Narito ako ngayon sa aking kuwarto kung saan ako gumuguhit ng isang gusali. Hindi pa ako isang ganap na kolehiyo ngunit hindi ko maitatanggi ang pagkahilig ko sa pagguhit ng kung ano anong mga bagay. Pinaghahandaan ko lamang ang mga posibleng dahilan ng paghihirap ko pag yapak ko sa kolehiyo.
Nang matapos ito ay nagpunta ako sa kusina upang kumuha ng makakain.
Hindi kalakihan ang aming bahay pero hindi rin ganoon kaliit. Tama lamang para sa apat na miyembro ng aming pamilya. Hindi kami mayaman ngunit hindi rin mahirap, may kaya ika nga nila.
Ako ay may nakababatang kapatid na lalaki. Dalawang taon ang tanda ko rito ngunit hindi ko maitatanggi ang pagka-mature nitong mag-isip. Matalino ang kapatid kong iyon, 'yun nga lang ay mas matalino pa rin ako. Charot lang!
Hindi siya mahilig gumuhit gaya ko at ng aming daddy. Siguro nga ay ako lang ang nagmana sa kaniya.
Ang aking ama ay magaling sa ganoong bagay, bagay na sobrang kinahangaan ko sa kaniya hanggang sa malaman ko na lang sa sarili ko na gusto ko ang kursong arkitektura. Pangarap iyon ng aking ama ngunit hindi nangyari dahil sa kahirapan nila noong mga panahong iyon, ni hindi siya naka-abot ng kolehiyo.
Nais kong ako ang magpatuloy ng pangarap niyang iyon, sigurado naman akong susuportahan nila ako sa kung anong bagay ang gusto ko, ganun din ang kapatid ko.
"Ano't ngayon ka lang bumaba, anak? Kanina pa kami tapos mag-tanghalian. Kumain ka na diyan." Narinig kong sabi ni mommy na kasalukuyang tinatahi ang damit ng daddy.
"Pasensya na my, may tinapos lang." Tugon ko na siya namang tunay.
Agad na kumalam ang aking sikmura nang maamoy ang paborito kong ulam, kaldereta. Dali-dali akong kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor upang masimulan nang kumain.
Unang subo pa lamang ay lasap ko na ang sarap ng luto ni daddy. Masarap magluto ang daddy ko na kabaliktaran kung pano magluto si mommy. Wala na akong ibang hiniling pa kundi matikman ang luto niya kada uuwi ako ng bahay.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan at nang matapos ay nagpunta ako sa sala. Pulos sigaw ng nakababatang kapatid ang aking nadatnan.
"Eh ayoko nga my eh, ayan oh si ate na lang. Wala naman siyang ginagawa, 'di ba ate?" Tumingin ako sa kaniya ng may nagtatanong na tingin.
Nakuha naman agad ni mommy ang ibig sabihin ng tingin kong iyon.
"Anak ayos lang ba na ikaw muna ang mag-grocery ngayon? Paalis na sana ako kaso nga lang ay biglang tumawag ang Tita Bella niyo. Na-ospital daw ang tito niyo dahil inatake sa puso." Nagulat ako sa sinabi ni mommy, wala namang sakit sa puso si Tito Abet ah? Bakit bigla siyang maoospital dahil 'dun?
"Totoo ba my? Naku, ikumusta ninyo ako sa kaniya. Sana ay maging maayos na ang kalagayan niya." Nag-aalalang sabi ko sa kaniya.
Si Tito Abet ay nakatatandang kapatid ni mommy, isa siya sa mga sumusuporta sa gastusin ng pag-aaral naming magkapatid. Wala silang anak ni Tita Bella kaya't kami raw ang ituturing nilang anak habang hindi pa sila nabibiyayaan ng supling.
"Oh siya anak, heto ang listahan ng mga bibilhin mo. Mag-iingat ka. Kailangan ko nang magmadali papuntang ospital." Agad ko namang kinuha ang listahang iyon.
Humalik sa amin ang mommy at saka kami iniwan sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko upang mag-ayos ng kaunti, hindi ko gugustuhing magmukhang bruha habang naglalakad sa isang convenience store.
"Hoy ate! Ibili mo 'ko ng chocolate ah?! Promise babayaran ko pagdating mo." Sigaw ng kapatid ko pagkababa ko.
Aba't nakahirit pa nga ang isang 'to.
"Hoy ka din! Ang kapal ng mukha mo, ikaw nga ang inuutusan diyan ni mommy tapos ako naman ang ituturo mo. Ulol ka, bumili ka ng chocolate mag-isa mo!" Gantihan lang 'to bro, hindi mo sinusunod utos ko 'pag ako ang nagpapabili.
