"Hoy, Alvira!" Sigaw ni Tyra sa pintuan ng restroom. "Tara na kasi, naroon na sila lahat, pati si Doctor Bello slash crush!"
Pinunasan ko na ng face towel ang mukha ko para makalabas na ako at makasunod na kami sa ibang interns and doctors.
Nasa vacation kami ngayon ng mga hospital staff. They do this annually, for bonding, daw.
Co-interns, some resident doctors and some office staffs ang makakasama namin for three days dahil hindi naman pwedeng walang tao sa hospital.
"Ano ba?" Irita kong sabi pagkalabas ko palang ng restroom. "Ikaw kayang paulanan ng harina sa mukha?! Bwiset kasing Never Have I Ever na 'yan, eh!"
Natawa naman siya kaagad at siguradong naalala niya ang mukha ko kanina.
"Naaalala ko.." Putol-putol niyang sabi dahil natawa pa siya. "'Yung mukha mo, grabe," Mas malakas pa ang tawa niya ngayon. "Ang panget!"
Tumakbo ako sa kaniya para kurutin siya pero agad din siyang tumakas palayo sa'kin.
"Hoy! Bumalik ka rito," Pagbabanta ko.
"Elian!" Pagtawag niya sa isa pang intern na nakasalubong namin.
Kaibigan din namin si Elian, nakilala namin siya nung pumasok na kami sa hospital. Mabait at may itsura ito.
Kaming tatlo nga lang ang laging magkakasama dahil 'yung ibang interns may sari-sariling mundo narin.
Agad na nagtago si Tyra sa likod nito.
"Elian, tabi," Tinignan ko pa ng masama ito para sundin ang utos ko.
"Oh, teka, hindi ako kasali d'yan," Sagot ni Elian habang hinaharang ang kamay niya sa'kin.
Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Doctor Sanchez.
"Is everything alright here?" Tanong niya.
Gwapo din 'to, eh, pero mas gwapo 'yung crush ko, si Doctor Arceo. Tropa sila sa pagkaka-alam ko.
"Yes, Doc," Sagot naman ni Tyra.
Tumango si Doc Sanchez at nagtatakang tumingin kay Tyra ng mapansing tila may hinahanap ito.
"Doc, si Doctor Bello po? Kasama niyo?" Walang hiya niyang tanong.
Napaka-straightforward din kasi nitong kaibigan namin, eh. 'Pag may gusto, gagawan ng paraan.
Natawa ng bahagya si Doc Sanchez bago sumagot.
"Nauna na sila ni Doc Arceo," Tumingin siya sa'kin habang binabanggit ang pangalan ng kaibigan niya slash crush ko.
Dumoble ang tibok ng puso ko, baka nga trumiple pa. Umiwas din agad ng tingin si Doc Sanchez sa'kin pero hindi parin ako mapakali.
"Tara? Sabay-sabay na tayo?" Akit pa ni Doc Sanchez.
"Y-yes po, D-doc, s-sige po," Nanginginig na sagot ni Elian.
Muntik ko ng makalimutan na mahiyain nga pala itong isang 'to.
Nauna si Doc Sanchez at Elian habang nahuli naman kami ni Tyra dahil hinigit ko na siya bago pa niya makachikahan si Doc.
"Ty, alam ba nila? May sinabi ka ba?" Tanong ko kaagad.
"Ha? Hindi, ah, baka 'yung akin alam niya pero 'yung sa'yo? Baka hindi," Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Heal My Love
General FictionA hospital where two doctors who have had three operations together sparks a love story. Alvira, Dra. Abella, the fresh cardiologist, is asked to handle one of the veteran neurologists in the hospital, Doc Arceo's heart condition. Can she save him...