Si Maxine Doreen "Maxi" Ignacio ay isang NBSB (No Boyfriend Since Birth) at palaging loner sa lahat ng eskwelahang pinapasukan niya.
Natatakot na siyang iwasan, iwanan o mawalan ng kaibigan kaya gumawa siya ng paraan para magkaroon ng kakaibiganin n...
Chapter 2: Jealousy? Point of View: Maxine Doreen Ignacio
Sa tuwing kaharap lang ng mga kaibigan ko sweet sa akin si Brent pero kapag wala na, lagi niya akong inuutusan sa ganito-gan'yan o kaya inaasar at ginugulo niya ang buhay ko.
Lunch na pero gusto ko nalang matulog dahil sa mga ginawa kong isa sa project niya kagabi.
Grabeng puyat ko para lang sa b*set na 'yun.
"Hindi ka magla-lunch?" tanong sa akin ni Nadia habang hinihintay ako.
"Pagod na ako—" sabi ko pero natigilan ako ng may nag-text sa akin.
Bub, bumili ka ng inumin. Nandito ako sa cafeteria, sabay tayong kumain may baon ako para sa ating dalawa. Bilisan mo, ha? I love you.
- Your handsome Bub
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa text na 'yun kasi alam kong nagkukunyari lang siya pero ang totoo talaga inis na 'yun dahil pinaghihintay ko siya.
"Nag-text si bub, sorry! Hindi ako makakasabay sa inyo."
Agad na nagtatakbo ako papuntang vending machine para kumuha ng maiinom at pagkatapos papuntang cafeteria naman.
***
"Ayan na."
Walang ganang inabot ko sa kaniya 'yung coke-in-can.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang bagal mo, diba sabi ko sa'yo ayaw kong pinaghihintay ako ng matagal? Ang dami ko pang gagawin." sabi niya pagkatapos sumubo siya ng kinakain niyang adobong pusit.
"Oo na! Sorry na po, master."
Tumabi ako sa kaniya at nagsimula kaming kumain ng lunch ng tahimik.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng tumabi sa amin 'yung mga kaibigan ko para makipag-share ng table at makasabay kaming kumain.
"Gusto namin makasabay kumain ang friend namin kasama ang boyfriend niya."
"Grabe, ang swerte mo talaga at sa'yo pa na-inlove 'tong si Brent."
"Oo nga, hindi ko talaga akalain 'yun."
"Sa totoo lang, mas swerte ako sa kaniya dahil nakatagpuan ko ang babaeng tulad niya na mamahalin ko at magmamahal sa akin ng habang buhay. Ang gusto ko talaga sa kaniya ay ang pagiging simple lang pero iba pa din ang nagagawa niya para pabilisin ang puso ko. Kaya inlove na inlove ako kay Bub, eh."