Araw ng Biyernes at 5am pa lang ay gising na ako para makapag-jogging sa village. Pinuntahan ko si Anda na nasa balkonahe namin at gising na gising na. Isa siyang Aspin na napunta sa amin dahil nakita kay Mia. Nakita namin siya sa isang gilid sa Anda Circle noong papunta kami sa Sta. Ana Hospital para dumalaw doon. Gustung-gustong tulungan ni Mia ang aso kaya pinahinto niya ang kotse sa gilid at nilapitan iyon para kuhanin. Dinala muna namin siya doon sa Animal Health Clinic, mabuti at inasikaso siya agad. Kailangan niya munang manatili doon ng ilang araw at pagkatapos ay opisyal ko siyang naging alaga.
Bakit ako? Allergic pala sa aso si Mia kaya kahit anong pilit niya ay hindi niya maaaring alagaan ito.
Nakita ko si Anda na masayang kinakawag ang buntot niya. Yumuko ako para maikabit ang tali sa kaniya. Saka kami lumabas sa gate at nagsimulang umikot sa village.
Pagkaraan ng 30 minuto na pagja-jogging ay huminto kami sa isang tindahan para makiupo at makapagpahinga. Hindi rin naman tama na magpapakapagod ako ngayon lalo na at bukas na ang Game 4 ng Championship Series. 2 – 1 na at talagang determinado kaming mapanatili ang championship sa aming sintang paaralan.
"Uy good morning bro, nandito ka pala! Galingan ninyo bukas ah! Manonood ako!" bati sa akin ng anak ng may-ari ng tindahan, mukhang papasok na siya. Tumango lang ako at hindi na umimik. Sa pagkakatanda ko ay siya ang kaklase ni Mia noong first year sila. Ang sinasabi niyang siga umasta pero napakabait pala. Tiningnan ko ang uniporme niyang puting-puti. Ultimo sapatos niya ay puti. Sinong mag-aakalang ang siga na ito ay may busilak na puso at handang magsakripisyo para sa iba?
Tumunog bigla ang cellphone ko at nakitang naka-on pala ang aking data kaya dumating ang chat ni Coach.
"South Harmony BT & Coach"
Coach: Magandang umaga! Gusto ko lang ipaalala sa inyo na huwag masyadong magpakapagod ngayon. Bukas ay 3pm SHARP ang hintayan sa main gate ng school. Magkita-kita tayo. Relax and rest well! Thank you.
Nakita ko namang nag-thumbs up react lang ang aking mga kasama kaya ginaya ko na lang din iyon. Nakapagpahinga na din naman ako kaya bumalik na ako sa bahay para makapag-ayos. Plano kong ayusin na ang mga ipapasang requirements para sa graduation at pagkatapos ay dadaan ako kina Ethan para maipasa ang aking application form para sa part-time job ko.
Napaka-supportive sa aming magkakaibigan ng pamilya ni Ethan. Pagkatapos nila kaming tanggapin para sa internship namin ay nag-offer sila ng work para sa amin. Winston grabbed the opportunity and applied for a part-time job. Alam ko noong Monday ay nag-start na siya dahil wala naman siyang klase sa araw na iyon. Pinag-iisipan pa lang ni Mia kung tatanggapin niya ang offer at nasabihan ko na si Ethan bago ang laro noong nakaraan na kukuhanin ko ang offer. Ayos na rin iyon as experience para sa kung anumang papasukin kong trabaho sa hinaharap.
I opened my phone and proceeded to call Ethan. Nakaka-limang ring na pero hindi pa rin niya sinasagot. Tiningnan ko ang oras, 8:30am na, imposible namang tulog pa din iyon? Nag-text na lang ako sa kaniya na didiretso na ako sa office nila para maipasa ang application form ko at résumé. Itinabi ko ang cellphone ko at inayos ang lahat ng aking gamit sa backpack ko. Kaninang pagbalik ko sa bahay galing sa jogging ay napakatahimik na, maagang pumapasok palagi si Dad. Bukod kasi sa pagiging Coach ng Basketball Team ay tinanggap niya ang pagtuturo ng P.E sa mga First Years. New experience daw para sa kaniya.
Isinarado ko ang pinto ng bahay at sumakay na sa aking kotse. I drove to my school, si Kuya Marts pala ang bantay sa main gate ngayon. Nakangiti akong sumaludo sa kaniya habang papasok sa gate.
"Liam! Excited na ako para bukas! Dito ako sa main gate nagpa-assign para may t.v at makapanood ako ng laro ninyo bukas. Galingan ninyo!" Naka-fighting pose pa si Kuya Marts, kagaya nung nasa mga kdrama. Hindi ko nga lang alam kung bakit niya ginawa iyon baka dahil sa laging ginagawa ng mga estudyante iyon dito sa amin or dahil sa alam niyang may dugong Korean ako. Bahala na nga basta napasaya ako sa pag-cheer na iyon ni Kuya Marts.
BINABASA MO ANG
Let Me Know [Bangtan Series #2]
أدب المراهقينCool. Sobrang tahimik. Napakagaling sa basketball. Tatlong salita na kapag nabanggit sa iisang pangungusap, si Louis Williams Yoon ang agad na papasok sa iyong isipan. Sikat na sikat man siya sa buong paaralan nila, hindi ka makaririnig nang kahit n...