EPILOGUE

103 10 3
                                    

EPILOGUE:

"Sama ka na kasi!"

Tumingin ako kay Jairrus na namimilit. Pabiro akong umirap at tumayo sa sofa. Pagkatapos ay binatokan sya at pumunta na sa banyo para maligo at maghanda.

Bwesit kasi ang mga loko! Niyayaya akong pumunta daw sa bahay ng kaibigan nya. Eh ano namang gagawin ko dun? Tatambling.

Napabuntong hininga nalang ako. Nagmadali akong maligo at magbihis. Tapos ay dumerestyso na kami sa isang village. Kumunot ang noo ko. Dito yata lilipat yung kaibigan ni Levus.

"Ang bagal ng babaeng yun!" singhal ng girlfriend ni Jairrus.

Tumawa lang ang mga kasama namin. Bumuntong hininga lang ako at nag crossed arm sa kanila. Iniwan kaya nila yung may ari ng bahay sa 7 eleven kaya kami nauna dito tapos magrereklamo sila.

Nagtawanan na rin sila maya maya. May pinaguusapan sila about sa prof namin na mga muntanga. Syempre nakisali nalang ako.

May tumigil na taxi sa tapat namin. Mabilis akong lumingon. Halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang lumabas.

"Michael!" sigaw nila Athena.

Michael Alfonso the reason why I'am here.

Tahimik lang akong umiinom katabi ni Michael. Hindi nya ako pinapansin syempre di kami close. Akala ko talaga di ko na sya makakausap pero ng lumabas sya mabilis akong sumunod.

Kinausap ko sya. Gusto ko sya tawanan dahil sa mga pagbibintang nyang pare-pareho ang mga lalake.

"I'm not, try me" yun lang ang nasabi ko at umalis na.

J.s na nga nila. Hindi naman mahirap paki-usapan ang mga teacher duon na isali kaming mga college dahil duon rin kami nag aral ng ilang taon.

Tinext ko kaagad si Athena na ako ang sabihin na ipartner kay Michael. Pumayag naman sya. Loko nga eh binugaw ang kaibigan nya. Nagtext din naman sya kaagad na ayos na daw, kami na daw ni Michael ang partner.

May klase pa ako nung before lunch. Iba ang lunch ko sa lunch nila Jairrus pero sumama parin ako. Napagalitan tuloy ako ng prof. Pero ayos lang nainis ko naman si Michael. At nalaman nya na rin na ako partner nya.

Nung unang araw naman ng practice nila may klase ako. Pero nagdismissed din kaagad. Hinarang nga lang ako ni Levus, tinanong ako ni loko kung gusto ko si Michael. King ina syempre sabi ko oo. Hinamon ba naman ako mag laro ng ps4 pagalingan daw kami kung sino magaling kanya si Michael. Pumayag ako kaya hindi ako nakapunta sa practice. Excited pa naman ako. Nanalo rin ako, talunan ang tanga eh.

Hindi na rin ako humabol, patapos na din daw kasi sabi ni Athena. Nagsend pa sya ng picture ni Michael. Kawawa naman sya. Mag isa lang sya naka-upo nakakunot ang noo pero naka nguso. Ginawa kong wallpaper. Tapos dumaan ako sa store ng mga jewelry. Bumili ako ng bracelet. Ibibigay ko kay Michael.

Kinuha ko yung may time na pendant. Nagandahan ako at isa pa alam ko ang meaning nun. Hindi ko rin naman alam kung gaano ako katagal dito.

Nagcut na ako ng klase nun kasi ayaw kong nakikita syang mag isa tapos nakanguso sa upuan. Naglate pa nga ako nung unang beses pero hindi agad ako nag pakita. Pinatapos ko muna yung unang practice habang tinitingnan sya.

Nung j.s naman tumawag ang private nurse ni dad. Tangina hindi ko nagawang mag saya nun. Kahit ang ganda ganda noon ni Michael. Dun ko na lang din nalaman na kaylangan ko na talagang umalis. This is not my home.

Kaya habang kasayaw ko sya. Unti unti kong prinoseso na hindi nya ako kelangan. Aalis ako kasi kaya nya naman. Pero ang hirap.

"You don't want to be with me" yan yung sinabi nya nung sinabi kong gusto ko syang makasama.

GOODBYE (Completed) Where stories live. Discover now