"Please ate, I'm craving." Tumingin siya sa akin ng may nagpapa-cute na mga mata. Hindi ko maitatanggi ang ka-gwapuhang taglay ng kolokoy na 'to. Syempre kanino pa ba 'yan magmamana? Edi sa akin!
Kaya andaming naghahabol na mga babae dyan, ayaw naman patulan. Choosy pa!
"Tsk, oo na bitawan mo na ko!" Sigaw ko dahil hawak hawak niya ang braso ko.
"Yayyy!" Umupo na siyang muli sa sofa at nanood.
Lumabas na ako ng bahay at hindi maiwasan titigan ang mga naggagandahang bahay sa paligid.
Kapag ako ay naging ganap na architect na, mas malaki at mas magandang bahay ang ipapatayo ko para sa pamilya ko. Mommy, Daddy, kapatid ko, intayin niyo ang araw na 'yun. Hinding hindi na tayo makakaranas ng paghihirap.
Hindi ba't ang sarap isipin ng magiging future mo? Yung pangarap mo, na gustong gusto mong matupad. Hindi lamang para sa sarili mo kundi higit na para sa pamilya mo.
Yung tipong hindi mo na kailangan humingi ng pera sa kanila para sa pansariling kagustuhan mo, bagkus ay ikaw na ang magbibigay ng pera para sa pansariling kagustuhan nila.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa isiping iyon.
Habang naglalakad ako ay may iilang kakilala ko ang bumabati sa akin na siyang nakasanayan ko na kaya't nginingitian ko na lamang sila at binabati pabalik.
Nang makarating ako sa tindahan ay kumuha na ako ng cart na paglalagyan ng mga bibilhin ko. Hindi naman ito ganun karami at kayang kaya kong buhatin pauwi.
Inuna ko ang mga gulay at prutas. Mahilig kaming lahat sa masusustansyang pagkain, sinanay kami ng daddy para daw lumakas ang resistensya namin at iwas sakit. Nagpapasalamat ako dahil dun.
Sumunod ay sa mga karne ng baboy at manok, maging pagpili ng tamang karne ay itinuro sa amin ni daddy.
Ang sariwang karne ng baboy ay malambot at bumabalik sa dating anyo kapag pinisil at higit sa lahat, kailangan marosas-rosas ang kulay ng laman nito. Hindi mapulang-mapula, hindi rin nangingitim at kulay puti ang taba nito.
Ang sariwang karne ng manok naman ay dapat siksik ang laman at manilaw-nilaw ang taba. Kailangan ding malambot, makinis at walang pasa-pasa ang balat.
Nang matapos ko nang bilhin lahat ay binayaran ko na ito sa cashier.
Lumabas na ako sa tindahan at napansin kong medyo dumidilim na kaya't nagmadali na akong umuwi.
Habang naglalakad pauwi ng bahay ay may nakita akong bata na umiiyak sa gitna ng kalsada. Lalaki ito at siguro ay nasa apat o limang taong gulang. Hindi ko naman mawari kung ano ang dahilan ng pag iyak niya. Siguro ay nawawala ang magulang niya? o siya ang nawawala? O baka naman inaway siya ng ibang bata?
Lalapitan ko na sana ito upang tulungan siya sa kung ano mang iniiyak niya dyan ngunit may nakita akong sasakyang paparating kaya naman agad kong nabitawan ang mga dala ko at tumakbo papalapit sa bata.
Papalapit na ang sasakyan at hindi ko alam kung aabot ako sa pinaroroonan ng bata kaya naman sumigaw ako para malaman niyang may sasakyan sa likuran niya.
"Bata umalis ka diyan!" Lumingon ito sa'kin kasabay ng kaniyang pagkagulat.
Agad ko siyang tinulak upang hindi siya mabunggo ng kotseng iyon.
Isang malakas na pagbunggo ang umugong sa aking pandinig at bigla akong natuwa nang malamang..
Ligtas na siya.
Naramdaman ko na lamang ang dugo sa katawan ko at ang mga maliliit na piraso ng patak ng ulan kasabay ng unti-unting pagpikit ng mga mata ko.
______________________________________________
VOTE. COMMENT. SHARE.
BINABASA MO ANG
Field Of Dreams
FanfictionThings changed when an accident happened. She was so happy just because of one thing, his man. They loved each other so much but later on, the girl found out one thing that makes her heart shattered into pieces. And that is not a simple thing like w...