02

0 0 0
                                    

Binato ko ng unan si Tyra na kanina pang nahilik.

Kinuha ko ang phone ko sa bed table na katabi ko.

Hinanap ko ang contact ni Elian at tsaka ito tinext.

Me:

Elian, help! T___T

Nakaupo lang ako sa kama habang inis na tinitignan si Tyra na natutulog sa tabi ko. Konting minuto pa ay nagreply narin si Eli.

Eli:

Bakit na naman??

Me:

Hindi ako makatulog, hilik ng hilik si Ty :(

Eli:

HAHAHAHAHAHAHA

Me:

Palit tayo room, please. Wala ka naman room mate, 'di ba?

Eli:

Ayaw ko nga. Bakit ako makikipagpalit, edi hindi rin ako nakatulog? Luh!!!

Nakakainis naman kasi 'tong si Tyra, ang kulit kulit kanina kaya ayan tuloy, tulog na tulog tapos ang lakas pa humilik.

I've decided na lumabas nalang muna at maglakad-lakad sa beach, kung pwede nga lang, baka doon nalang rin ako magpalipas ng gabi.

Nagsuot lang ako ng scarf dahil malamig sa labas at naka t-shirt lang ako. Naka-pajama naman na ako kaya okay na.

Nasuot lang ako ng slippers at tsaka lumabas ng room. Dumiretso ako sa may beach.

Pumikit ako habang lumalanghap ng hangin. Ang sarap pakinggan ng mga alon.

Umupo ako sa buhanginan at pinanuod lang ang paggalaw ng tubig.

Nang makakita ako ng stick ay sinulat ko ang initials ko sa buhangin.

AAA

Tapos pinaligiran ko ito ng malaking puso.

"Triple A's," Napatalon ako ng may magsalita sa likod ko.

"Grabe, mamatay na yata ak--" Napatigil ako ng makita ko kung sino 'yung nagsalita.

"D-doc," Bati ko.

"Archie," He corrected me.

"Is this space taken?" Tanong niya habang tinuturo ang space sa tabi ng inuupuan ko kanina.

Nagtataka ko siyang tinignan at natawa naman ito bago tuluyang umupo sa buhanginan.

Tinignan niya lang ang dagat habang nakangiti.

Ang gwapo niya, grabe. Ang swerte naman ng makakabingwit dito. Hindi naman kasi siya ordinaryong isda lang, eh. Hindi siya tilapia o galungong, jusko, lobster nga ata ito.

"Mas malalim pa yata iniisip mo sa dagat," I came back to my senses.

Tumawa lang ako. Hindi ko alam kung napansin niyang kanina pa ako nakatitig sa kaniya.

"Upo ka," Akit niya sabay tinagilid ang ulo para ituro ang space na inuupuan ko kanina.

Tumango ako at tumabi sa kaniya. Syempre, siya na nag-akit, ako pa may ganang umarte.

Tumingin ako sa dagat at agad akong napapikit.

Napatingin ito sa sinulat ko sa buhangin at napangiti naman ako.

Heal My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon