa may First floor." Hindi ko na ikekwento sakanya dahil baka magtanong pa ito ng kung ano, medyo na pressure din ako sa pagbuhat sa babae
"Napasarap ata kain mo, Kanina pa nakarating si Sir Tammy. May binigay na quiz."
---
At Exactly 3pm the school bell rang, nagpapaalam na oras na para umuwi.
Kumaway saakin si Cora at sumakay na ito sakanilang kotse, kasama ang kanyang yaya para umuwi. As of me, hihintayin ko pa ang kuya ko na nasa SHS department, medyo matatagalan daw ito.
Naghintay muna ako sa mga bakanteng bench malapit sa field at nilibot ang paningin sa paligid. Pinagmasdan ko ang mga kapwa estudyante na kanya-kanyang sumasakay sa kanilang mga sundo. Medyo maingay rin dahil samut saring mga boses ang naririnig
Natanaw ko ang isang pamilyar na mukha na naglalakad palabas ng eskwelahan
S'ya yung babae kanina!
Namumutla parin ang kanyang balat, kapansin pansin ang malulungkot na mga mata at nakahoodie na ito ngayon, mayroon itong kasamang lalaki na mas nakatatanda sakanya, at dere-deretso silang sumakay sa kotse na hindi kalayuang nakaparada mula sakanila
"Uy, sorry medyo natagalan. Dami pa Group projects." nagulat ako ng may kumalabit saaking likod, Si Kuya. Kita kong medyo nagtaka sya sa reaksyon ko kaya tumingin din sya direksyon na tiningnan ko
"Bakit? May multo?" Tanong nito, napairap nalang ako at naglakad palayo rito
The whole week normally passed and today is Saturday. Though, walang pasok pero busy lahat , Cora is busy studying piano with her sister, Sila Mama at Papa ay pabalik-balik sa ospital dahil nga nagtatrabaho sila doon. My older brother is busy with projects.
For me, I usually play video games, or just watch something on TV. Pero sa lahat ng 'yon ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa labas.
Since may alaga namang aso ang kuya ko, Why not ilakad ko?
Hindi ako interesado sa mga hayop pero para na rin hindi ako mabagot sa bahay, Ipapasyal ko.
"Beau! Chill!" Singhal ko dahil masyadong alpha 'tong asong to, parang gustong kumawala sa leash.
Nagulat ako ng may tumahol na aso sa likod ko, kaya napalingon ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Yung babae sa clinic! At may aso sya!
Nakahoodie at nakapajama ito, may dalang tissue at plastic, At may dala pang chewable snacks pang-aso. Tumingin ito saakin at binalik muli sa asong dala nito. Binigyan nito ng dala nitong chewable snack ang aso nito.
At nagligalig nanaman si Beau, nakita siguro nito ang snack ni kinakain ng ibang aso, kaya tumahol ito. Sinaway ko ang aso at inilayo ng onte dahil baka magcreate ng tension sa dalawang aso. Though, I think friendly naman si Beau pero para sure.
Palihim kong sinuri ang babaeng kaharap. She looks different now, Hindi na sya mukhang may sakit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, i dont know. These past few days i kept thinking about the incident, i dont know why, I feel guilty in someway.
"Have we met before?" Tanong nito, nagulat ako ng magkasalubong ang aming mata
"Ha?" naguguluhan kong tanong ulit, medyo mahina kasi ang boses nito
"I said, Have we met before? You seem familiar." Tanong muli nito ng hindi tumitingin saakin, lumapit sya kay Beau at binigyan nya ito ng chewable snack na parehas nya ring binigay sa aso nya.
"Uhm yeah, I dont know your name though. Ako yung nagdala sayo sa clinic the other day, I think you don't remember." Medyo nahihiyang sabi ko, napatigil ito at lumingon saakin na nanlalaki ang mga mata pero agad rin itong nawala at binalik ang tingin sa mga aso.
Napansin kong mahigpit ang hawak nito sa pack ng snack na kanina lang ay binibigay nya sa mga aso, i assume na naiilang sya. Medyo naiilang na rin ako habang masaganang ngumunguya si Beau sa binigay sakanyang pagkain.
"What's his name?" nagulat muli ako ng bigla itong magtanong. Hindi ko nakuha agad ang kanyang tinanong
"Ha?"
"Hi Beau"
Ah yung aso.
Bati nito kay Beau, kakabasa pa lamang sa collar na suot nito. Nakaukit kasi sa maliit na metal na nakasabit sa collar nito. Alagang-alaga ni Kuya.
"I'll see you around, Beau." paalam ulit nito sa aso na kakatapos lang ngatngatin ang chewable. Medyo nataranta ako ng sumampa ito sa binti ng babae kaya hinila ko ng onti ang kanyang tali, pero mukhang hindi naman sya nagalit dahil nakangiti pa ito ng kaunti dahil sa inakto ng aso
"Nice to meet you, Beau's Owner. I guess I'll see you around the neighborhood too." mahinang sambit nito, medyo nagulat ako kaya hindi ako nakasagot, she made a small close-open gesture with her hand as a sign of goodbye to Beau who is now sitting like a behaved dog.
kainggit.
Tumalikod na ito at naglakad na palayo. I was patting Beau's head when i remembered something. Tumingin ulit ako sa naglalakad na babae
"I didn't get your name earlier, I'm Gilbert." Medyo malakas na sabi ko dahil medyo malayo na ito saakin
"Or just Gil... or anything." naiilang na sambit ko nang marealize ko ang sinabi ko.
This is so awkward.
Tumigil ito sa paglalakad at lumingon, nanlalaki ang mga mata nito, na para bang miski sya ay nagulat sa sinabi ko.
Ako rin! Nagulat din ako!
"uh... It's Serenity." maikling sagot nito at nagmamadali ng umalis
Naiilang akong napatingin kay Beau
"Wala kang sasabihin kay Kuya ah."
Tumahol lang ito na para bang alam nito ang nangyari kanina lang
Good Boy.
Padilim na nang marating namin ang bahay. Pagkauwi ko ay agad na sumalubong saakin si Kuya na mukhang galit na galit
"Saan mo dinala si Beau?!" sigaw nito sakin habang buhat-buhat si Beau. He was baby talking to his 'precious' dog. It was disgusting.
"Nilakad ko lang d'yan malapit." Naiiritang sagot dito atsaka hinagis sakanya ang leash.
"Pinagod mo pinakamamahal ko! Salbahe!" Singhal pa nito at pinasok na sa bahay. Naririnig ko pa rin ang nakakailang na pagbabytalk ni Kuya sa aso nya kaya nagkulong na ako sa kwarto
I was scrolling on my socials nang maalala ko ang nangyari kanina.
uh... It's Serenity.
"Madalas na ata kitang mailalakad, Beau."
-•-
enjoy reading.❤️
YOU ARE READING
Under the Night Sky
Teen Fiction"You know... This calms me." i heard her said while looking at the night sky Napalingon ako sakanya, nagulat ako na nakatingin rin s'ya saakin "Kahit pa gaano karami ang mga butuin sa taas, mayroon at mayroon talaga na makulit na magpapansin at gaga...