My Boyfriend Is A Dark Prince
Chapter 7: Proving Myself
Point of View: Maxine Doreen Ignacio"So, nagkukunyari lang na boyfriend mo Brent?" kalmadong tanong ni eonnie Blessly habang umiinom ng paborito nitong frappé.
Translation: Big sister in Korean
Sinabi ko na kasi ang buong katotohanan sa kaniya bago pa iba ang makakapagsabi.
Mabuti na lamang na hindi siya nag-wild reaction or what, tamang pinaintindi ko sa kaniya ang bawat punto kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon at nagpapasalamat ako na naiintindihan niya ito ng lubusan.
"Parang ganoon na nga eonnie, pero talagang minahal ko na si Brent ngayon."
Tumango-tango si eonnie Blessly.
"Okay.."
"E-eonnie?"
Hindi ako mapakapaniwalang 'okay' lang ang sinabi niya sa lahat ng kinu-wento ko sa kaniya, parang 'okay' lang talaga na sa kaniya na 'nagkukunyari' lang kami ni Brent.
Ini-expect ko kasi like sa mga nababasa o napapanood ko kapag ganitong confrontation dapat nasampal na 'ko o kaya sasabihin niyang 'isang milyon para iwasan ang kapatid ko!' kaso wala talaga, chillin' lang siya na parang di niya feel kung may mangyari man sa kapatid niya.
Pumalakpak siya bilang pagtawag sa waiter.
"Y-yes, madame?"
"Full house please."
Tila nagulat naman ang waiter sa sinabi ni eonnie Blessly.
Hindi ko alam na ang ibig sabihin pala ng 'full house' sa restaurant na 'yun ay lahat ng cake na nasa menu ay o-order-in niya.
"Do I need to repeat myself?"
"O-opo!"
Humahangos naman na umalis ang waiter.
"Eonnie?"
Naguguluhan na ako sa nangyari kay kuyang waiter.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Dark Prince
RomanceSi Maxine Doreen "Maxi" Ignacio ay isang NBSB (No Boyfriend Since Birth) at palaging loner sa lahat ng eskwelahang pinapasukan niya. Natatakot na siyang iwasan, iwanan o mawalan ng kaibigan kaya gumawa siya ng paraan para magkaroon ng kakaibiganin n...