04

56 8 1
                                    

KABANATA 04:

Ako ang prom queen pero parang ayuko na. Si Justin ang naman prom king. Ang saya saya ni Athena habang nasa stage ako at binigyan ng sash. Pagkatapos ay isinayaw ako ni Levus. As usuall pinuri nya din ako. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti at mamula habang kasayaw sya.

Gabi na ng umuwi kami sa bahay. Hinatid ulit ako nila Kuya Jairrus. Hindi na namin kasama si Shaun. Bigla nalang syang nawala nung umupo na kami. Hindi din maalis ang tingin ko sa bracelet na suot ko.

It's shining. The portray of a watch is really beautiful. May butterfly pang naka-ukit sa silver watch na pendant. It's just small but it's really attractive. Hindi din ako nakatulog ng gabing yun. Nakatitig lang ako sa kamay ko na may suot na bracelet.

Tumayo ako at dumeretsyo sa study table ko. Binuksan ko ang laptop at dumeretsyo sa google para mag search. I want the meaning of it. Ayaw ko naman itanong kay Athena dahil baka ako pa ang mas lalong matanong.

Mabilis na lumabas ang result. Mabilis ko rin namang binasa.

'Bracelet with a watch pendant means time to hold your hand. Be with someone special. Bracelet as a gift to other people is use it as a symbol of your relationship while the pendant is the symbol of it's message. And watch pendant is symbol of time. '

Paulit-ulit kong binasa ang paragraph. Hindi ko kayang paniwalaan ito. Naalala ko din ang sinabi nya kanina. Even how he stare at me.

Why Shaun?

I don't really know what is this about? Kapag ba totoo yun, Totoong aalis din sya, ay kailan? I need to fix this, between me and him.

"Ang tagal naman ng mga yun" reklamo ni Athena.

Sabado ngayon pero nandito sya. Mamaya ay dadating sila kuya Jairrus kasama sila Luhence. For sure kasama dun si Levus, pero hindi sya ang hinihintay ko ngayon. Sana lang ay pumunta sya.

"Baka may dinaanan lang" nagkibit balikat ako "Saan nga pala nila nakilala si Shaun?"

Umupo kami sa sofa. Sinindi nya ang t.v. at panay lipat. Kumuha naman ako ng pagkain sa bowl na nasa table.

Kumurap-kurap si Athena saka tiningnan ako ng nagtataka. Inorserbahan nya din ako na parang may makikitang kakaiba sakin. Or should I say, I say something strange.

"Bakit mo natanong?" balik na tanong ni Athena.

Bumalik ang tingin nya sa t.v. Naghanap naman ako ng isasagot. I don't really know how to answer it. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon natanong.

"Wala, he looks freshman here" iyon nalang ang nasabi ko.

Tumango si Athena tsaka itinigil na ang paglipat sa channel ng t.v. Pinagsadahan nya din ako tingin bago ibinalik ang tingin sa t.v.

"Hindi ko din alam kung saan nila napulot si Shaun, ang alam ko lang classmate sya ni Levus nung nasa Davao pa si Levus, nag transfer lang naman sya dito nung grade 10 diba?"

"really? Edi mag kakilala talaga sila?"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magugulat or matatawa.

"Bakit ba?" tanong ni Athena.

Hindi ako sumagot. Nag ngiting aso lang ako sakanya. Kumuha din sya ng pagkain at tiningnan ako. Tumawa sya ng makitang nakangiting aso ako. Pagkatapos ay kiniliti nya lang ako ng kiniliti.

"INLOVE KA NA NOH?" tanong nya habang kinikiliti ako.

"Ano? Hindi ah" tumawa ako.

Hindi parin sya tumigil. Kiniliti nya parin ako. Muntik na akong mahulog sa sofa buti nalang nakakapit ako sa sandalan.

"Athena ano ba" sigaw ko.

"Sabihin mo muna, inlove ka na ba ha?" tanong nya ulit.

"Sino ang inlove ha? Kanino?" biglang may nag salita sa likod namin.

Sa may pinto ay nandun si Kuya Jairrus na naka-ngisi. Sa tabi nya si Luhence at Khairro na natatawa. Inirapan ko sila bago itulak si Athena at umayos ng tayo.

