KABANATA 3

0 1 0
                                    

Matapos ang nakakapagod na practice ay umuwi na agad ako sa dorm at naligo. Namataan ko si Ali na ginagawa na ang homework namin ngayon.

Eiffel Tower in Paris, France
3-point perspective (ant’s eye view)

Mabuti pa siya at patapos na gayong ako ay magsisimula pa lamang. Habang ginagawa ko iyon, hindi ko maiwasang lingunin si Jaca na ngayon ay nasa kama niya at nakangiti habang nagta-type sa phone kaniyang phone.

Mali siguro kami ng akala, baka may boyfriend na nga itong si Jaca.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin nang tumingin din siya sa akin. Baka kung ano pang isipin niya.

“Ali,”

“Oh baket?” Busy pa rin siya sa pagtapos ng plate namin. Himala! Hindi niya nadumihan ang papel niya.

“Alam mo na ba ang nangyari kay Ate Joana?”

“Joana?” Tumingin siya sa taas at hinawakan ang baba na animo'y nag-iisip kung sino ang binanggit kong pangalan.

“Ahh! Yung captain niyo yon diba? Bakit anong nangyari sa kaniya?”

Tumango ako bilang pagsagot sa una niyang tanong. “Eh nakuwento kasi sa amin ni coach kanina na ano raw.. naaksidente daw sila nung nanay at kapatid niya.”

“ANO?!” Nagulat ako sa reaksyon hindi lang ni Aliyah kundi maging si Jamaica. Naguguluhan kaming tumingin kay Jaca na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin.

“Eislyn, please tell me kung ano pang sinabi sa inyo ng coach mo!” Bakit siya naninigaw? In fairness huh? Yan na ata ang pinaka mahabang sentence na sinabi niya sakin.

“Woah, chill. Bakit? Magkaano ano kayo ni Ate Joana?” Syempre itatanong ko muna, baka kaaway niya eh HAHAHAHA just kidding.

“Just..” naiirita na ata siya dahil sa tanong ko “Just tell me!”

Ini-kuwento ko sa kanilang dalawa ang mismong sinabi sa amin ni coach Yuhan, walang labis, walang kulang.

Biglang kinuha ni Jaca ang phone niya at nilagay sa tenga nito. May tinatawagan.

“Tito.” bumuntong hininga siya bago sinundan ang sinabi “Uhm okay naman po.” Hindi na namin narinig ang iba pa niyang sinabi dahil lumabas na siya ng dorm.

“Pinsan niya ata.” ani Aliyah. Siguro nga ay pinsan niya si Ate Joana at kausap niya ngayon ang tatay nito. “By the way, sino na nga pala ang papalit sa kaniya? ‘Di ba sabi mo dati, dapat may captain para siya yung magtetrain sa lahat?”

“Oo Ali,” isang buntong hininga ang aking pinakawalan at saka sinabing ako ang papalit kay Ate.

“Talaga?! Wahh! Lyn-Lyn, kaya mo yan! OMG. Support kita! Ipanalo mo ah? Promise pag nanalo ka, ililibre kita! Basta ipanalo mo ha?!” Napaka-lakas ng boses nito, halos mabingi na ako.

“Ali, wag kang ganiyan. Napepressure ako ehh.” Totoo iyon, hindi ko alam ang gagawin kung sakaling matalo. Maraming madidisappoint sa akin, alam ko iyon. Ang tanging magagawa ko lamang ay umiyak.

Pero sa halip na mag isip ng kung ano ano, pag bubutihin ko na lang ang pag eensayo nang sa ganon ay mas gumaling pa ako.

“Alam mo Lyn, may nakapag sabi sa akin dati na kapag daw napepressure ka, iyan daw ang magdadala sa’yo para manalo ka sa isang laban.”

Napasimangot ako. Kung ganon ay kailangan ko palang ma-pressure para manalo? Tch. Hindi ako naniniwala.

“Bahala ka sa buhay mo! HAHA Basta ipanalo mo 'yon ha? Pag talaga natalo ka..”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Field Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon