(;Grade 9; Third Year Highschool)
Gilbert's POV"Can you pass that for me, Gil?" Suyo ni Cora, tinuturo ang cartolina. Ano nanaman bang balak nito?
Tumayo ako at inabot iyon sakanya, bumalik sa aking upuan. Kumunot naman ang noo nito nang mapansin ang aking mukha. Mukhang napansin niya ang pasa saaking pisngi
"Is it your brother again?" Tanong nito at nagsimulang buklatin ang cartolina at nagsulat. Hindi na ako sumagot, alam naman nya ito. She's my childhood friend afterall.
"You need to get that check, you know. Look at it. Medyo namamaga sya." saad nito ng hindi sumusulyap saakin
"What's up with you two? Lagi nalang kayo nagaaway ng kuya mo." she looked at me pero hindi ko parin s'ya pinapansin. Mukhang nainis ko ito at sinundot ang aking pasa sa pisngi, dahilan para mapadaing ako.
Masama ko s'yang tinignan at sininghalan
"The heck is wrong with you, woman?! That was so painful!" Sigaw ko sakanya ngunit inirapan n'ya lang ako
Ano bang problema nitong babaeng 'to?
Tumingin muna ito sa libro na hawak at muling nagsulat sa Cartolina bago lumingon saakin
"You wouldn't say a thing kasi eh. And you weren't paying attention also, see?" turo nito saaking nakabukas na textbook na dapat ay sasagutan
"Hindi ka nagsasagot. Hindi mo rin sinasagot yung tanong ko. Natanong ko na rin si Kuya Shane about that. Parehas kasi kayong may pasa, pasa sa mukha to be exact." nakapanglumbaba nitong saad
"Close kayo ni Kuya 'no?" natatawa kong tanong sakanya sinuklian naman n'ya ako ng taas noong ngiti
"Bespren ata kami ng Kuya mo. Bakit? Mabait naman si Kuya Shane. Atsaka hindi naman kayo ganto dati. I mean, Kuya wouldn't beat you up. He cares for you kaya." and then she gave me her signature 'facepalm-squint-eyes-look' at tuluyan na nga n'yang itinigil ang kanyang ginagawa sa cartolina
Jesus. Is she that curious? She really wants to know what's going on.
"I'm taking Criminology." seryoso 'kong saad, nanlalaking mata na tumingin sakin at hinampas ang aking balikat
"But you said you're taking Med school! With me!" galit na sigaw nito saakin at hinampas muli nito ang aking balikat
Oh my word. Kailangan ba talaga nitong hampasin ng malakas?! Ano bang kamay meron ang babaeng ito?!
"Ow! Cora! Stop! Yeah, i know, I said that. Pero magbabago pa naman yung isip ko diba? I'm still not sure if I want to take the goddamn course!" reklamo ko sakanya habang hinihimas ang sa tingin kong namumula na balikat
I lied, I do want to take the Course. And I think hindi na 'yon magbabago. Sorry Cora.
My Family wanted me to take med school. ofcourse i want to be a doctor but i got interested in cases and investigating and all that stuff. Na-hook up ako sa idea that I can save someone with a gun. It's ridiculous but it kinda get me.
Naiinis itong tumingin saakin at dinuro saakin ang pentel pen na gamit nito pangsulat sa cartolina
"Siguraduhin mo lang, Gilbert Ray. You promised me, and you promised not to break that promise." sabi na lamang nito at nagpatuloy sa ginagawa n'ya sa Cartolina
Well, Cora, I guess totoo nga yung sinasabi nila. That promises are meant to be broken.
Malungkot nalang akong napangiti at muling bumalik sa dating pinagkakaabalahan. Natapos ko ang aking ginagawa at nabagot na dahil wala naman kaming masyadong ginagawa. Patapos narin naman ang school-year na ito. Tumayo ako sa upuan at nilapitan si Cora para ipaalam na pupunta ako ng Cafeteria, tatanungin sana kung may ipapabili ito, pero masyado itong busy sakanyang ginagawa kaya hindi ko na ito inabala pa
Lumabas ako ng classroom at dumiretso sa hagdan. Hindi naman kalayuan ang Cafeteria, onting lakad ay ando'n ka na. Buti nga ay wala akong nakasalubong na mga School Officials, dahil panigurado lagot ako.
Saglit na bumili sa Cafeteria at kumakain na naglalakad pabalik sa classroom. Habang naglalakad ay may napansin akong babae sa dulo ng hallway, katabi ng hagdan kung saan ang daan pabalik sa classroom. Nakatalikod ito at may phone itong hawak na nakahawi sa kanyang tainga. Mukhang may kausap ito.
Nagaakalang isa ito sa mga Student Council ay nagtago ako sa hamba ng pinto malapit dito.
Unintentionally, naririnig ko siya. Sa katahimikan ba naman ng eskwelahan ay sinong hindi makakarinig?
"Tita, tumawag po ba sainyo si Daddy? Si Mommy po?"
"Malapit na po yung birthday ko. Wala po ba silang balak pumunta?"
"O-okay po, Tita. Pasuyo nalang po si Muffin." huling saad nito.
Nagaakalang wala na ang babae malapit sa hagdan ay lumabas na ako sa pinataguan. Pero gulat ako ng makita ang babaeng kanina lamang ay may kausap sa telepeno ay nakayuko, nakalapat ang isang kamay sa pader habang isa ay nakalagay sa t'yan at sumusuka ito
Agad ko itong nilapitan nang maramdaman ang nanlalamig nitong pawis na kamay at nadama ang nanlalambot na nagiinit na katawan ay agad ko itong binuhat at tumakbo sa Clinic.
She was in daze, so I immediately carried her and quickly head towards the clinic.
---
😘
YOU ARE READING
Under the Night Sky
Teen Fiction"You know... This calms me." i heard her said while looking at the night sky Napalingon ako sakanya, nagulat ako na nakatingin rin s'ya saakin "Kahit pa gaano karami ang mga butuin sa taas, mayroon at mayroon talaga na makulit na magpapansin at gaga...