Camp Birkley: The Bloody Camping
IV
Masayang binubuhat ni Zak ang mga kahoy na hiniling ni Ms. Birkley na buhatin niya. Kasalukuyan dapat siyang nagtatago sa halos matataas na damo at nakikipaglaro sa mga kaibigan niya na naiwan, pero dahil nga bigla na lang siyang hinila ni Ms. Birkley at humingi ng tulong sa kaniya, nagpaka-gentleman siya.
Hindi likas na gentleman si Zak. Wala sa dictionary niya ang word na gentleman at ni minsan ay hindi siya naging ganoon sa dalawang babae sa grupo nila.
Pero kailangan niya munang umarteng isang gentleman sa ngayon. Nakakahiya kaya na ang first impression sa'yo ng ibang tao ay napakapangit.
Nang makarating na sila sa cabin, dahan-dahang binaba ni Zak ang mga bitbit na kahoy sa likod ng cabin kung saan nandodoon din ang ibang kahoy ni Ms. Birkley. Kumuha kasi si Ms. Birkley ng mga kahoy sa kakahuyan dahil gagamitin niya itong panggatong.
"Ms. Birkley, babalik na po ako." masayang wika ni Zak. Nakakurba lang ang labi nito at parang hindi nauubusan ng positivity sa buhay. Lalakad na dapat siya pabalik kina Wina, Winslet at Junnie nang bigla siyang hawakan sa braso ni Ms. Birkley. Napahinto naman ito at humarap sa babae.
"Dito ka na muna Zak. Mag meryenda ka muna."
Dahil may meryenda, agad namang pumayag itong si Zak. Niyaya siya ni Ms. Birkley na mag meryenda at siyempre, hindi siya pwedeng tumanggi sa grasya. Para sa kaniya, masamang tumanggi sa grasya lalo na't sa'yo na ito lumalapit. Malapit na ang oppurtunity kaya dapat, ginagra mo na.
Pinatuloy siya ni Ms. Birkley sa cabin. Medyo nahiya pa siyang pumasok dahil sa totoo lang, second time niyang pumasok dito. Never kasi nilang binisita si Ms. Birkley at kung madalas pa nga ay si Ms. Birkley pa ang pumupunta at nangangamusta sa kanila. Si Ms. Birkley din ang madalas na magdala sa kanila ng biscuits at cookies.
Nilantakan ni Zak lahat ng inihain sa kaniya na meryenda. Biscuits din ito at prutas. Halos naubos na niya ang lahat na inihain sa kaniya maliban sa pineapple. Hindi kasi kumakain si Zak ng pinya.
Matapos kumain, nilibot niya muna ang cabin ni Ms. Birkley. Napakaluma na nang paligid, lalong lalo na ang mga furnitures na nakalagay sa bawat parte ng cabin. Hinayaan lang siya ni Ms. Birkley na pag-masdan ang cabin niya.
Pumukaw sa atensiyon ni Zak ang sa board na puno ng mga naka-pin na pictures. Pictures ito ng iba't ibang tao at palaging kasama si Ms. Birkley sa bawat kuha. Umandar na naman ang curiosity ni Zak.
"Sino po sila?" sabay turo ni Zak sa mga pictures. Lumapit naman si Ms. Birkley sa kaniya at pinagmasdan ang tinuturo ni Zak.
"Sila ang mga naunang nag-camping dito sa Camp Birkley. Bago sila umalis, nagpapakuha ako ng litrato sa kanila para may remembrance ako sa kanila bago sila umalis." masayang sagot ng binibini.
Ngumiti si Zak kay Ms. Birkley. "Bago kami umalis Ms. Birkley, magpapapicture kami kasama ka." at ngumiti ito sa babae.
Tila nawili itong si Zak at nalimutan nang bumalik sa tent house. Tuwang-tuwa pa siya sa pakikipag-usap kay Ms. Birkley at nakalimutan na niya ang mga dapat niyang gawin. Madilim na sa labas at dapat bumalik na siya sa tent house para makapag-luto ng hapunan nila.
Sa ngayon, tinutulungan ni Zak si Ms. Birkley sa pagluluto ng dinner nila. Hindi man lang niya naalala na dapat sa oras na ito ay pinaglulutuan na niya ang tatlong kaibigan niya na naiwan kanina. Hindi man lang siya nag-alala.
Tumulong siya sa pagte-table set-up sa simpleng lamesa ni Ms. Birkley. Samantalang si Ms. Birkley ay hinahain na ang niluto niya para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Camp Birkley: The Bloody Camping [UNDER REVISION]
HorrorHalina at magpunta sa Camp Birkley! Ang magsisilbi mong tahanan hanggang sa kamatayan! --- This story is under revision. Some chapters will unpublish to edit and revise.