Kabanata 6

11 3 0
                                    

Presentation; (Sorry if I wrote something wrong, especially the discussion time. :D)(Typo, wrong grammar and wrong " ' " will or might occur in this chapter, even in the whole story)

Azaria;

"Azaria." Masayang bati sa'kin ni Mateo. pumikit-pikit ako bago huminga ng malalim at nagsabi ng 'hello'. Akala ko 'di ko na sya makikita. Ayokong makita ang isang tao na may gusto sa'kin at umamin na. Hindi ko alam kung paano sila ulit tratuhin ng katulad ng dati, I'm introverted, awkward ako at distant ako sa mga taong di ko masyado close at hindi ko pa kilala. I don't want to get too attach with someone, kasi alam kong iiwan rin nila ko sa huli, kung hindi man, makakalimutan rin naman nila ako. Pag may nagkakagusto sa'kin, nararamdaman ko pasan ko yung mundo, I feel pressured kasi pano kung 'di na nila ako magustuhan, pano kung pandirian nila ako, kasi baka ang dahilan ng pagiging mabait nila ay kasi gusto nila ako. Hindi na rin nila ako kakausapin.

Hindi ko man sinabi sa kahit kanino ang naiisip ko sa tungkol sa mga ganoong bagay, parang sa mga iniisip ko, nararamdaman kong malandi ba ako? Pagnalaman ko na may nagkakagusto sa'kin, lagi ako nagiisip na kung may masamang balak ba sila sa'kin, mahirap ako magtiwala sa tao, dahil 'don mas kinamumuhian ko ang sarili ko. I was traumatized, na pagkatiwalan ko ang isang tao, pero hindi ko kaya munang ikuwento ulit 'yon. Once in the blue moon ako naglalabas ng mga nararamdaman ko at problema.

Natauhan ako nung tinapik ako ni Mateo, sanhi ng pagkabigla ko. "Sorry." Ngumiti ako ng bahagya. Naghanap agad ako ng sasabihin para hindi awkward. "A-anong ginagawa mo dito? May klase ba kayo?" Tanong ko. Hinahawakan nya parin ang balikat ko. Napatingin ako sa kamay nya. Agad nya itong inalis. "Break namin ngayon." Nakangiti parin sya. Aywan ko ba kung bakit ako naiilang.

"ah. S-sige, maiwan na kita. M-may gagawin pa ako." Kinuha ko ang dapat na kunin ko. Naglakad ako ng medyo mabilis. Nararamdaman ko na nakatingin parin sya sa'kin. Hinilot ko ang sentido ko. Tinginan ko ang relo ko, 6 minutes nalang bago magsimula ang klase. Pumunta agad ako kay manang na nagbabantay ng library. Kilala naman ako ni Manang Syndia.

Sinulat ko ang pangalan ko, baitang at numero ko. 3 days ko itong hihiramin. Pag hindi ko nabalik tatawagan ako ni manang Syndia. Lahat ng estudyante dito may telepono, pag wala sila bibigyan sila ng telepono hindi naman mahal, parang keypad lang. Para sa mga emergency.

Patakbo akong lumakad papunta sa klase ko. Presentation na namin. Skeletal System ang ididiscuss namin. Binabalikan lang namin ang mga Systems sa Human. Madali lang rin naman ito. Sinisigurado ko lang na tama ang sasabihin ko sa harapan. Ang binigay saming bones ay Femur, Patella, Tibia.

Nakarating na ako sa klase at umupo sa bakanteng upuan. Hinanap ng mata ko si Chorde. Wala pa sya. Napabuntong hininga ako. Pumason sa isip ko ang mga kinuwento sa'kin ni Roseé tungkol sa relasyon ng may-ari ng Deia, which is Ma'am Angge at ang may-ari ng Toram Anoto. Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng Toram Anoto. Basta alam babae ang may-ari pero namatay sya at napasa sa asawa nya. Narinig ko lang rin 'yon kay Roseè.

Walang comment nalang ako 'don, hangga't sa wala akong kinalaman 'don, 'di ko papakialaman 'yan. Imposibleng mayroon akong kinalaman 'don. Ni hindi ko nga close si Ma'am Angge or kahit man kung sino may-ari ng Toram Anoto. Bakit rin ba 'yon inisip. 100% imposible.

Kakatwa na bigla-bigla nalang pumapasok iyon sa isip ko kahit di ko naman ginusto. may kumatok sa lamesa, natauhan ako dahil 'don. Tinignan ko kung sino ang kumatok. Chorde. Nginitian ko sya ng nakakasiwa. Umupo sya sa tabi ko. Nakakabinging katahimikan ang mga nakalipas na minuto. Tumingin ako sa paligid, bakit parang walang babaeng nakapalibot sakanya?

"Bro!" May isang lalaki na sumigaw sa pagkapasok nya sa klase. Naramdaman ko ang pagepekto kay Chorde. Sinulyap ko sya. Nakakunot ang noo at mukhang inis na inis. Sinulyap ko rin ang lalaki. Papalapit kay Chorde. Pamilyar yung lalaki eh. Sa paglapit ng lalaki nakilala ko sya. Si Leo!

THE GAME OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon