00:03

4 0 0
                                    

Umirap sya at nauna nang pumasok kasama yung maliit na bata.

"Good evening po tita." nagmano sya sa nanay ko hihi kinikilig tuloy ako!

"Ang mama mo?" Tanong ni mama.

"Susunod daw po sya, tulungan ko na po kayo."

Nang pumunta ko sa sala, naiwan yung bata doon.

"Hello.. Anong pangalan mo?" Mukhang nahihiya sya.

"Lanze.." Ngumiti ako at kumuha ng laruan sa may shelf sa gilid ng tv namin.

"Kilala mo ba kung sino 'to?" 'pinakita ko sa kanya yung laruan ko nung bata. Ngumiti naman sya at inabot ang laruan. Nilaro ko pa sya at unti-unting sumilip sa ate nya.

Tinutulungan nya si mama. Ang ganda nya talaga. Nakapony tail sya tapos simpleng white t-shirt at hanggang itaas ng tuhod na shorts. Ang simple nya lang pero ang ganda ganda nya.

"Bakit?" mataray na sabi nya. Umiwas ako agad, shit! kanina pa pala ako nakatingin sa kanya!

Kalaunan dumating na din yung mama namin.. este mama nya na mama ko na din soon.

"Ang pogi naman pala ng anak mo, Jissele" sabi ni Mama Akel.

"Nako! Wag mong sabihin 'yan! Yayabang lalo 'yan!" pang aasar ni Mama sa'kin.

"Gusto mo pa?" Tanong ni Lumi kay Lanze, ngumiti naman si Lanze at tumango. Ang ganda nya talaga!

Nakita kong ubos na yung tubig nila Mama saka Lumi kaya nagsalin ako sa mga baso nila.

"Salamat hijo." ngumiti ako.

"Lumi, magkapareho kayo ng school ng anak ko hindi ba? Hindi nga lang sya nakababa dito nung unang bisita nyo dahil nagrereview sya no'n. Nagkikita ba kayo? Pasaway ba?"

"Iba po ang strand nya pero nagkikita naman po kami kapag breaktime.. Tulad po sa 'canteen'" Diniinan nya pa yung word na 'canteen'

"Ah hehe natapunan ko nga po yung canvas na ipapasa ni Lumi kanina, pero nagawan ko naman po ng paraan. Sorry ulit, Lumi" 

Nagulat ata sya kasi inamin ko yung kasalanan ko pero binawi nya din agad at tumango.

"Nakooo, pagpasensyahan mo na 'tong anak ko ha?" sabi ni Mama.

Tumango lang ulit si Lumi. Pagkatapos ng hapunan umuwi na din sila Lumi dahil may gagawin pa daw sya pero naiwan naman si Tita Akel sa balkonahe kasama si Mama. Chika minute daw sila.

Pumunta 'ko sa kwarto ko tumingin sa bintana. Bukas yung kurtina ni Lumi! Nakatalikod sya sa bintana kaya hindi nya 'ko nakikita. Ang ganda ng pinapaint nya, parang babae tapos may building na malaki. Napansin nya yata na may nakatingin sa kanya kaya napalingon sya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo sya at lumapit sa bintana, magsasalita na sana 'ko kaso sinara nya yung kurtina. 

Hmp! galit pa din syaaa! 

Inagahan ko talaga yung gising ko para malaman ko kung anong oras ba sya pumapasok. Tama ako! 5:30 sya umaalis. Binilisan ko yung kilos ko para maabutan sya sa sakayan ng bus. 

"Goodmorning!" Nginitian ko sya tapos pinauna kong pumasok sa bus. Bakante yung mga ibang mga upuan kasi umagak pa. Umupo sya sa tabi ng bintana. 

"Pwedeng tumabi?" Sinamaan nya 'ko ng tingin kaya nag-iwan ako ng isang upuan sa pagitan namin. 

"Huy.. Sorry na." 

"Ayos lang." lamig mo naman madam.

"Ako na magdadala nyan" nilingon nya 'ko kaya nginitian ko sya. 

"Wag na, baka masira mo nanaman" nilabas nya yung earphones nya.

