Tahimik pa din ako hanggang makarating sa office ng family business nila Ethan. Nasa 3rd at 4th floor ito ng isang commercial building at marami-rami na din ang empleyado doon. We entered right after signing in the log book. Nag-hagdan lang kaming tatlo dahil hindi pala gumagana ang elevator ng paakyat kapag wala ka noong registered ID sa building na ito. Wala din namang ID si Ethan dahil hindi pa naman siya dito nagtatrabaho. Narating namin ang 3rd floor na walang nagsasalita kahit isa sa aming tatlo, mas nakakapagod kasi kapag nag-uusap habang paakyat. The office guard recognized us immediately and gave us a warm smile.
"Hello Kuya Lars." simpleng bati ko sa kaniya. Nagkakilala na kami noon dahil dito mismo sa office kami na-assign nung OJT.
"Hello Liam! Hello Sir Ethan! Sila Sir ba ang hanap ninyo? Nasa office pa sila, mabuti at nakarating kayo bago ang lunch. May lunch meeting kasi silang pupuntahan ngayon."
"Pakilala kita sa kaibigan namin Kuya Lars. Eto si Mia, dito rin siya nag-OJT noon pero assigned siya doon sa bagong franchise sa MoA. Baker kasi ito!" sabay muwestra ko sa lugar ni Mia. Nakangiti namang inabot ni Mia ang kamay niya kay Kuya Lars at nagkamay sila.
"Saka Kuya Lars hindi naman din po kami magtatagal kasi may ipapasa lang saglit si Liam." nakangiting sagot ni Ethan at pumasok na sa loob.
Tumango lang din ako at pumasok na sa loob kasabay ni Mia. Sakto namang nakita namin agad doon ang secretary ng Papa ni Ethan, si Kuya Eaton. Siya din ang nakatatandang kapatid ni Ethan at mas matanda lang siya sa amin ng tatlong taon. May kausap itong isang staff na mukhang tinutulungan niya sa pag-operate ng printer. Lagi kasing nagkakaroon ng paper jam sa printer na iyon, hindi ko nga alam bakit hindi pa nila palitan. Nasasayang ang oras sa pag-aayos ng mga papel na naiiipit doon kada may printing.
Tinawag nung isang kasama nila si Kuya Eaton at ngumuso patungo sa direksiyon namin. Napalingon naman siya at ngumiti sa amin. Kinausap niya iyong nagturo sa amin at pagkatapos ay naglakad na papunta sa amin.
"Hey, kanina ko pa kayo hinihintay dito. Akala ko nga baka hapon pa kayo makarating may lunch meeting pa naman kami with a potential investor."
"Pasensiya na po Sir Eaton. Dumaan pa po kasi ako saglit sa Admins kanina para mag-pasa ng mga requirements for graduation. Tapos medyo na-trapik pa kami on the way. Heto po pala iyong application form ko at résumé." sabay abot ko sa kaniya ng hawak kong brown envelope.
"Ako din po Sir Eaton, heto po ang aking application form at résumé." pahabol ni Ethan. Parehas kami ni Ethan na kapag nagsasalita ay laging may Sir at Ma'am pero kung mababasa ko ang isipan niya malamang Eaton lang ang tawag niya sa Kuya. Maloko din kasi talaga ito minsan.
"No worries, akin na ang mga iyan. Tara sa office!" naka-ngiti niyang kinuha sa ang mga iyon sa amin ni Ethan at nagpatiuna na sa paglalakad. Nakasunod lang kaming tatlo sa kaniya. Napansin ko si Mia na malalim ang iniisip samantalang si Ethan ay pangiti-ngiti lang. Nalaman namin kanina na dito rin siya nag-apply at formality na lang ang pagpapasa niya ng mga iyon. Syempre, magugulat pa ako kapag hindi siya tinanggap.
Nakarating kami sa pinakadulong pinto, puti ito at may nakasabit na gold plated sign kung saan nakasulat ang pangalan ng kung sino ang nasa loob.
Edison & Elena Sembrano (owners)
Simple lang ito pero kung maalam ka sa corporate world alam mong hindi basta-basta ang pamilyang Sembrano.
Kumatok muna ng tatlong beses si Kuya Eaton, may narinig kaming malalim na boses na nagpapapasok sa amin at saka lang binuksan ni Kuya Eaton ang pinto. Dumiretso siya sa loob at kami namang tatlo ay parang mga bibe na nakasunod lang sa kaniya.
Naamoy agad namin ang bango ng kape sa kwarto. Nakaupo sa isang pabilog na glass table ang ama ni Ethan. Nakita naman namin ang kaniyang ina na inaayos ang Gran Lattissima coffee machine nila.
BINABASA MO ANG
Let Me Know [Bangtan Series #2]
Novela JuvenilCool. Sobrang tahimik. Napakagaling sa basketball. Tatlong salita na kapag nabanggit sa iisang pangungusap, si Louis Williams Yoon ang agad na papasok sa iyong isipan. Sikat na sikat man siya sa buong paaralan nila, hindi ka makaririnig nang kahit n...