Prologue

28 3 0
                                    

Camp Birkley: The Bloody Camping

PROLOGUE

Puno na ang silid ng hiyaw na para nang walang bukas. 

Kasabay ng alingawngaw ng sakit at pagdurusa ay may buhay na nalalagas sa bawat pagpatak ng segundo. Nanlilisik ang mata ng babaeng nakatitig sa tatlong nakagapos niyang biktima. Ang puti niyang apron ay nagkukulay krimson, basa na sa dugo ang laylayan ng kaniyang bistidang itim, at hindi maalis ang matamis niyang ngiti na walang namang awa. Nasa palad ng babae ang kapalaran ng mga biktima niyang may nalalabing oras na lang - ang masong binalot ng dugo.

Naghihingalo na ang tatlong biktima ng babaeng baliw. Ang lalaki na nasa kaliwa na kinadena sa isang silya ay wala nang mga daliri sa paa at nangingitim na ito. Lupaypay ang kanang braso dahil katatapos lang makatikim ng hampas ng maso. Ang nag-iisang prinsesa sa tatlong biktima ay nanghihina na sa kinauupuan. Bali ang mga binti, daliri sa kamay, at balikat. Namamaga ang mukha at walang ng tainga. Ang huling biktima na isa ring lalaki ay bagama't walang gaanong galos sa katawan, bugbog naman ang kaniyang damdamin dahil sa nakikita. Nasa puntong pagmamakaawa na lang kaniyang magagawa dahil hindi na siya mailawan ng pag-asa. Nasisiraan na rin siya nang bait dahil di na kinakaya ng kaniyang puso at sikmura ang mga nangyayari. Nakakatakot, nakakaawa, nakakadiri. 

"Pakiusap, tama na..." pagmamakaawa ng huling biktima. "Maawa ka sa kanila..."

Nawala ang ngiti sa labi ng baliw na babae at nilingunan at nagmamakaawa. "Ayoko nga."

"Pakiusap" habang humahagulhol ito. "Palayain mo na kami"

Sa panahong ito, hindi nagustuhan ng baliw na babae ang tinuran niya. "HINDI KAYO AALIS!"

"Walang aalis sa tahanang aking binuo. Binuo ng alaala, sakit, at pighati. Mananatili kayo dito dahil ito ang kapalaran niyo. Kapalaran niyo ang masaktan, magdusa, at mamatay. Tutuparin natin ang kapalarang nakaguhit sa inyong mga palad. Hayaan niyong tuparin ko 'yon..."

"...hayaan niyong matupad 'yon sa bago niyong TAHANAN!" at inangat ang dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa maso. Walang anu-ano'y hinampas niya ang tuhod ng lalaki. Ang lalaking halos walang galos ngayon ay niyayakap ang tuhod dahil sa sakit. Ramdam ng lalaki hanggang buto ang impyernong dala ng maso at ng babaeng baliw. 

"Masarap ba? MASARAP BA?!" sigaw ng babaeng baliw. "Hindi ba't masarap ang pighati at pagdurusa?"

Walang kumibo sa kaniyang litanya dahil abala ang mga biktima sa sakit na nararamdaman. Malamang, hindi ito nagustuhan ng baliw na babae, kaya naman hindi na siya nakapagtimpi at sinunod naman niya ang ulo ng babae. Isa, dalawa, tatlo, apat na beses niyang pinukol ang ulo nito hanggang sa tuluyang masilayan ang utak nito. Kinuha ng baliw ang utak ng babaeng wala nang buhay at pinilit na isubo sa lalaking kinadena. 

"Kainin mo, kainin mo, KAININ MO!" habang pilit na sinusubo ang utak sa bibig nito. Dinudura lang ng lalaki at masama siyang tinitigan. 

"Demonyo ka! Hayop ka!" sigaw nito. "Mamatay ka na!"




Camp Birkley: The Bloody Camping [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon