Chapter 5: Starting To Fall Inlove With Him

11 1 0
                                    

My Boyfriend Is A Dark Prince

Chapter 5: Starting To Fall Inlove With Him
Point of View: Maxine Doreen Ignacio

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit, baka kasi magalit na naman si Brent kakahintay sa labas ng classroom.

Alam ko kasing hindi makapaghintay 'yun, gusto pa naman niya uradang maka-uwi agad.

"Wala ata si Brent sa labas?" pansin ni Aika.

"Ah sige, mauna na kayo. Pupuntahan ko muna si bub sa classroom nila, baka may inasikaso lang 'yun kaya late."

Ngumiti nalang ako sa kanila.

"Sige, ingat kayong dalawa, ah?"

Napatango ako bilang pagsang-ayon at agad na napatakbo ka papunta sa classroom ni Brent.

Hindi ko maipaliwanag ngunit bigla nalang ako nakaramdam ng kaba.

'Bakit kaya wala si Brent mula kanina pang lunch? Ano na kayang nangyayari?'

Si Brent kasi 'yung tipo ng tao na kahit sobrang daming ginagawa niya, nagagawa pa din niyang samahan akong kumain tuwing lunch o breaktime at susunduin sa labas ng classroom para sabay kaming umuwi.

Napaka-boyfriend material talaga niya.. o dahil lang sa pinakiusapan ko siya?

Pero hindi ko rin tiyak ang mga pinapakita niyang kilos kung totoo na ba o kunyari lang?

O talagang napakagaling lang niyang umarte at uto-uto lang ako?

"Excuse me."

Napansin naman agad ako ng kaklase ni Brent.

"Teka, girlfriend ka ni Brent, diba? Hindi mo alam? Maysakit siya kaya absent."

"S-salamat po."

Agad akong napatakbo palabas ng school at sa pinakamalapit na convenient store para bumili ng mga prutas at gamot.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya, kaya balak ko sanang bisitahin siya sa bahay nila.. pero paano?

Atsaka biglaan naman ang pagkakasakit niya?

O baka talagang napagod si Brent sa pagde-date namin kahapon?

Napabuntong-hininga ako at nakaramdam ng guilty, dahil kasalanan ko pa ata na nagkasakit siya para lang maipakita ko sa mga kaibigan ko na nagde-date din kami tulad nila.

Pagkatapos kong mamili ay agad na pumunta ako sa mini-restaurant ni Julius para tanungin siya kung anong address ni Brent at nang mapuntahan ko.

Pagbukas ko ng pinto, napansin kong walang katao-tao sa loob.

"Julius?" tawag ko.

Lumabas si Julius na ngiting-ngiti mula sa kusina habang nagtatanggal ng apron niya.

Lumabas si Julius na ngiting-ngiti mula sa kusina habang nagtatanggal ng apron niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Boyfriend Is A Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon