i.

17 3 1
                                    

Jae's PoV

"Jae, hintayin mo muna ako, wag ka muna uuwi ha sabay tayo. Bibilisan ko, promise" sabi ni Joe sakin, epal kong kaibigan, at nagsimula na syang magtype sa dala nyang laptop.

Nandito kasi kami sa Discussion Room sa may library, kung san pwede mag-ingay (di sobrang lakas), kumain, magpatugtog at mag-usap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nandito kasi kami sa Discussion Room sa may library, kung san pwede mag-ingay (di sobrang lakas), kumain, magpatugtog at mag-usap. Sa mismong library kasi bawal, so dito kami. Gumagawa kasi sya ng thesis nila, tinatype nya atsaka nirerevise na din, leader e.

"Hintayin kita pero may kapalit" sabi ko sabay kuha ng module nya na Engineering na nilapag ko rin agad kasi tungkol sa course naman nya yun e, di ako makarelate.

Electronics Engineer (BSEcE) kasi course nya, yung sakin naman Journalism (BAJ)

Wala kasi akong klase ngayon pero pumunta akong school para sa meeting namin ng mga ka-org ko. Malapit na kasi yung SOCSCI week, so kailangan naming mag-isip ng program para ron.

"Sige, ano ba yun?" tugon nya sakin ng hindi parin inaalis yung tingin sa laptop nya.

"Libre mo ko pagkatapos mo dyan ha. Libre mo ko ng pagkain." sabi ko tsaka sya nginitian.

Tapos naman na yung klase ni Joe ngayon, kaninang umaga lang naman sya may subject, kaya yung ginagawa nya nalang ngayon ay yung thesis nila, para raw di sayang yung pagpasok nya kahit papaano.

"Sige, atsaka samahan mo na din ako mamaya ha, may papakilala ako sayo" sabi nya at nilingon na ako sabay ngiti pa ng pang-asar.

"Tingnan mo magpapasama ka pa, libre mo meryenda tsaka hapunan ko ah! At sinong pakilala na naman yan? Nung sinabi mo sakin yan dati na may ipapakilala ka, pinakilala mo lang naman ako sa isang sikat na Engineer sa Pilipinas, na idol mo. Wao ha. Sino naman yan ngayon? Sikat naman sa ibang bansa?" I sarcastically said while rolling my eyes.

Paano ba naman kasi pinakita nya sakin yung picture nung tao na yun tsaka pinakilala, literal.

"Jae, meet the most famous Engineer here in the Philippines. Sir, the most famous Engineer in the Philippines, meet a not-so-famous friend of mine, Jae. It's her pleasure to meet you"  yeah, sinabi nya yan sa harap ko at ng picture nung most famous Engineer here in the Philippines nyenyenye, nya.

See? kung gaano sya kabaliw at kacorny, tch.

"Iba na to HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, di na sya Engineer." humahalakhak nyang sabi, tuwang-tuwa kasi si gago sa reaksyon ko non.

Inirapan ko lang sya. "Hoy Joe, yung libre ko ha! Seryoso ako ron, ilibre mo ko kasi magpapasama ka pa sakin tas matagal ka pa dyan"

"Oo na, alam ko. Sagot ko na nga tanghalian pati hapunan mo pa? bakagusto mong pag-aralin na rin kita? Ang ganda mo eh no." sabi nya at binalik na ulit yung tingin nya sa laptop nya.

DreamsWhere stories live. Discover now