04

0 0 0
                                    

"Let's get coffee," Akit ko kay Tyra, after finishing my rounds.

Tumango lang ito at tumayo. We went to the hospital cafeteria to buy some coffee.

"Akin na pera mo," Nilahad niya ang palad niya sa harap ko. "Maghanap ka nalang ng table, pagod na pagod ka, eh."

"Halata ba?" Tanong ko.

"Hindi naman," She tilted her head to the side, like she was thinking about it. "Sobra lang."

I rolled my eyes at her before handing her my money.

"I'll have what you'll have, I'll find seats na," Paalam ko at naglakad na para maghanap ng uupuan namin.

Ever since the vacation we had, bugbugan na. We barely sleep dahil rumami ang trabaho since the other batch went on a vacation naman.

"Pagod na 'ko, grabe, ganito pala naramdaman nila nung nagsasaya tayo sa buhanginan," Elian stood in front of me. "Ayoko na, Alvs," Ginalaw galaw niya pa ang dalwa kong braso bago kami umupo.

I looked at him tiredly and gave him a small smile. Nakakapagod naman kasi talaga.

Itinungkod ko ang magkabilang braso ko sa legs ko habang nakasubsob sa mga kamay ko ang mukha ko. Pumikit ako saglit para magpahinga.

Maya maya pa ay dumating na si Tyra, dala dala ang kape namin.

"Elian, tabi!" Iritang sabi niya kay Elian.

Dalawa lang kasing upuan ang nakuha ko dahil hindi ko naman alam na darating si Eli.

Tumayo nalang si Elian at humiram ng isa pang upuan sa kabilang table para makaupo sa pagitan namin ni Tyra.

"Wala akong coffee?" Sumimangot si Eli kay Ty.

"May nakikita ka ba? Palibhasa, late ka!" Tyra gave her an irritated look before sipping her coffee.

"Share naman tayo, sige na," Pagmamakaawa ni Eli kay Ty. "Ang haba na ng pila, oh," Tinuro pa niya ang mga taong nakapila para umorder.

Inabot ni Tyra ang kape niya kay Elian para painumin ito. Normal lang sa kanila 'yan, kaya siguro napapagkamalan silang magjowa.

"Lilipat na 'ko," Tyra said, out of nowhere.

We both looked at her, confused of what she's trying to say.

"Ayoko na sa Cardio," Inagaw niya ang kape niya mula kay Elian because Elian almost choked.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heal My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon