"Dra. Abella, congrats!" Bati sakin ni George, my senior intern.
I smiled at her and nod before handing her my face mask, hair net, gloves and gown.
I started to walk but every now and then, may nakakasalubong ako na bumabati at nagco-congratulate sakin kaya natagalan pa ako bago makadating sa clinic ko.
I eventually made it and agad akong humiga sa bean bag ko. Niyapos ko ang unan na nakapatong sa bean bag then I sighed heavily and closed my eyes to rest. I immediately dozed off.
Nagising nalang ako sa kalampag ng pinto. Napa-irap ako sa taong kakadating lang at may malaking ngiti pa ito sa mukha.
"Doctora!" Sigaw ni Tyra while approaching me. "Congrats sa biggest operation of the year," Hinug pa niya ako at pinisil ang magkabilang braso ko.
"Thanks, Dra. Ramos," Sambit ko at ngumiti ng mapang-asar. Ngumuso naman ito kaya natawa ako.
Tumayo ako para kuhanin ang water container ko na nakapatong sa desk ko. Umupo naman si Tyra sa bean bag ko.
"Teka," Sabi niya habang umiinom ako ng tubig kaya napalingon ako sa kaniya. "Akala ko ba 16 hours 'yung operation niyo?" Tumingin pa ito ulit sa relo niya habang yakap-yakap 'yung unan.
Tumango naman ako at tsaka pinasok ang water container sa maliit na ref sa tabi ng desk ko.
"Eh, three hours early kayo, ah? Kung 'di ko pa nga maririnig sa junior interns natin, 'di ko pa malalaman na tapos na pala operation mo, hindi tuloy kita nasalubong sa labas ng operation room," Nagtatakang sabi nito while crossing her arms tila nagtatampo. "Nakakainis," Bulong pa niya.
"Minagic ko nalang kaya bumilis, tinamad na akong gamitin knowledge ko, eh," Pagbibiro ko.
Tinignan ako ng masama ni Tyra bago ako binato ng unan.
"Ano nga? Bakit ang bilis?" Inis niyang tanong.
"Wala. Masyado lang akong magaling kaya mabilis 'yung operation," Sagot ko at natatawa-tawa pa.
"Ay, totoo 'yan pero 'di ba ikaw na nagsabi dati na baka mahirapan ka kaya baka 16 hours operation mo? An'yare?" Pagpipilit pa niya. "If I know, siguro chinallenge ka na naman nung Maxine na 'yon, tama ako 'no?"
She's right. Ever since, competitive na talaga si Maxine, lalo na pagdating sa'kin since parehas kaming Cardio. She challenged me before my surgery. It was supposed to be hers but then she was suspended for being careless around her patients kaya napunta sa'kin.
Hindi ko na siya sinagot at nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko dahil gusto ko narin umuwi.
Nilagay ko ang phone, wallet at ang iba ko pang kailangan na gamit sa loob ng bag ko habang ang white coat ko ay sinabit ko lang sa braso ko.
"Huy! Tama ako 'no?" Pag-uulit niya ng tanong niya at lumapit pa para makita ang mukha ko. "Ano?!" Inalis niya pa ang natitirang buhok kong nakahara sa'king mukha.
"Basta," Maikling sagot ko at ngumiti pa. "Ano? Tapos ka na ba? Tara na, uwi na tayo, pagod na ako," Dire-diretso ako naglakad at palabas na sana pero tumigil ako ng mapansin kong hindi siya sumunod sa'kin.
Lumingon ako sa kaniya saglit at nakitang nagte-text ito sa phone niya. Bagong boyfriend, siguro? I leaned my back against the door while waiting for her to notice me.
"M-meron pa ako consultation mamaya, eh," Sabi nito habang tinatago ang phone niya sa kaniyang white coat.
Tumango ako at naglakad narin ito palabas para ma-lock ko na ang clinic ko.
BINABASA MO ANG
Heal My Love
General FictionA hospital where two doctors who have had three operations together sparks a love story. Alvira, Dra. Abella, the fresh cardiologist, is asked to handle one of the veteran neurologists in the hospital, Doc Arceo's heart condition. Can she save him...