Camp Birkley: The Bloody Camping
III
Nakakatatlong araw na ang magkakaibigan dito sa Camp Birkley at mukhang naeenjoy naman nila ang lugar na ito. Napapangiti na lang si Ms. Birkley sa mga kahihinatnan ng mga batang nandidito ngayon sa kampo niya.
"Hindi na talaga ako makapaghintay."
Hindi na talaga siya makapaghintay, pero hindi pa nila panahon. Kailangan muna nilang mag-relax sa pananatili nila dito bago niya isagawa ang mga plano niya sa kanila. Kailangan muna nilang malulong sa ganda ng Camp Birkley.
Isang taon na rin ang lumipas bago muling may nag pa-book at bumisita sa kaniyang Camp Birkley. Isang taon na rin na nangangati ang mga kamay niya na muling mahawakan ang paborito niyang maso.
Para sa kaniya, ang maso na 'yon ang pinakamagandang bagay na mayroon siya. Isa ito sa mga pag-aari niya na hindi niya nais mawala sa kaniya.
Kasalukuyan niya itong pinupunasan. Inaalagaan niya kasi ang maso nya na para bang isang anak niya ito. Sa lahat ng gamit na mayroon siya sa cabin, ito ang pinakamamahal niya. Ito ang bagay na nagpapasaya talaga sa kaniya. Habang pinupunasan niya ang pinakamamahal niyang maso, hindi niya maiwasang amuyin ito. Naaamoy pa rin niya ang halimuyak ng dugo na nakadikit sa maso. Dugo ng mga batang hindi nakatakas sa kaniyang kamay at impyerno. Sino bang makakatakas sa isang demonyitang ito? Wala! Wala kahit ni sino man!
Muli niyang inamoy ang maso at ninamnam ang amoy ng mga dugong nakadikit sa katawan nito.
Iniisip siguro ng mga tao dito na isa siyang mabuting tao. Nagkakamali sila.
Buhay na niya siguro ang pag-patay. Dito kasi siya malakas. Sa ganito kasing paraan siya malakas. Gusto niya na may bungong nababasag, daliring nadudurog, umaagos na dugo at humihiyaw na tumigil na siya sa ginagawa niya.
Hindi rin siya nakikinig sa pakiusap dahil naniniwala siya na siya ang batas.
Sa katunayan, hindi naman talaga dapat siya ganito. Hindi dapat siya pumapatay at papatay kung hindi dahil sa walang kwenta niyang pamilya, lalong-lalo na ang mga magulang niya. Naalala na naman niya ang mga magulang niyang kahit kailan ay hindi siya tinuring na isang anak. Para sa kaniya, sila ang may kasalanan kung bakit siya nababaliw sa pag-patay, kung bakit ganito na lang ang pag-aasam niya na makakitil ng magulang. Mabuti na lang at isa sila sa mga nauna niyang naging biktima.
Humalakhak siya ng mahina. Naalala na naman niya ang mga nangyari noong desi-sais anyos pa lang siya. Ang araw kung saan nag-simula na siya pumatay.
Nagsimula ang pag-patay ni Rosita noong sixteen siya. No'ng araw na 'yon, cinecelebrate ang 15th birthday ni Franco, ang nakababata niyang kapatid na mas paborito ng mga magulang niya. 15th pa lang 'yon pero napakaraming bisita sa kanilang mansion. Imbitado noon ang mga kaibigang mayayaman ng kaniyang papa na ang iba ay nag mula pa sa China at France. Napakaraming handa, may banda pang tumutugtog at ang mga asawa ng mga kaibigan ng kaniyang ama ay nakikipagdaldalan pa sa kaniyang mama, at siyempre itong si Franco ay walang ibang ginawa kundi buksan ang mga regalo sa kaniya. Mga mamahalin! Mga damit at pabango ito mula sa ibang bansa!
At siya naman, nakaupo lang sa sulok dahil bawal daw siyang makipaghalubilo sa mga bisita nila. Hindi daw dapat makipaghalubilo ang mga tulad niyang walang kwenta. Manahimik lang daw siya sa tabi dahil walang interesado sa kaniya.
Pero sino bang magkakainteres sa isang Rosita Birkley? Kung ang mismong pamilya mo ang walang kainteres-interes sa'yo? Hindi siya kailanman pinagmalaki. Kung ituring pa siya, parang isa siya sa mga katulong na nagtatrabaho sa kanila. Hindi kailanman naging proud ang parents niya. Wala ni isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Camp Birkley: The Bloody Camping [UNDER REVISION]
HorreurHalina at magpunta sa Camp Birkley! Ang magsisilbi mong tahanan hanggang sa kamatayan! --- This story is under revision. Some chapters will unpublish to edit and revise.