Si Maxine Doreen "Maxi" Ignacio ay isang NBSB (No Boyfriend Since Birth) at palaging loner sa lahat ng eskwelahang pinapasukan niya.
Natatakot na siyang iwasan, iwanan o mawalan ng kaibigan kaya gumawa siya ng paraan para magkaroon ng kakaibiganin n...
Chapter 3: First Date Gone Wrong Point of View: Maxine Doreen Ignacio
Napahagikhik ako habang hinihintay si Brandon sa bus stop.
'Akala ni Brent, susunod ako sa kaniya? Pwes, hindi! Makikipag-date pa din ako. Akala ba niya palagi nalang akong asong sunud-sunuran sa kaniya?' isip-isip ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Wow, ang ganda mo talaga! Bagay sa'yo ang damit mo, Maxi." bati ni Brandon sa akin.
"Talaga? Salamat!" sabi ko na tila nahihiya pa kaya napalagay ako ng buhok sa likod ng tenga ko-pampa-cute ko sa kaniya.. hehe.. ano ba!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ano? Tara?" aya ni Brandon kaya napatango ako.
Namasyal-masyal muna kami sa mall pagkatapos ay kumain kami ng cake at uminom ng coffee habang nagku-kwentuhan tungkol sa hobbies at mga unforgettable memories namin sa isang mamahaling café.
Nagpunta din kami sa arcade para maglaro ng basketball pero nagpaturo muna ako kay Brandon kung paano mag-shoot bago kami naglaban.
Pataasan pa kami ng score.
Ang may pinaka-kaunting na-shoot ay manlilibre.
Alam kong panalo si Brandon sa pagsho-shoot pero ako pa din ang nanalo.
Napangiti nalang ako sa pagiging 'gentleman' niya sa akin, hindi tulad ni Brent na siguradong aasarin lang at hahayaang matalo ako.
Hmph!
Nang kinahapunan na, pumunta naman kami sa isang mamahaling restaurant para kumain.
Sobrang gutom ang naramdaman ko.
Ilang oras ba naman kami naglalaro doon ng games mapa-basketball, tekken o barilan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.