intro.

15 3 0
                                    


••Third Person's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

••
Third Person's PoV

Sa syudad ng Townsville, hehe.

Tuwing gabi makikita natin na nagtatanghal ang bandang 'Buns & Patties' o B'nP sa mini stage ng isang sikat na kainan upang pangunahan ang happy hour sa nasabing lugar kung saan sa umpisa ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga customer na magrequest ng kanta, nagkakaroon ng maliit na dance floor para sa slow dance at sa paglalim pa ng gabi ay nagiging wild ang mga tao, gayundin ang mga tugtugin dito.

"Magandang gabi sa lahat, hayaan nyong saluhan ng aming matamis na awit ang inyong hapunan." sabi ng bokalista.

"Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit~" panimula ng kanta at ng bokalista na sinamahan pa ng matamis nitong ngiti.

"kapag naalala ka, wala naman akong magawa" maririnig din na ang iba sa mga customer ay nakikisabay sa kanta.


"Umuwi ka na, baby. Di na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa"
At syempre, mawawala nga ba ang mga pilyong tagahanga?

" AAAAH, UUWI NA AKO BABY."
" Tara na, guys. Uuwi na ako. Hanap na ako ng baby ko"
" Yes, baby! I'm going home. Just wait for me."
" UUWI NA AKO BABY, DI KA NA MAGIISA"

natawa nalang ang bandang tumutugtog.

"At sa gabi hinahanap-hanap kita"

"Bat ka pa naghahanap? Nandito lang naman ako!"
" Bibigay ko sayo address ko mamaya, wag ka na magpakahirap maghanap!"

at sa ganyang eksena ang palaging nangyayari sa kainan na ito. At sa pagsapit ng ika-11 ng gabi, ay papalitan na ng dj ang banda at tuluyan na nga itong magiging bar.

at dahil din sa galing ng banda ay lalong sumikat ang kainanㅡbukod sa masarap nilang pagkain at sa ganda ng atmospera rito.

••

DreamsWhere stories live. Discover now