“Eh hindi nga kasi ako pwedeng basta basta na lang umuwi. Andami-dami ko pang tinatapos oh? Oh? Ano naman ang gagawin ko dyan? Mas mahalaga pa ba yan 'Ma, kesa dito? Hindi naman eh. Sige na, ibababa ko na. Hindi ako uuwi.”
Kay aga-aga nanggigising 'tong si Ali. Puyat pa man din ako kahapon. Buwiset.
“Uy Lyn, gising ka na pala. Goodmorning!” bati niya sakin ng makita akong kinukusot-kusot ang mata. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Oo! Eh pano ba naman anlakas-lakas ng boses mo, no? Pwede ka naman makipag usap sa labas jusko. Ano bang pinagusapan niyo ng mama mo?” Para kasing iritang irita siya at pinipilit na huwag nang umuwi.
“Ayy sorry na” tumingin siya sakin, kagat kagat ang daliri. “Eh kasi naman, itong si mama kesyo umuwi daw ako dahil uuwi din ang mga kamag-anak namin galing Japan! Gusto na daw ulit akong makita, eh anong magagawa ko, andami pang plates na gagawin! Buti ka pa nga dalawa na lang eh, ako lima pa! Mas mahalaga pa ba yun kesa dito?! Si mama naman parang hindi lagi nag-iisip eh. Pilitin ba nama--”
Nagsimula na naman maging rapper itong kaibigan ko kaya pinatigil ko na.
“Oo na, tumahimik ka na. Naririndi na ako.” Napaka-daldal talaga nito. Parang hindi nauubusan ng mga salita ang bibig.
Pero madaldal man yan, tanggap ko ang ugali niyan. Mag-iisang taon na kami dito, hindi pa ba ako masasanay?
Napaka-clumsy niyan ni Aliyah. Minsan nadudumihan o natatapunan niya ng kape yung ginagawa niyang plate, kaya ayun makikita ko na lang siyang umiiyak dahil pinaghirapan niya daw yun tapos madudumihan lang. Ang mangyayari, uulitin niya na naman kaya natatagalan siya. Ending, magpapatulong siya sakin na matapos yon.
Tatlo kaming magkakasama dito sa dorm. Ako, si Aliyah at si Jamaica. Ang akala ko nga ay dalawa lang talaga kami dito, nalaman ko na lang sa dorm owner na may isa pa daw kaming makakasama dahil nauna daw siya rito. Ayos lang naman sa aming dalwa, hindi ko nga lang alam dun sa Jamaica na yun.
Unang pagkikita pa lang namin, alam kong hindi niya na kami gustong makasama. Alam kong gusto niya rin ng privacy pero ano pa bang magagawa namin? Eh andito na kami. Titiisin na lang naming dalwa na makasama siya sa loob ng limang taon kahit alam kong hindi magiging madali.
Paminsan minsan ang attitude niya, nakaka-inis lang. Kagaya na lang nung isang araw na male-late na kami ni Aly at maliligo pa lang siya. Bakit daw antagal tagal ni Aly sa loob ng banyo. Pati daw siya idadamay namin sa pagka-late. Hindi ko alam kung magkaka ayos pa kaming tatlo dito sa loob ng iisang kuwarto na ito. Bahala na.
Architecture din ang kinukuha niyang kurso kagaya naming dalawa ni Aliyah pero ni minsan ay hindi kami nagpakialaman sa ginagawa naming plates. Kaniya kaniyang gawa, kaniya kaniyang mundo.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6:30 pa lang. Sakto ang gising ko dahil 8:00 a.m. pa ang klase namin ngayon. Dapat ko palang pasalamatan ang living alarm clock ko kung ganon.
Nakita kong nagluluto na si Ali ng umagahan naming dalawa. Bakit kaming dalwa lang? Ayaw daw ni Jamaica na makasabay kami. Edi huwag kung ayaw niya, hindi naman namin siya pinipilit.
Papasok na sana ako sa banyo pero naka-lock ito. Naliligo na siguro si Jaca. Ang aga niya, huh?
Dumiretso muna ako sa cooking area para tingnan kung anong ginagawa ng kaibigan ko. Nagp-prito siya ng tig-dalawang hotdog at itlog.
“Ali,” pagtawag ko rito.
“Hmm?” sagot niya ng hindi tumitingin sa akin dahil abala siya sa pagpiprito. Natawa ako ng bahagya.
“Sa tingin mo may jowa si Jaca? Lagi siyang beastmode sa atin eh. Baka wala siyang boyfriend kaya ganon.” Pabulong kong tanong sa katabi ko. Natatawa pa rin dahil sa sariling naisip.

BINABASA MO ANG
Field Of Dreams
FanfictionThings changed when an accident happened. She was so happy just because of one thing, his man. They loved each other so much but later on, the girl found out one thing that makes her heart shattered into pieces. And that is not a simple thing like w...