"Ang tagal nyo nakakainis kayo" salubong ni Athena. Ngumuso at yumakap kay Kuya Jairrus.

Pagkatapos ay pumasok naman sina Levus at Shaun habang may kasamang babae. Nagtatawanan sila. Natigil lang ng makitang tumigil si Kuya Jairrus sa may pinto.

"Sino nga ang inlove, Michael? Ikaw ba? Imposible namang si Athena eh may Jairrus na" pang- aasar ni Luhence sakin.

Namula naman agad ako. Pagkatapos ay ibinato ko ang malapit na throw pillow. Tumawa lang sila ni Khairro. Bumaling naman ako kay kuya Jairrus na masama ang tingin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko.

"Micha" bati ni Levus ng magtama ang tingin namin.

Ngumiti lang ako at tumango. Napatingin ako sa katabi nya, si Shaun na may kaakbay na babae. Mukha silang mag jowa habang tinitingnan ko sila. Si Shaun nakahawak sa balikat ng babae, yung babae naman ay sa bewang ni Shaun. Napaiwas nalang ako ng tingin at bumaling nalang kay Athena na umupo na sa tabi ko. Para akong kinain bigla ng selos.

"Michael, sino nga?" si Khairro na umupo pa sa tabi ko.

Siniko ko sya. "Wala, secret ko na yun" pag sakay ko.

Humagalpak naman ng tawa sina Luhence at Khairro. Inirapan ko lang sila at ibinaling na lang ang tingin sa t.v. Isa isa naman umupo sila kuya Jairrus. Ngumuso ako ng marinig ko ang tawa ng babae habang nakikipag biruan si Levus at Shaun sa kanya.

Bumuntong hininga ako saka tumingin sakanila. Magkatabi sila Levus at Shaun habang yung babae nasa tabi ni Shaun at magkadikit na magkadikit. Umirap nalang ako sa hangin bago ibalik ang tingin sa t.v.

"Ah Shaun bakit bigla kang umalis kagabi?" tanong ni Athena.

Saglit akong tumingin kay Shaun na nakatingin din pala sakin. Iniwas ko ang tingin ko at umirap. Naging tahimik kami sa sala. Hinihintay naming sumagot si Shaun.

"tumawag kasi sakin si Jane" sagot nya.

Kumunot ang noo ko. Si Jane ba ang kasama nya ngayon? Kaano-ano naman nya kaya to?

Napatingin ako sa bracelet na binigay sakin ni Shaun. Hindi ko iyon inalis ko sa kamay ko mula kagabi. Pagkatapos ay tumingin ako sa babae.

Maputi din ang babae katulad ko. Mas matangkad lang sya sakin at mas lantad sya kung mag damit. Her eyes are definitely beautiful.

"Sya ba si Jane bro?" tanong ni Khairro.

Tumango naman si Shaun "pinsan ko sya"

Nanlaki ang mata ko.

"Pinsan mo tapos para kayong magjowa" tumawa si Luhence.

Sinamaan naman namin sya ng tingin. Mabilis syang tumahimik at nag iwas ng tingin.

"it's just Shaun is just so protective" sagot ni Jane.

At bakit ba sila tumitingin sakin sa t'wing may sasagot. Bumuntong hininga ako. Iniisip ba nilang nag seselos ako. As if.

"anyway, sana nag sabi ka parin" si Athena.

Hindi naman siguro sya aalis basta kung importante ang pagsasabi niyon saamin. Siguro ay hindi lang talaga importanteng malaman pa namin iyon.

"Hoy, Micha" bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Levus.

Lumingon ako sakanya. Nakatingin na silang lahat sakin. Even Shaun, his eyes is now fine. The cold gesture is now gone.

"Kanino ka nga inlove?" biglang tanong ni Levus.

Ngumisi sya. Namula naman ang pisnge ko dahil sa sinabi nya. Napatingin ako kay Shaun pero nagmukhang nag-iwas lang ako ng tingin. But the truth is gusto kong makita ang reaksyon nya. His eyes is dark, his lip is closed and his jaw clenched and in anytime ay mag wawala sya. Umiwas ulit ako ng tingin, minabuti kung tingnan isa isa ang nandito at nakangisi na silang lahat.

Umirap lang ako bago tumayo. "He's not inlove with me, surely"

GOODBYE (Completed) Where stories live. Discover now