Augustina
Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay tapos na akong maligo. Tanging ang liwanag na nagmumula lamang sa kandila ang nagsisilbing ilaw dito sa aking kwarto. Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang tinitingnan at hinahawakan ang aking mukha. Napapikit ako nang maalala ko ang pangyayaring iyon. Ang pangyayari na kung saan nagkalamat ang aking mukha.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga para maiwakli ang pangyayaring iyon sa aking isip. Kinuha ko ang kandila at tinahak ang daan papunta sa labas.
Tahimik lamang ang paligid habang ang mga puno ay sumasayaw tuwing iihip ang hindi gaanong kalakas na hangin dito sa labas ng aming bahay. Napayakap ako sa sarili nang makadama ng panlalamig.
Nagsimula na akong magsaing gamit ang apoy at mga panggatong. Nakasanayan ko nang ito ang ginagamit namin sa pagluluto simula noong iniwan kami ng ama ko. Ang Daddy ko kasi ay napakasungit. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Siguro, hindi siya masaya na kami ang kasama niya kaya mas pinili niya ang taong makapagpapasaya sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa siya nagpakasal kay Mommy gayong iiwanan niya rin pala kami sa huli. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Napakabait ng Mommy ko at ako naman, ginawa ko ang lahat para maging proud si Daddy. I always follow his rules. And I always been a good girl. Lahat ginawa ko, but iniwan niya pa rin kami.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nakita ko si Mommy na lumabas at umuubo habang hinihilot ang kanyang dibdib. Hindi ko namamalayang nakataas na pala ang kanang kilay ko.
"Anong ginagawa mo gayong alas kwatro pa lamang ng madaling araw, Mommy?" Pagtatanong ko rito. Hindi kasi ito ang oras nang gising ng maganda kong ina.
"Tigil-tigilan mo ako, Augustina. Para kang lola mo sa pananalita mo." Binatukan ako nito nang makalapit ito sa akin. Napasimangot na lamang ako. Masakit kaya kapag nababatukan ka. Umupo ito sa tabi ko at saka sinuklayan ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Tinanggap ko ang alok sa atin ng ating kapitbahay na maging labandera nila. Magsisimula ako mamayang alas sais kaya napaaga ang gising ko." Patuloy pa rin ito sa pagsusuklay sa aking buhok.
"Ganoon po ba. E di tutulungan ko po kayo sa paglalaba. Baka lumala pa iyang ubo mo, Mommy." Hustisyon ko. Mamayang hapon pa kami magsisimula sa street busking. Madami kasi ang tao kapag hapon hanggang gabi. Sa ganoong oras magsisilabasan ang mga empleyado't estudyante.
"O siya sige. Alam ko naman na kapag tumangi ako ay magpupumilit ka pa rin." Nginitian ko lamang at saka tumango.
"Very good, Mommy." Napahalakhak ako ng tawa nang kilitiin ako nito. Napatigil lamang ito nang may maalala.
"Malapit na pala ang birthday mo, anak." Napatigil na rin ako at saka napaisip. August 2 na ngayon at sa August 8 ang birthday ko. Tumango ako at sumang ayon kay Mommy. Hindi ko na namamalayan ang panahon. Malapit na pala akong maging seven years old. Nasa grade two na siguro ako ngayon kung nag aaral pa ako.
"Anong gusto mong regalo, anak?" Tanong ni Mommy sa akin. Napaisip naman ako sa kanyang tanong. Hindi ko naman kailangan ng mga materyal na bagay. Ang gusto ko ay magkaroon ng kompletong pamilya, mapagaling si Mommy, at saka makapag aral. Medyo mahirap abutin ang mga gusto ko kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Ang lalim naman nun, anak." Natatawang sabi ng aking ina at saka napaubo. Napailing na lamang ako. Minsan kasi hindi nagseseryoso ang maganda kong Mommy.
"Saka na iyang regalo, Mommy kapag nakaahon na tayo sa kahirapan. At saka, kuntento naman ako kung ano ang ibinigay sa akin ng Panginoon. Basta nandiyan lang kayong dalawa ni Lolo ay ayos na sa akin." Kinindatan ko si Mommy at saka tinusok ang kanyang tagiliran gamit ang hintuturo ko.