"Eh.. Wala naman na 'kong dalang kape saka bumabawi lang naman ako sa atraso ko sa'yo" Binilisan ko yung pagsasalita ko kasi kinakabit nya na sa tenga nya yung earphones nya. 

Nung tumigil yung bus, nag dagsaan bigla yung mga pumasok. No choice kaya napatabi ako sa kanya. Tiningnan nya 'ko ng masama kaya tinaasan ko sya ng kilay, tumingin ulit sya sa may bintana. 6:30 na nung makarating kami sa bandang kanto papuntang school. Puno na din yung bus kaya pahirapan makalabas. 

"Amina yung canvas mo. mapipitpit yan pag lumabas tayo." mukhang narinig nya naman ako kaya inabot nya sa akin yung canvas nya. 

"Excuse me pooo!" pinauna ko sya at inangat yung canvas nya. Inalalayan ko din sya hanggang sa makababa sya. 

Naglalakad na kami papuntang school pero di pa din sya nagsasalita, nang tinanggal nya na yung earphones nya, yun na yung 'go' signal na hinihintay ko.

"Ang galing mo mag paint." puri ko sa gawa nya. Kinuha nya lang 'yon at tumango. 

"Anong oras pala uwian n'yo?"

Kumunot yung noo nya sa tanong ko. "Bakit?" 

"Para sabay tayo. Mahirap na, baka madisgrasya ka pa."

"So anong pinaparating mo? Di ko kaya yung sarili ko?" nanlaki agad yung mata ko.

"Hala sya, hindi naman sa ganon--"

"Pero parang ganon na nga?"

Taray talaga.

"Gusto ko lang na ligtas ka." 

Umirap lang sya at nagdirediretso na. Energized akong pumasok sa room. 8am pa yung klase ko pero andito na 'ko agad. Umidlip muna ko't nagising ako sa pangangalabit ni Isaac.

"Aga mo ah?" 

"Syempre! Nga pala.. Kilala mo yung Lumi diba?" bungad ko.

"Crush mo si Lumi?" tanong ni Kian.

"Crush? Ano 'ko bata? Gusto ko lang maging kaibigan." tapos next asawa hehe.

"Nako! Wag ka na magbalak do'n kay Lumi, sumungit na 'yon saka di na sya tulad dati." Singit naman ni Jasper.

"Oo, tol. Sobrang friendly nga no'n ,eh, kaso nabroken 'ata. Di ko sigurado eh" sabi ni Isaac.

"Nagkajowa pala sya?" Tanong naman ni Kian.

"Lowkey lang sila, pre. Not my story to tell." napatingin naman ako kay Jasper. Mukhang marami syang alam.

Chichikahin ko na sana sya kaso dumating na si ma'am. Sandamakmak na aral nanaman! Lunch break na ulit nung nagkasama kaming apat, kaso ayaw naman nilang pumuntang canteen kaya pumunta na lang ako mag-isa. 

Nakita ko agad si Lumi na kasama yung girlfriend ni Jasper. 

"Hi Boss!" Bungad ko kay Lumi. Nagulat pa 'ata sya sa presence ko.

"Bakit ka nanaman nandito?" irap nya. Sige, magsungit ka lang.

"Kasi gusto ko." Ngumiti ako at sumabay sa kanila sa pila. Ununahan ko sila sa pagbayad at umirap nanaman sya. Buti pa yung girlfriend ni Jasper nag 'thank you'.

"Ngayon lang kita nakita dito." Girlfriend ni Jasper.

"Ah, oo. Kakalipat ko lang kasi. Ako nga pala si Zale" nakipagkamay ako.

"Janette, Bakit nga ba buntot ka nang buntot kay Lumi?" Tanong nya.

"hehe may atraso kasi ako sa kanya kahapon diba? kaya nanghihingi ako ng sorry, saka gusto ko sya maging kaibigan"

Nagsimula nang kumain si Lumi.

"Pray ka muna." siniko ko sya ng kaunti.

Tamad nya akong tiningnan. " Tapos na." Umirap nanaman sya. 

"Kaibigan lang? Walang ibang intensyon? Sure?" Pang iintriga ni Janette.

"Oo naman. Saka gusto ko syang makitang ngumiti."

I (Book 1 of IMY)Where stories live. Discover now