PROLOGO

1 2 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata mula sa isang mahimbing at napaka habang pagtulog. Pulos kulay puti ang aking nakikita at may malaking makina ang nasa aking tabi. Kung ano ano rin ang nakakabit sa aking katawan, bagaman ganoon ay wala akong maramdamang kahit anong sakit.

Walang kahit sino ang nasa kwartong ito bago pa man may pumasok na isang nurse at nagulat siya nang makita akong ngayon ay gising na. Agad siyang tumawag ng doktor upang tingnan ang aking kalagayan. Maya-maya ay lumapit siya sa may telepono at pinindot ang mga numero doon.

"Mrs. Arguzon! Opo.. Yes po, nagising na po ang anak ninyo." Natutuwa niyang sabi habang kausap ang aking ina.

"Yes po, papunta na rin po ang mga doctor para i-check siya.. Okay po. Walang anuman po, trabaho po namin ito. Sige po." Nakangiti niyang banggit habang nakatingin sa akin nang may nangungusap na mga mata, sinasabing masaya siyang makita akong gising na ngayon.

"Kamusta Eislyn? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sakin.

Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kaniya. Hindi ko nais sabihing hindi ako ayos dahil baka mag-alala siya masyado at sabihin pa sa pamilya ko.

Alam kong hindi magiging maayos ang pakiramdam ko hangga't hindi ko pa nakikita ang isang taong alam kong masyado nang nag-aalala sa akin ngayon. Nasaan siya? Bakit hindi ko siya nakikita rito?

Maya-maya ay pumasok na ang mga doktor at kung ano anong bagay ang tinanong sa akin. Tanging pagtango at pagiling ang isinukli ko sa kanila.

"You should rest more Eislyn. Your body needs strength, kainin mo sana itong mga prutas sa tabihan mo para mas lalo kang lumakas." Nginitian ako ng doctor matapos banggitin iyon at umalis na siya kasama ang dalawa pang doctor na kasama niyang pumasok dito kanina.

Wala pa naman sila mama kaya naisipan kong matulog muli dahil nanghihina pa rin ang katawan ko.

Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ng mama ko ngunit hindi ko pa rin magawang imulat ang aking mga mata. Marahil ay dahil na rin sa pagod at panghihina.

"Anak, maraming salamat sa Diyos at nagising ka nang muli. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sa amin." Nagulat ako nang malamang.. umiiyak siya. Umiiyak ang mama ko na pinaka ayoko sa lahat. Mas nasasaktan ako pag nakitang nasasaktan din ang aking mama.

Iminulat ko ang mata ko na siyang ikinagulat niya.

"Anak.." Tanging hikbi lamang niya ang maririnig dito sa buong silid.

"Ma, anong mawawala? Sinong nawala, ma? Sino?" Naguguluhan man ay sinikap kong huwag tumulo ang mga nagbabadya kong luha.

Hindi ko alam kung ilang araw o buwan na ako dito sa kamang ito. Mas lalong hindi ko alam ang mga nangyari sa mundo habang ako ay nandito sa ospital na ito. Pinagkatitigan kong mabuti ang mama ko, napansin kong mas namayat siya. Hindi ko alam ang dahilan pero halata sa kaniya ang pagod at puyat dahil sa itim na hugis bilog sa ilalim ng kaniyang mga mata.

Hindi ako nakatanggap ng kahit anong sagot mula sa kaniya, sa halip ay tinakpan niya ang sariling bibig gamit ang dalawang kamay at hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.

Naiintindihan ko kung bakit tila pinipigilan niyang huwag magsalita. Marahil ay sinabi ng doctor na hindi ako puwedeng ma-stress masyado dahil baka hindi pa kayanin ng utak ko. Lalo na't nagsisimula pa lang itong mag-function ulit.

Pero wala akong pakialam, ang gusto ko lang malaman sa ngayon ay kung ano ang ibig sabihin niya. Alam kong may problema, halata ko iyon. Alam kong may namatay pero hindi ko alam kung sino iyon.

Field Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon