Family;
Kumakain kami ng almusal ngayon, mahimbing ang tulog ko kagabi. Dahil sa pagod, 'Tsaka napagod rin ako noong umiyak ako. Iba nga eh. Pumapasok pa rin sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi, Iba na talaga ito. Hindi ko naintindihan, ang alam ko lang na Baybayin ang "Deia Unibersidad" dahil nasa Entrance iyon ng Unibersidad. Kung isa pa talaga na panaginip na Baybayin, aaralin ko na ang Baybayin. Dati fusto ko rin naman matuto ng Baybayin pero wala akong oras para do'n, sa ngayon. Pero isisingit ko na lamang iyon sa mga gagawin ko. Ngayon mamula pa ang mata ko, hindi pa napapansin nila mama dahil hindi ko sinasalubong ang mga tingin nila. Dinadahilan ko nalang na hindi ko gaano mamulat ang aking mata at nasisilaw ako. "Azaria, sa'n mo gustong pumunta ngayon? Tutal, hindi ka na ata nakakapasyal, nakakarelax man lang dahil balita mo saakin marami kayong ginagawa." Sabi ni Mama habang nginunguya ang natitirang pagkain sa kanyang bibig.
Hindi ko pa rin sinasalubong ang tingin nila. Nakababa lang ang tingin ko habang kumakain. "Sa mag park nalang po. Magsimba po tayo." Hindi ko pa rin sila inangaatan ng tingin. Sumangayon naman ang lahat. Ilang minuto ay naging tahimik, kumakain lang kami. Nakahinga na ako ng malalim dahil hindi naman nila ako pinansin kung bakit nakayuko lang ako hanggang ngayon. "Azaria." Tawag saakin ni Papa, na mukhang seryoso ang sasabihin. Bumibilis ulit ang tibok ng puso ko dahil baka nga napansin na nila ang pagyuko ko.
" 'Yung kaibigan mo.." lumunok muna ako bago sumagot. "Po?" Parang alam ko na kung sino ang kaibigan na iyon. Kala ko pa naman ay tinigilan na ni Papa si Chorde, wala rin naman ako masyadong alam sakanya, wala rin ako makukuwento. 'Tsaka nagsinungaling ako, no'n. 'Di ko na kaya ulit na magsinungaling, lalo't na sakanila. "A-ano... Iyong nagsundo sa'yo kagabi." Dugtong ni Papa. Patuloy pa rin ako sa pagsubo kahit punong-puno na bibig ko. Kinakabahan kasi ako.
Hindi ko malunok ng maayos dahil nakayuko talaga ako. "Close ba k-kayo, no'n?" Para bang guilty sya dahil tinanong nya iyon. Nawala sng pagiging seryoso ni Papa sa tono nya. Nilunok ko ng mabilis ang nasa bibig ko para makasagot. "A-ano, hindi naman po. Naging kagrupo ko lang sya, 'tsaka na kuwento ko lang na pupunta ako sainyo, noong nagusap kami tungkol sa gagawin namin." Nahirapan akong hindi sumulyap sakanila. Hindi ako sanay na di lumilingon sakanila, lalo na pag naguusap.
"Azaria." Sumiryoso ulit ang tono ni Papa. Mas lalo akong kinabahan dahil sa pagtawag sa'kin ni Papa. Ang tahimik nila Mama, lagi kaming ganoon kapag seryoso si Papa. Pati si Lola't Lolo natatakot rin kay Papa. Iba ang Aura nya, 'e. Kakaiba. "Kanina ka pa nakayuko? Tumingin ka nga sa mata ko. Naguusap tayo." May kaunting inis sa tono nya. Kahit hindi ko sya nakikita, nararamdaman kong nakakunot ang noo ni Papa. I'm doomed. Hindi naman nila siguro mapapansin agad 'yong mga mata ko, diba?
Dahan-dahan ko nilingon si Papa. "Sorry po." Agad kong sinabing mahinhin. Nakita ko ng mabuti ang mga mata ni Papa na Kayumanggi, ang kulay ng balat nya ay hindi ganoong ka-bronze. Ang buhok nyang Jet Black ay naka-side, Ilong matangos, at ang labing manipis ay marosas. Nakakunot nga ang noo nya at makikita sa kanyang mukha ang pagtataka. Buntong hininga ang naging sagot nya sa paghingi ko ng tawad. Binaling ko ang tingin ko kay Mama, na huminto rin sa pagkakain nya, ganoon rin si Lola. Katabi ko si Lolo na tahimik at mahinhing kumain. Si Lola Esmerald at Lolo Riome ay anak nila si Papa. Bumibisita rin naman si Mama sa unang bahay nya. Si Lola Mercedes at si Tita Zirca at kanyang asawa't anak. Ang asawa ni Lola Mercedes, namatay na. Hindi ko sya nakilala pero alam ko ang itsura nya, pangalan nya ay si Lolo Enoy. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pagkamatay niya dahil hindi ito naikukuwento ni Mama pati na rin si Mama't Tita, pero alam kong masyadong masakit pagusapan ang mga iyon kaya hindi nila masabi. Nagtataka ako pero mabuti na lamang na manahimik para sa respeto na rin. Iyong asawa ni Tita ay si Tito Lito at iyong dalawa nilang anak na pinsan kong babae at lalaki, na sila Diaz Ali at Sedi.
BINABASA MO ANG
THE GAME OF LOVE
Romance(On-Going|Revising it) The Game is very dangerous. The Game is controlling your choices in your life and there is someone who will face that kind of situation. The Real Game Of Love. Real Game , New World. They'll slowly get hints that they're goi...